Title: The Cross of Christ
Composer / Creator: Lester Delgado
Source: Misa Delgado Book 7 (© 2014 Lester Delgado)
[Refrain]
By the cross of Christ, He gave us new life,
He cleansed us from our sins and brought salvation to our lives.
By the cross of Christ, He brought us new light,
He suffered the pain when He offered His life
To the world on the cross when He died.
[Verse]
Touch us with your spirit, Lord,
Forgive all our sins and wash away our tears.
In your hands we raise our hearts,
Use us, Lord Jesus Christ.
[Refrain]
By the cross of Christ, He gave us new life,
He cleansed us from our sins and brought salvation to our lives.
By the cross of Christ, He brought us new light,
He suffered the pain when He offered His life
To the world on the cross when He died.
[Bridge]
Hold us with your hands, O Lord,
Embrace us with your arms and protect us with your love.
In your cross we lift our lives,
Bless us with eternal life.
Monday, August 24, 2026
The Cross of Christ Lyrics
Holy Mother of Our Savior Lyrics
Songbook: Misa Inmaculada Concepcion
Words by: Jean C. Arevalo
Music by: Alejandro D. Consolacion II
Verse 1:
Holy Mother of our Savior,
The Spirit dwells in you.
Oh how great is your beauty
And the grace bestowed on you.
Holy Mother of our Saviour,
Blessed are you.
From among all women,
God had chosen you.
Refrain:
O Blessed Mary, your faith is everlasting,
Remaining ever virgin,
Your heart Immaculate.
O Blessed Mary, Mother of God,
Lead us with your gentle hand
To Christ, His Only Son.
Verse 2:
Holy Mother of our Savior,
We ask your intercession.
Come and help your children,
Who seek to rise from shame.
Holy Mother of our Saviour,
Blessed are you.
From among all women,
God had chosen you.
Refrain:
O Blessed Mary, your faith is everlasting,
Remaining ever virgin,
Your heart Immaculate.
O Blessed Mary, Mother of God,
Lead us with your gentle hand
To Christ, His Only Son.
Sunday, August 9, 2026
Awit sa Pag-ahon Lyrics
Title: Awit sa Pag-ahon
Titik (Lyrics): Padre Reynante U. Tolentino
Musika (Music): Alejandro D. Consolacion II
Transkripsiyon: Ral Paguergan
Tayo nang lahat sa Birhen ng Antipolo,
isang pamilya't bayan tayo'y umahon!
Tayo nang lahat sa Birhen ng Antipolo,
lahat ng himala't pagpapala'y baun-baon.
Halina't tayo'y umahon sa Antipolo, sa Dambana
ng Milagrosang Birhen ng Antipolo.
Sama-sama tayong magpuri sa Diyos,
manalangi't magsaya sa piling ng ating Ina.
Umahon tayo, umawit kay Hesukristo.
Bilang pasasalamat sa Kanyang Inang Maria.
Handugan natin si Hesus sa ating kapwa.
Sapagkat pagpapala Niya'y tuloy-tuloy.
Tayo na sa bundok na hinalikan ng Diyos.
Sa Bahay ni Maria yakap ng Diyos sa lahat.
Mga bungang ani, bulaklak at kandila'y alay
upang madama pag-ibig at yakap ng Diyos.
Viva! Viva! Kayumangging Reyna!
Wednesday, August 5, 2026
Dominican Blessing Lyrics
Dominican Blessing
May God the Father bless us.
May God the Son heal us.
May God the Holy Spirit enlighten us,
Give us eyes to see with,
ears to hear with,
hands to do God's work with,
feet to walk with and
mouth to preach the word of salvation with,
and may the Angel of peace
watch over us
May he lead us at last
by the Lord's gift to the Kingdom.
Amen.
Gawin Ninyo Ang Anumang Sabihin N'ya Lyrics
Title: Gawin Ninyo Ang Anumang Sabihin N'ya
Context: Misa Birhen Maria, Medalla Milagrosa - Awit sa Pakikinabang
Composer: Marvin A. Quintana
Copyright/Credits: Miraculous Medal Apostolate MMXXV
[Koro]
Gawin ninyo ang anumang sabihin Niya sa inyo.
Mapalad ang taong sa Diyos ay may takot.
Gawin ninyo ang anumang sabihin Niya sa inyo.
Mapalad ang sumusunod sa kanyang mga utos.
[1]
Kung susundin mo ang tinig ng Panginoon
at maingat na gagawin ang kanyang utos
Itataas ka Niya sa lahat ng mga bansa
[2]
Ang paggalang at pagsunod sa Diyos
ay simula ng karunungan
Ang pagkilala sa Banal na Diyos
may dulot na kaalaman
[3]
Ang lahat sa Diyos tumatanggap
binibigyan ng karapatan
maging Kanyang anak
Mahal Na Poong Hesus Nazareno Lyrics
Mahal Na Poong Hesus Nazareno
Titik at Musika ni: Walter Perez Labado
Poong Hesus Nazareno,
salamat po sa pag-ibig Mo.
Ang buhay Mo'y inialay,
sa krus ay namatay upang kami ay mabuhay.
Poong Hesus Nazareno,
patawad po sa mga kasalanan ko.
Ang buhay ko'y iaalay,
ang lahat ay ibibigay, puso ko'y sa 'Yo lamang
habang buhay.
Koro:
Poong Hesus Nazareno,
kay buti Mo, sa hirap at dusa Ika'y kasama ko.
Ang samo ko't dasal, sana'y pakinggan Mo,
nang mapawi na mga paghihirap ko.
Poong Hesus Nazareno, salamat po.
Ang 'Yong pagmamahal ay nadarama ko.
Ngayon at magpakailanman,
Ika'y pupurihin ko,
mahal na Poong Hesus Nazareno.
Poong Hesus Nazareno, kalugdan po ninyo
itong kahilingan ko.
Mabuhay nang mapayapa,
ilayo sa lahat ng masama,
kaawaan N'yo po kaming umaasa.
Poong Hesus Nazareno, patnubayan N'yo po
nawa't gabayan ako.
Iligtas sa kapahamakan
at tiyak na kamatayan,
h'wag po Ninyo kaming pababayaan.
(Koro)
Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Poong Inggo, Manahan Ka! Lyrics
Music by: Alvin C. Mangoma
Arranged by: Marc Misael S. Gamil
Santo Domingo de Guzman,
mahal naming patron
Daluyan ka ng biyaya, wagas na pagpapala
Daluyan ka ng biyaya, wagas na pagpapala
Ikaw ang aming gabay
at tanglaw sa aming buhay
Pag-ibig mo sa amin
ay wala nang kapantay!
Santo Domingo, manahan ka!
Wednesday, July 22, 2026
Ps 22 The Lord Is My Shepherd (2026) - Aldo Joson - Lyrics
Title: Ps 22 The Lord Is My Shepherd (2026)
Composed by: Aldo Joson
[Refrain]
The Lord is my Shepherd;
there is nothing I shall want.
[Verse 1]
The Lord is my Shepherd;
there is nothing I shall want.
Fresh and green are the pastures
where He gives me repose.
Near restful waters He leads me,
to revive my drooping spirit.
[Verse 2]
He guides me along the right path.
He is true to His Name.
If I should walk in the valley of darkness
no evil would I fear.
You are there with Your crook and Your staff;
with these, You give me comfort.
[Verse 3]
You have prepared a banquet for me
in the sight of all my foes.
My head you've anointed with oil;
my cup is overflowing.
[Verse 4]
Surely goodness and kindness
shall follow me all the days of my life.
In the Lord's own house shall I dwell
for ever and ever.
The Lord is my Shepherd;
there is nothing I shall want.
There is nothing I shall want.
Saturday, June 27, 2026
Nang Buo Kong Buhay Lyrics
Nang Buo Kong Buhay
Titik: Albert E. Alejo, SJ
Musika: E.P. Hontiveros, SJ
Talata 1:
O Mahal na Puso, o loob ng Diyos,
Kapintig ng bayan ang Iyong tibok.
Puso ko'y pukawin hanggang kumilos,
Magpasya't mangatawang ibigin ang krus.
At Managot sa kapwa
Na mahal sa 'Yo
Nang buo kong buhay, nang buong kaluluwa,
Nang buo kong isip, nang buong lakas,
Kahit kamayan aking malasap.
Talata 2:
O mahal na Puso ng butihing Diyos,
Batis ng pag-ibig sa kapwang kapos.
Tao'y 'yong hinanap nang 'yong matubos,
Sana'y matularan ka sa paglilingkod,
Coda:
Kahit kamatayan aking malasap.
WALANG HIGIT NA PAG-IBIG (NO MAS AMOR QUE EL TUYO) Lyrics
WALANG HIGIT NA PAG-IBIG (NO MAS AMOR QUE EL TUYO)
[Spanish Lyrics]
No mas amor que el tuyo,
O corazon divino,
El pueblo Filipino te da su corazon.
En templos y en hogares
Te invoque nuestra lengua.
Tu reinaras sin mengua
De Aparri hasta Jolo.
Hatiempo que esperamos
Tu imperio en el oriente,
La fe de Filipinas es como el sol ardiente.
Como la roca firme
Inmensa como el mar.
La iniquidad no puede ser de estas islas dueña.
Queizada en nuestros montes
Tu celestial enseña
Las puertas del infierno
No prevaleceran.
[Tagalog Lyrics]
Walang higit na pag-ibig,
O mahal na puso,
Ang bayang Pilipino alay sa puso mo,
Sa templo, sa tahanan
Sambit namin ang 'yong ngalan.
Maghari kang tunay
Sa Aparri hanggang Jolo.
Malaon na naming pangarap
Paghahari mo sa Silangan,
Pananampalataya nami'y 'sing wagas ng araw:
Sintatag ng kabundukan,
Sinlawak ng karagatan.
Kailanma'y di pabibihag bayan mo sa kasalanan.
Tanghal sa tanang dako
Ang banal mong sagisag
Ang sumpa ng karimlan
Di magtatagumpay.
Credits:
Titik Kastila: Manuel Bernabe
Titik Tagalog: Isáng Lupon ng mga Hesuwita
Tugtugin: Simeón Resurrección
Friday, June 26, 2026
PAGLALAKBAY, PAG-AAKAY, PAG-AALAY Lyrics
PAGLALAKBAY, PAG-AAKAY, PAG-AALAY
Hubileyo ng Birhen ng Antipolo: ika-400 guning-taon ng Pagdating sa Pilipinas at ika-100 guning-taon ng Koronasyong Kanonikal
Titik: Sem. Danne Steven Q. Galve
Pag-aangkop: P. Ral Jaden C. Paguergan
Musika: Sem. Danne Steven Q. Galve
Areglo SATB: Noel Diño Espenida
Transkripsiyon: Ral Paguergan (San Carlos Seminary)
---
[KORO]
O Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay!
Apat na siglong paglalakbay, pag-aakay ng aming Ina.
O Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay!
Isang daang taong Koronada, pag-aalay sa aming Ina.
[TALATA 1]
O Reynang Kayumanggi, sa landas nami'y kumakandili,
Mula nang ika'y dumating ang pag-asa ay pinaigting.
Sa bawat hakbang ng aming buhay, ikaw ang Ina sa paglalakbay;
Sa unos, luha, at pagsubok, manalig ang iyong udyok.
(Ulitin ang Koro)
[TALATA 2]
O Reynang Mapaghimala, bayang Filipino ay pinagpala;
Sa paggabay mong wagas, sa Anak mo kami'y nilandas.
Sa bawat ganap ng aming buhay, sa pagmamahal kami'y inakay,
Sa katotohanan at liwanag, kami'y binuo't pinatag.
(Ulitin ang Koro)
[TALATA 3]
O Ina naming Koronada, sa isandaang taong pagkilala,
Sa awit at panalangin, pinipintakasi ka namin.
Ang samo namin ay kapayapaan, sa Simbahan at sa Bayan,
Sa bagong siglong tatahakin, kay Kristo kami ay dalhin.
[PANGWAKAS]
Ina... Pag-aalay sa aming Ina.
Sunday, June 21, 2026
Aming Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje Lyrics
Aming Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje
Awit Pambungad sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Antipolo
Titik at Himig: P. John Michael Dolom, FMI
Notasyon: Gerard Lao
Transkripsiyon: Ral Paguergan (San Carlos Seminary)
Koro:
Purihin sangkalupaan, Poong Diyos nating mahal,
Humirang kay Maria, Birheng pinagpala ngayon at kailanman!
Talata 1:
Patnubay ng manlalayag, Maria Birheng marilag.
Aming Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje. (Koro)
Talata 2:
Ang kapayapaan mong taglay, aliw sa nalulumbay.
Aming Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje. (Koro)
Talata 3:
Maging daan namin sa langit na mithiin.
Aming Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje.
Koro:
Purihin sangkatauhan, Poong Diyos nating mahal,
Humirang kay Maria, Birheng pinagpala, ngayon at kailanman!
Ngayon at kailanman!
Santo (Manoling Francisco) Revised Lyrics
Santo (Hindi Kita Malilimutan)
Musika: Manuel Simplicio V. Francisco, SJ
Areglo: Roy S. Lee
Transkripsiyon: Ral Paguergan (San Carlos Seminary, Epifanio de los Santos Avenue, Guadalupe Viejo, Makati City)
Santo, santo, santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo.
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo.
Osana, osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon.
Osana, osana, osana sa kaitaasan.
Osana, osana, osana sa kaitaasan!
Kordero ng Diyos (Sanlibutan) Revised Lyrics - Manoling Francisco
Title: Kordero ng Diyos (Sanlibutan)
Musika: Manuel Simplicio V. Francisco, SJ
Transkripsiyon: Ral Paguergan (San Carlos Seminary, Makati City)
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin;
Kordero ng Diyos, maawa Ka.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Friday, June 19, 2026
San Isidrong Mahal (Maginhawa) Lyrics
SAN ISIDRONG MAHAL
O SAN ISIDRONG PINTAKASI, DAKILANG MAGSASAKA
HUWARAN KA NG PAGSISIKAP AT PAGTITIYAGA
BINHING ‘YONG HINASIK, SA TULONG NG POON,
TUTUBO’T MAMUMUNGA, SA TAKDA N’YANG PANAHON.
REFRAIN:
O SAN ISIDRONG AMING MAHAL,
KAMI SA ‘YO AY NAGPUPUGAY.
<u>PAMILYA’NG MAGINHAWA</u> IYONG LINGAPI’T GABAYAN,
NG LUMAGO’T MAMUNGA NG KABUTIHAN.
IKAW MAN AY DUKHA’T SALAT SA YAMAN NG MUNDO,
‘DI MO PINAGPALIT PAGMAMAHAL MO SA DIYOS.
SA PUSO MO’Y TANGING POON ANG ‘YONG INUUNA,
KAYA’T PINAGPAPALA KA’T BINIGYAN NG PAG-ASA.
REFRAIN:
O SAN ISIDRONG AMING MAHAL,
KAMI SA ‘YO AY NAGPUPUGAY.
<u>PAMILYA’NG MAGINHAWA</u> IYONG LINGAPI’T GABAYAN,
NG LUMAGO’T MAMUNGA NG KABUTIHAN.
Sunday, May 31, 2026
Pumpol ng Bulaklak (Hontiveros) Lyrics
Pumpol ng Bulaklak
Lyrics (Titik): Bulacan, 1865
Music (Musika): E. P. Hontiveros, S.J.
[Verse 1]
Matamis na Birheng pinaghahandugan,
Nangangako kami na sa 'yo'y mag-alay
Ng isang guirnalda sa bawa't 'sang araw,
At ang magdudulot yaring murang kamay.
[Verse 2]
Bulaklak sa tuhog, sadyang salit-salit,
Sa mahal mong noo'y aming ikakapit.
Lubos ang pag-asa't sa 'yo'y pananalig
Na tatanggapin mo, handog ng pag-ibig.
[Chorus]
Halina, halina, tayo'y mag-aalay
Ng mga bulaklak kay Maria.
Venu, Sancte Spiritus (Magno Marcelo) Lyrics
VENI, SANCTE SPIRITUS
Titik at Musika ni: Rdo. P. Carlo Magno S. Marcelo
(Refrain)
Congregation:
VENI, VENI, SANCTE SPIRITUS.
VENI, SANCTE SPIRITUS.
(Verses)
Cantor:
1. Spiritung nagbibigay diwa sa 'ting buhay,
Spiritung nag-aalay pag-ibig na tunay.
2. Spiritung mula sa langit, Spiritu ng pag-ibig
galing sa isang Amang nagmamahal sa atin.
3. Pagod ay pinapawi, silong sa tag-init
Hapis ng pighati s'yang hinahawi.
4. Hugasan sa amin ang dungis ng sala
Sugat ng puso, halina at hilumin.
5. Amuin ang pusong maramot at madaya
Lagyan ng lakas-loob at s'yang magiging tama.
6. Pag-ibig na nagmumula sa Ama at sa Anak;
Ikaw ang magbabago mukha nitong mundo.
Saturday, May 30, 2026
PAGPUPUGAY SA SANTISIMA TRINIDAD Lyrics
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Verse 1:
L'walhati sa Ama, sa Anak, at Espiritu Santo
lisang Diyos na totoo, wagas dalisay at tunay
Verse 2:
Amang lumikha ng sanlibutan
Anak inialay ang buhay,
Espiritu Santo gabay at patnubay,
Ganap sa lahat ng bagay
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Sa'Yo Santisima Trinidad
Santisima Trinidad
Sunday, April 26, 2026
Ang Panginoon Ang Aking Pastol (Ramirez) Lyrics
Ang Panginoon Ang Aking Pastol
Titik: Danilo B. Isidro, SJ
Musika: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ
Koro:
Ang Panginoon ang aking pastol,
Pinagiginhawa akong lubos.
Berso 1:
Handog N'yang himlaya'y sariwang pastulan,
Ang pahingahan ko'y payapang batisan.
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan;
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.
Berso 2:
Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala akong sindak, Siya'y kasama ko.
Ang hawak N'yang tungkod ang Siyang gabay ko,
Tangan N'yang pamalo, sigla't tanggulan ko.
Berso 3:
Inihahandog Niya sa akin ang 'sang dulang.
Maging sa harap man ng aking kaaway;
Kasiyahan Niyang ulo ko'y langisan,
Saro ko'y punuin hanggang sa umaapaw.
Berso 4:
Kagandahang-loob, pawang kabutihan.
Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay.
Doon sa tahanan ng Poong Maykapal,
Nais kong manahan magpakailanman.
Friday, April 10, 2026
MAGALAK (EKSULTET) - GBoi Samonte - Lyrics
MAGALAK (EKSULTET)
Ang Pagpapahayag ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo
Musika: Rdo. P. Ronald "GBoi" A. Samonte
Transkripsiyon: Ral Paguergan
San Carlos Seminary, Makati City
(Koro)
Magalak kayong lahat sa kalangitan, kayong mga anghel ay mangag-awitan.
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha na nakapaligid sa luklukang dakila!
1. Si Kristo na aming Hari ay nabuhay na mag-uli.
Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan.
Magalak o sanlibutan sa maningning nating ilaw!
Si Kristo na walang maliw ang pumatay sa dilim.
Magalak nang lubos ang buong sambayanan sa kaluwalhatian, lahat tayo’y magdiwang,
Sa ningning ni Hesukristo sumagip sa sansinukob, S’ya’y muling nabuhay tunay na Manunubos!
2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan, D’yos Ama’y pasalamatan sa Anak Niyang nabuhay.
Sapagkat tapat S’yang tunay sa Kanyang pananagutan para sa kinabilangan Niya na sambayanan.
(Koro)
Magalak kayong lahat sa kalangitan, kayong mga anghel ay mangag-awitan.
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha na nakapaligid sa luklukang dakila!
3. Ngayon nga ang Kapistahan ni Hesukristong nag-alay ng Kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y sa tubig pawang naparam, kalayaa’y nakamtan!
Magalak nang lubos ang buong sambayanan sa kaluwalhatian, lahat tayo’y magdiwang,
Sa ningning ni Hesukristo sumagip sa sansinukob, S’ya’y muling nabuhay tunay na Manunubos!
4. Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,
Pagkat mula sa libingan bumangon na matagumpay Mesiyas ng sanlibutan si Hesus nating mahal!
(Koro)
Magalak kayong lahat sa kalangitan, kayong mga anghel ay mangag-awitan.
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha na nakapaligid sa luklukang dakila!
5. D’yos Ama ng sanlibutan tunay na walang kapantay pag-ibig mo’t katapatan para sa mga hinirang.
Handog mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan, higit sa lahat mong alay si Hesus nating mahal!
Magalak nang lubos ang buong sambayanan sa kaluwalhatian, lahat tayo’y magdiwang,
Sa ningning ni Hesukristo sumagip sa sansinukob, S’ya’y muling nabuhay tunay na Manunubos!
6. Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw, hain namin itong ilaw sagisag ng pagkabuhay.
Tunay na Kaliwanagang hatid ni Hesus na Tanglaw, ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam!
(Koro)
Magalak kayong lahat sa kalangitan, kayong mga anghel ay mangag-awitan.
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha na nakapaligid sa luklukang dakila!
7. Ang Araw ng Kaligtasan si Hesus, bukang-liwayway, walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan.
Hatid N’ya’y kapayapaan, lakas Mo at pagmamahal upang aming magampanan aming pananagutan!
(Koro)
Magalak kayong lahat sa kalangitan, kayong mga anghel ay mangag-awitan.
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha na nakapaligid sa luklukang dakila!
(Pagtatapos)
Magalak nang lubos ang buong sambayanan sa kaluwalhatian, lahat tayo’y magdiwang,
Sa ningning ni Hesukristo sumagip sa sansinukob, S’ya’y muling nabuhay tunay na Manunubos!
S’ya’y muling nabuhay tunay na Manunubos!
S’ya’y muling nabuhay tunay na Manunubos!
----
Wednesday, April 8, 2026
Krus ng Ating Kaligtasan (Consolacion) Lyrics
Krus ng Ating Kaligtasan
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II
Krus na ating kaligtasan
Dapat nating ikarangal
Sagisag ng kalayaan
at ng muling pagkabuhay
ni Hesus na ating mahal
Krus na kay ganda,
Krus ng pagdurusa
Kahoy ng hapis, ating itanghal,
kahoy na lubhang mahal
Krus na kay banal,
Krus sa araw-araw,
Ang daan tungo sa Panginoon,
Manunubos ko'y Poon
Sa Kalis ng Pagbabasbas Lyrics
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Anong aking ihahandog sa aking Panginoon
Sa Dulot Niyang kabutihan nasa akin ay kaloob?
Inumin ng kaligtasan, aking itataas.
Bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas!
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap.
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Lahat ng taong papanaw, Kanyang minamahal,
Kahit ito ay nagiisa, labis Siyang nagdaramdam.
Alipin Mo ako, aking Panginoon,
Pagkat ako'y kinalinga Mo, iniligtas at tinubos!
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap.
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Ako'y maghahandog, pasasalamat sa Iyo.
Sasambitin tatawagin ang ngalan Mong dakila't totoo.
Pangako sa Iyo,
Lagi kong tutupdin sa harapan ng Iyong bayan ay aking gagawin
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Sa kalis ng pagbabasbas, si Kristo ang tinatanggap
Si Kristo ang tinatanggap!
Why We Sing Lyrics
«Why we sing»
music: Greg Gilpin
A sound of hope, a sound of peace,
a sound that celebrates
and speaks what we believe.
A sound of love, a sound so strong,
it’s amazing what is given
when we share a song …
This is why we sing,
why we lift our voice,
why we stand as one in harmony!
This is why we sing,
why we lift our voice,
take my hand and sing with me!
Sooth a soal, mend a heart,
bring together lives
that have been torn apart.
Share the joy, find a friend,
it’s a never – ending gift
that circles back again.
This is why we sing, why we lift our voice,
why we stand as one in harmony!
This is why we sing, why we lift our voice,
take my hand and sing with me!
Music builds a bridge, it can tear down a wall!
Music is a language, that can speak to one and all!
This is why we sing, why we lift our voice,
why we stand as one in harmony!
This is why we sing, why we lift our voice,
take my hand and sing with me!
This is why we sing, we sing, WE SING!
Umawit at Magpuri (Antonio) Lyrics
[CHORUS]
Halina tayong lahat ay umawit
Sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita
Ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
[VERSE 1]
Nilikha N'yan ang sanlibutan
At ang buong kalikasan
Mabuti ang lahat ng ginawa
Pinagyaman at pinagpala.
Ang tao'y Kanyang nilalang
Kalarawa't kawangis Niya
At kahit hindi naging tapat
Ay Kanya pa ring minahal.
[VERSE 2]
Panaho'y nagkaroon ng kaganapan
Nang ang salita'y naging laman
Naparito at nakipamuhay
Sa mga dukha't makasalanan.
Ang buhay N'ya'y inialay
Nang sa krus ay mamatay
At S'ya'y muling nabuhay
Nang tayo'y mapag-isa sa Ama.
[VERSE 3]
Isinugo ng Panginoon
Ang kanyang Espiritung Banal
Upang sa ati'y ipaalala
Na S'ya'y kapiling sa t'wina.
S'ya sa atin ay gumagabay
Sa liwanag na binibigay
Pinag-iisa at pinagtitipon
Bilang bayan ng Panginoon.
[OUTRO]
Halina tayong lahat ay umawit
Sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita
Ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
Pagka't ating nakita
Ang dakilang, ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
Heaven Rejoice for He is Risen (Delgado) Lyrics
Heaven Rejoice for He is Risen
Verse 1:
Heaven rejoice for He is risen
Rise up our Savior is here
Glory to God proclaim His name
Jesus the Lord of all
Chorus:
Make a joyful noise
Salvation and peace He brings
Exult His name sing songs of praise
Singing alleluia
Heaven rejoice for He is risen
Rise up our Savior is here
Glory to God proclaim His name
Jesus the Lord of all
He is risen
Alleluia
Si Kristo'y Inihain Na Lyrics
Ferdinand "Ferdz" M. Bautista
Si Kristo'y inihain na
Pamaskong maamong tupa,
Magsalo tayong masaya,
Sa tinapay na pamista
Bago't wagas, Aleluya!
Purihin ang Panginoon
sa kanyang kabutihan,
"Pag-ibig N'ya'y tunay
laging tapat kailanman!"
Ang taga-Israel
bayaang sabihi't kanilang ihayag,
"Pag-ibig N'ya'y tunay
laging tapat kailanman!"
Saturday, April 4, 2026
D'yos Ko Ang Aking Dalangin Lyrics
D'yos Ko Ang Aking Dalangin (Salmo 15) | Maestro Raymundo Cipriano Pujante Cayabyab
D'yos ko ang aking dalangin
Ako'y Iyong tangkilikin
Ikaw lamang Panginoon
ang lahat sa aking buhay
Ako'y Iyong tinutugon
Sa lahat kong kailangan
Ang biyayang kaloob Mo
at kahanga-hangang tunay
na babatid ko na ika'y
kasama oras-oras
sa piling Mo kailanma'y
Hindi ako matitinag
Kaya't ako'y nagdiriwang
Ang diwa ko'y nagagalak
Ang lagi kong nadarama'y
hindi ako matitinag
Pagka't di Mo tutulutang
Ang mahal Mo ay malagak
sa balon ng mga patay
Upang doon ay maagnas
Ituturo Mo ang landas
na buhay ay mahantungan
sa piling Mo madarama
ang lubos na kagalakan
Ang tulong Mo'y magdudulot
ng ligayang walang hanggan
Monday, March 30, 2026
Awit 117 Raz Lyrics
Awit 117
Ronaldo Raz
Aleluia, Aleluia, Aleluia
Aleluia, Aleluia, Aleluia
Aleluia, Aleluia, Aleluia
Aleluia, Aleluia, Aleluia
O pasalamatan ang Diyos na Panginoon
'pagkat siya'y mabuti
Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag
At mananatili ang taga-Israel
bayaang sabihi't kanilang ihayag
Ang pag-ibig ng Diyos 'di kukupas.
Ang lakas ng Poon ang s'yang nagdulot
ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway
aking sinasabing 'di ako papanaw
mabubuhay ako upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Ang batong natakwil ng nangagtatayo
ng tirahang bahay sa lahat ng bato'y
higit na mahusay ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.
Sunday, March 29, 2026
Sing to the Lord (Delgado) Lyrics
Sing to the Lord and rejoice.
Sing to the Lord and rejoice,
for He is risen.
Sing to the Lord all the earth.
Our Lord Jesus Christ is risen today.
Sing songs of praise. Alleluia
He saved us from sins
redeemed the world.
Praise all His name. Alleluia
Friday, March 20, 2026
Isabuhay ang Salita Lyrics
Pangwakas na Awit sa Panahon ng Kwaresma
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II
Magsihayo't isabuhay ang aral at ang salita.
Ibahagi sa lahat ang pag-ibig Niyang tapat.
Mamuhat nang nagmamahal, akayin ang naliligaw.
Kalingain mo at maging matuwid sa aba't dukhang kapatid.
Pagaayuno, pagdarasal,
pagtulong sa kapwa'y gawaing banal.
Sabi ni Kristo: hinirang ko kayo
upang magsihayo't mamungang totoo.
Paghahandog sa Sarili (Hontiveros) Revised Lyrics
Kunin Mo, O Diyos at tanggapin Mo
ang alak at tinapay,
na handog ng pag-ibig,
sa sagisag naming bayan Mo.
Ang handog na ito,
ay babaguhin Mo:
magiging Katawan at Dugo Mo.
Mula sa Iyo
kaloob na ito,
muli ay handog sa Iyo.
Patnubayan Mo't paghariang lahat
ayon sa kalooban Mo.
Mag-utos Ka, Panginoon ko,
dagling tatalima ako.
Ipagkaloob Mo lamang
na mabago ako't
sa wakas matulad sa 'Yo.
Sugatan Mo, Panginoon Lyrics
Sugatan Mo, Panginoon,
ang aking puso
ng 'Yong pag-ibig
Nang maunawaan ko
ang gutom at uhaw ng aking kapatid
ng aking kapatid.
Pukawin Mo, Panginoon, ng 'Yong salita
Ang aking malay
Nang lalo kong madama
ang kalooban ng kapwang may lumbay
ng kapwang may lumbay.
Turuan ang aking pusong magnilay lagi sa 'Yo
Nang madama ko ang pag-ibig Mo.
Turuan ang aking pusong
magmahal lagi sa 'Yo
Nang matuto akong manahan
sa piling ng kapwa ko.
Thursday, March 12, 2026
St. Therese the Little Flower (Ode to Joy) Lyrics
Tune: HYMN TO JOY (also known as Ode to Joy)
Composer: Ludwig van Beethoven
Arrangement: Edward Hodges
Verse 1
St. Therese, the Little Flower, chosen by the Lord above
Light the spark of love within us, Chosen Flower, Rose of Love
As we make our prayers and petitions, bring them to God's holy throne
Let your perfume go before them, making our request your own
Verse 2
Sweet apostle of God's mercy, in whose love you came to share
You surrendered self completely in your tasks and in your prayer
Lead us to that lowly valley where the humble find their
God Light our pathway, cheer our spirits, walking where the Master trod
Verse 3
Confidence, abandonment, simplicity in us instill T
hat like you we may completely follow God's most tender will
In the hours of great darkness, light the lamp of faith we need
Trusting your eternal promise that for us you'll intercede
HIMIG NG PUSO (DIVINE MERCY) Lyrics
Verse 1
Pag-ibig ang himig ng puso ng Ama
Kaya isinugo Bugtong na Anak N’ya
Lugmok man tayo sa sala,
mithii N’ya pa ring makasama
Awa’t habag ay handog Niya
Manatili lamang tayo sa Kanya
Verse 2
Bunga ng kasalanan,
ngayon tayo’y watak-watak
Sa pastol ay nawalay at naligaw na ng landas
Gahaman ang pusong nababalot ng dusa
Kaya himig ng puso nati’y
’di na tulad ng sa Ama
Chorus 1
O Hesus, ipunla Mong muli ang habag at awa
Dadalhin namin ito sa palad ng mga dukha
Maghahandog ng may puso, maghahatid ng pag-asa
Nang ang himig ng puso nami’y maging tulad ng sa Ama
Verse 3
Banal Mong awa’y inihayag, biyaya ng pagmamahal
Pulang sinag ay larawan ng kalulwang naririmlan
Dumadaloy na tubig lilinisin ang kasalanan
Awang mula sa puso Mo’y
pananaligang may katapatan
Chorus 2
O Hesus, salamat sa biyayang habag at awa
Dadalhin namin ito sa palad ng mga dukha
Maghahandog ng may puso, maghahatid ng pag-asa
Nang ang himig ng puso nami’y maging tulad ng sa Ama
Bridge
Ngayong narito na habag at awa Mong bigay
Kami ay lalakad, aakayin ang naligaw
At ’di na sasaktan ang puso Mong sugatan
Magbabalik-loob at tatahakin ang ’Yong daan
Chorus 3 / Ending
O Hesus, salamat sa biyayang habag at awa
Sa ’Yong banal na pangalan mabubuklod kaming ganap
Himig ng puso nami’y himig Mo ang aawitin
Isang tinig, himig natin
Pag-ibig ang hatid
Isang tinig, himig natin
Pag-ibig ang hatid, Amen!
Monday, March 9, 2026
May the angels be your guide lyrics
Refrain
May the angels be your guide,
may they lead you into paradise,
and take you home
to the new Jerusalem.
Verses
Verse 1
There is one thing I ask of God;
for this I long, for this I hope:
to dwell in the house of God
every day of my life.
Verse 2
When I cry out, hear my voice.
Have mercy, Lord, and answer me.
Do not cast me away in anger,
for you are my help.
Verse 3
I shall see God’s goodness,
forever dwell with the living.
Hope in God, and take heart;
place your trust in the Lord.
Sunday, March 8, 2026
Sapagkat (Dumlao) Corrected Text Lyrics
nagmumula ang kaharian,
kapangyariha't kalwalhatian
magpasawalang hanggan!
Sunday, February 15, 2026
Aleluya Offertory (Pag-aalay) Ferdz Bautista Lyrics
Alleluia
(Para sa Prusisyon at Paghahanda ng mga Handog sa Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon)
Ferdinand M. Bautista
Hango mula sa Salmong Pang-Paskuwa
KORO:
Alleluia! Alleluia! Alleluia!
Alleluia! Alleluia!
BERSO 1: (Terra Tremuit) Salmo 75:9-10
Ang lupa'y nayanig
Ito din ay tumahimik
Nang ang Poon ay tumindig
Bilang hukom natin!
BERSO 2: (Haec Dies) Salmo 117:24
Ito nga ang araw
Na ginawa ng Panginoon!
Magalak tayo't magdiwang sa kanya,
Alleluia!
Friday, February 13, 2026
Sugat ni Kristo Lyrics
Hirap at pagdurusa ang kanyang nadarama
Ang sugat sa katawan pag-ibig ang dahilan
Dugo'y pumapatak tanda ng kaligtasan
Si Kristo anak ng Diyos nag-alay ng buhay
Bawat sugat ni Kristo ay may pahayag
Ang sugat sa ulo’y pang unawang taglay
Sa dibdib ay pag-ibig sa kamay
pagdamay sa paa na laging nakasubaybay.
Sunday, February 8, 2026
INA, NARITO ANG IYONG ANAK ANAK, NARITO ANG IYONG INA Lyrics
INA, NARITO ANG IYONG ANAK
ANAK, NARITO ANG IYONG INA
(Ikatlong Salita)
Titik at Musika ni Lester Delgado (2025)
[Berso]
Gaano kahalaga ang isang ina?
Gaano ba kalalim ang pag-ibig n’ya?
Iingatan ka, sasamahan ka
Sa oras na ika’y nag-iisa.
[Koro]
Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Inihahabilin ko sa 'yong mga kamay,
Alagaan at ibigin s'ya.
Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Sa iyong gabay iaaalay,
Mahalin ninyo ang ating ina.
[Tulay]
Sa krus na ito ako’y sumasamo
Sa aking paglisan
Alalahanin n’yo na magtulungan,
Magdamayan at lagi nang magmahalan.
[Koro - Reprise]
Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Inihahabilin ko sa 'yong mga kamay,
Alagaan at ibigin s'ya.
Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Sa iyong gabay iaaalay,
Mahalin ninyo ang ating ina.
Mahalin ninyo si Maria.
Sunday, February 1, 2026
HANDOG NG TAGAPAGLIGTAS Lyrics
AWIT:
Handog na Tagapagligtas
Langit sa amin nagbukas
Pagkalooban ang iyong angkan
ng pananggol sa kasamaan
Ang isang Diyos ay purihin.
Tatlong Persona ay sambahin;
Ang buhay namin ay palawigin
hanggang sa buhay na darating.
Amen…
Wednesday, January 21, 2026
Sa Banal na Templo Lyrics
Title: Sa Banal na Templo
Songbook: Sa Iyong Tahanan
Music by: Justine Cedric C. Espinosa
Transcription: John Paul Alunan
[Refrain]
Purihin ang Diyos sa banal na templo,
purihin S'ya ng lahat ng tao,
pag-ibig Niya ay walang hanggan
hanggang sa araw na 'to ng pagdiriwang!
[Verse 1]
Ang batong tinanggihan,
siya pang batong naging sandigan...
Ito ang gawa ng Poon,
kahanga-hanga sa ating mga mata...
[Verse 2]
Kayo'y ililikha ko
ng bagong puso at espiritu.
Kayo'y magiging aking bayan
at Ako ang inyong Diyos.
[Refrain]
Purihin ang Diyos sa banal na templo,
purihin S'ya ng lahat ng tao,
pag-ibig Niya ay walang hanggan
hanggang sa araw na 'to ng pagdiriwang!
Amen!
Tinapay at Alak (Consolacion) Lyrics
Title: Tinapay at Alak
Songbook: Misa Birhen ng Antipolo
Lyrics: Fr. Bonifacio T. Lobaton Jr., SDB & Jerricho P. Reynaldo
Music: Alejandro D. Consolacion II
[Refrain]
Si Kristo ay tanggapin,
sa tinapay na ating hain.
Ang tinapay at ang alak
na nagbibigay ng kaligtasan.
[Verse 1: Tagalog]
Si Hesus ang daan;
S'ya ang ating susundan.
S'ya ang katotohanan
at ang buhay na walang hanggan.
[Verse 2: English]
Jesus Christ, be our way;
come, follow Him forever.
Jesus Christ, be our truth,
giver of eternal peace.
[Verse 3: Spanish]
[Verse 4: Latin]
Christus est via,
sequamur in aeternum.
Christus, lux splendida,
lucet in tenebris.
[Refrain]
Si Kristo ay tanggapin,
sa tinapay na ating hain.
Ang tinapay at ang alak
na nagbibigay ng kaligtasan.
[Coda]
Na nagbibigay,
na nagbibigay
ng kaligtasan.
Monday, December 29, 2025
Salmo Responsoryo Consolacion Lyrics
SALMO RESPONSORYO
Titik: Lucas 1: 46-55
Musika: Alejandro D. Consolacion II
SAGOT
Mahal na Birheng Maria,
ina ng Anak ng Ama.
BERSO 1
Ang puso ko'y nagpupuri
sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu
dahil sa Diyos
na aking tagapagligtas.
BERSO 2
Sapagkat nilingap niya
ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon ako'y
tatawaging mapalad
sa lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan!
BERSO 3
Kinahahabagan niya
ang mga may takot sa kanya,
sa lahat ng sali't saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas
ng kanyang mga bisig
Pinangalat niya ang mga
palalo ang isipan.
BERSO 4
Ibinagsak niya ang mga hari
mula sa kanilang trono,
at itinaas ang nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay
ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala
ni anuman ang mayayaman.
BERSO 5
Tinulungan niya ang
kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya
sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi,
magpakailanman.
Tuesday, December 16, 2025
Sama-samang Mag-alay Lyrics
Sama-samang Mag-alay
Titik: Danilo B. Isidro, SJ at P. Ral Jaden C. Paguergan
Musika: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ
Verse 1
Taglay namin ngayon sa aming mga palad,
Sa kabutihan Mo ay aming tinanggap;
Kas'yahang tanggapin ang s'ya naming hangad
Tinapay na bunga ng pagod at hirap.
Sama-samang mag-alay
nang buong pagmamahal.
Sama-samang mag-alay
nang buong pagmamahal.
Verse 2
Alay pa rin namin sa 'Yo Amang liyag,
Ang alak na mula sa katas ng ubas;
Na sa kalinga Mo'y amin ding tinanggap,
Kaya ngayo'y muling handog sa 'Yong hapag.
Verse 3
Tinapay at alak,
abang handog namin,
Nawa'y kalugdan Mo, O Diyos na butihin;
Tinapay magbigay buhay
nawa sa 'min,
Sa kalul'wa alak magsilbing inumin.
Verse 4
O D'yos na dakila,
Ama naming banal, Nawa'y tanggapin Mo,
yaring aming alay;
Tangi naming nasa
Ika'y papurihan
At magpakailanman
Ika'y ipagdangal.
Verse 5
Poon, sambayanan Mo
dito sa Antipolo;
Ay sama-samang umaawit sa 'Yo.
Sa paghahanda po n'yaring mga alay,
Kami'y taos puso at bukal kung magbigay.
---
Sa Atin Sumilang Ngayon Lyrics
"Sa Atin Sumilang Ngayon" by Ferdz M. Bautista:
Koro (Chorus)
Sa atin sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon!
Mga anghel sa kalangitan,
masayang nag-awitan
Ng "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, A
t sa lupa'y kapayapaan."
Halina sa Belen;
Halina ang Nino'y sambahin.
"Ang Anak ng Ama",
"Ang dakilang Tagapayo",
"Ang Prinsipe ng kapayapaan".
Tulad ng mga Pastol
aming handog Panginoon:
Ang aba naming sarili dalisay
in sa 'Yong pag-ibig.
Handog na mga Pantas:
Myra, Ginto at Kamangyan.
Sapagkat tunay Kang Pari,
Propheta at Hari!
As We Prepare For the Coming of the Lord (Delgado) Lyrics
Misa Delgado Book 10
Lester Delgado
As we prepare for the
coming of the Lord,
Jesus the Savior of the world.
We worship Him and give Him thanks.
We glorify His name,
we sing our songs and praise.
Light up the candles
of Advent
a symbol of the coming
of God's Son.
May its light be our guide
to an everlasting life.
Glory and honor to God.
we sing our songs and praise.
Sunday, December 14, 2025
Umawit Sa Diyos Ng Awa (Salmo 97) Lyrics
Umawit Sa Diyos Ng Awa (Salmo 97)
Cedrick N. Soriano.
Koro:
Umawit sa Diyos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila
Umawit ng bagong awit sa Poo'y ialay,
Pagkat ang ginawa N'ya'y kahanga-hangang tunay.
Sa sariling lakas Niya at taglay na kabanalan,
Walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay (T)
Ang tagumpay Niyang ito'y S'ya na rin ang naghayag,
Sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos N'yang tinupad (T)
Tapat S'ya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos, kahit saa'y namalas.
Magkaingay na may galak ang lahat sa daigdig,
Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit (T)
Gawa ng D'yos dakila.
Mapalad ang Birheng Maria Lyrics
Mapalad ang Birheng Maria
Awit sa Komunyon sa Misa sa Karangalan ng Birheng Maria
Music and Lyrics: Bill Kevin del Rosario
Arrangement: Dado G. Delgado
Mapalad ang Birheng Maria,
pinili ng D'yos Ama,
upang iluwal ang sugo N'ya,
Anak na kaisa-isa
at Manunubos sa sala.
Verse 1
Ikaw po Birheng marilag,
Inang walang makatulad.
Magdalita ka't mahabag,
ipagtanggol kaming lahat
sa hirap na aming daranasin.
Verse 2
At sa oras ng pagdating
niyong kamatayan namin
kami ay iyong dalawin,
saklolohan at aliwin
sa hirap na aming titiisin.
Mapalad ang Birheng Maria,
pinili ng D'yos Ama,
upang iluwal ang sugo N'ya,
Anak na kaisa-isa
at Manunubos sa sala.
at Manunubos sa sala.
Mapalad ang Birheng Maria.
Kordero ng Diyos (Miranda) Lyrics
Kordero ng Diyos
Ethel Lynn G. Miranda
Rolando DJ. Samalca
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka, maawa Ka,
maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan,
Ipagkaloob Mo sa amin
ang kapayapaan.
Nagagalak Akong Lubos Lyrics
Pambungad na Awit sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria
Araw ng Pasasalamat sa Pilipinas
Nagagalak ako sa Diyos
na sa akin nagsuot,
nang damit ng pagtubos
at ng kagandahang-loob
nang hirangin akong lubos,
nang hirangin akong lubos!
Pinupuri kita Panginoon
pagkat ako'y Iyong iniligtas!
Mga kaaway ko'y 'di Mo hinayaang
magmataas!
Purihin ang Panginoon
siya'y inyong awitan
ninyong bayang hinirang,
pasalamatan ninyo ang banal
Niyang pangalan!
Friday, December 12, 2025
Pananabik Lyrics
Mimo Perez
Elliot Eustacio
Panginoong Hesus,
puso nami'y tigib ng pag-asa
at tahimik na pananabik.
sa Iyong pagsilang
sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
Buhay naming nalilihis
sa pagkukulang at pagmamalabis.
Akayin kami upang makabalik
sa daan ng Iyong pagibig.
Kapwa naming hinuhusgahan
o tinatanggihang damayan.
Imulat kami sa katotohanang
sila ay Iyong kalarawan.
Turuan kaming
mamuhay nang payak,
tuklasin ang bukal ng galak.
Biyaya Mo'y sapat
para sa lahat
dahil pag-ibig Mo ay tapat.
Panginoong Hesus,
puso nami'y tigib ng pag-asa
at tahimik na pananabik.
sa Iyong pagsilang
sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
O Dakilang Mesiyas namin.
Monday, December 1, 2025
Judith 13 - You Are the Highest Honor of Our Race Lyrics
Judith 13 - You Are the Highest Honor of Our Race
Francesca LaRosa
You are the highest honor of our race
Blessed are you, daughter,
by the Most High God,
above all the women on earth;
and blessed be the LORD God,
the creator of heaven and earth
Your deed of hope
will never be forgotten
by those who tell of the might of God
Panginoon, Sa Iyong Pagdating Lyrics
Panginoon, Sa Iyong Pagdating
Dom Bulan, SJ
Gerard Enriquez, SJ
Miggi Angangco
Koro (Chorus)
Panginoon, sa Iyong pagdating,
Kami ay sabik na muling marinig,
Ang tinig ng pag-ibig!
Ang tinig ng pag-ibig!
Mga Verso (Verses)
Digmaan at alitan,
Iyong wakasan,
Nang aming makamtan,
Biyayang kapayapaan.
Makasalana't sugatan
Iyong nahagkan,
Sila'y nananahan,
Sa 'yong kaharian.
Lungkot at pagkalumbay,
Iyong pakinggan,
Kami'y mamumuhay,
Sa 'yong kaginhawaan
Friday, November 28, 2025
Let Us Go Rejoicing (Psalm 122) Joncas Lyrics
Michael Joncas
Let us go rejoicing to the house of the Lord.
I rejoiced when I heard them say:
“Let us go to the house of the Lord.”
And now our feet are standing
within your gates, O Jerusalem
Jerusalem is a city built unity and strength
It is there, it is there
that the tribes go up,
the tribes of the Lord
For Israel's law is to praise God's name
and there to give God thanks
There are set the judgment thrones,
for all of David's house
Pray for the peace of Jerusalem!
May those who love you prosper!
May peace ever reign within your walls,
and wealth within your buildings
For love of my family and love of my friends
I pray that peace be yours
For love of the house of the Lord, our God,
I pray for your good.
Tuesday, November 18, 2025
Humayo at Ibalita Lyrics
Humayo at Ibalita
(Pangwakas na Awit sa Panahon sa Paghahanda sa pagdating ng Panginoon)
Alejandro D. Consolacion II
Humayo at ibalita;
Ang Diyos ay darating!
Ang dulot Niya ay pag-asang
laging magniningning.
Manalig at magtiwala
na ating kakamtin;
handog Niyang kaligtasan
at sa sala'y tubusin.
Humayo at ibalita;
Ang Diyos ay darating!
Lahat nating pagdurusa,
pawang papawiin.
Magalak tayo'y manalangin na Kanyang diringgin;
Lahat nating pagsamo at mga paglalambing.
Humayo at ibalita;
Si Kristo'y darating!
Dala ay kapayapaang magbubuklod sa 'tin.
Mamuhay sa kabanalan
habang naghihintay
sa pagdating ng araw
at ng Haring marangal.
Koda/Wakas:
Purihin ang Diyos!
Purihin ang Diyos!
Ang Diyos, ating Hari, ating manunubos.
Give Thanks to our God Lyrics
Give Thanks to our God
Dom Bulan, SJ
Gerard Enriquez, SJ
Miggi Angangco
Give thanks to our God
For the life we have
For the faith we received
by His grace we believe!
We are called to walk
with each other,
to listen and welcome and care
To journey together as one
Holy Church, proclaiming
the Good News to all
We are called to love
one another,
as Christ our Teacher has shown
To bring forth His reign,
God's kingdom on earth,
a place where there's room for all
We are called to serve the lowly,
the little and lonely and lost
as brothers and sisters and
salt of the earth
a fam'ly with God as our Father
Kind and Merciful Lyrics
Arnel dC. Aquino
The Lord is kind
and merciful
slow to anger
and rich in compassion
O bless the Lord my soul
and praise God's name
O bless the Lord
forget not His goodness
Our God forgives our sins
And heals our pain
He redeems us all from ruin
and from shame
The righteousness brings
the oppressed to Your justice Lord
in mighty wonders You rescue Your people
You will not always chide,
Your anger wanes
and despite our sin Your goodness
never fades
For like the heavens
far above the earth,
Your love towers boundless
above Your people
And from Your mighty hands
compassion flows
to Your children whom You
made and deeply know
Monday, November 17, 2025
Alay ng Bayang Naghihintay Lyrics
Alay ng Bayang Naghihintay
(Awit para sa Paghahanda ng Alay sa Panahon ng Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon)
Koro:
Naririto, naghahandog sa 'Yo'y dumudulog.
Hain ng aming lupain, nawa ay tanggapin.
Ang alak at tinapay basbasa't pabanalin
Habang kami ay naghihintay sa 'Yong pagdating.
Berso:
O Poon, dinggin ang bayan Mong nagdurusa,
masdan Mong nangungulila sa 'Yong pagsinta.
Kami ay aliwin sa aming pagka-alipin
Nang aming mamasdan; 'Yong kal'walhatian.
May humihiyaw na lingkod Mo du'n sa parang;
Tuwirin mga landas at ang puso'y tingnan
Ihanda ang daraanan itigil ang alitan
Nang ating masilayan ang kaliwanagan.
Magalak sa Kanyang Pagdating Lyrics
🎶 Magalak sa Kanyang Pagdating
(Pambungad na Awit para sa Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon)
Berso:
Magalak, magsiawit, magdiwang! Darating ang Poon ng tanan.
Ang mga patangis, kahirapa't lumbay
ay Kanyang papawiing ganap.
Masayang salubungin ang Mesiyas!
Magpuring may tuwa at galak!
Ang Diyos na Hari at makatarungan,
dulot Niya sa ti'y kaligtasan.
Koro:
Darating ang araw;
Paglayang hangad ng lahat.
Sa gabing tahimik, pag-asa'y sumilip,
nagningning sa kaliwanagan.
Magalak, magsiawit, magdiwang!
Darating ang Poon ng tanan.
Sa lahat ng takot at mga kaaway, iiingatan Niya tayong lubos.
Ihanda ang sarili't kalooban.
Tuwirin ang lahat ng daan.
Ang Diyos na Hari at tagapagligtas,
tutubos sa sala ng lahat.
Monday, November 3, 2025
Sa Araw ng mga Banal Lyrics
Sa Araw ng mga Banal
Pambungad na Awit sa Araw ng mga Banal (Nobyembre 1)
Musika: Bill Kevin Del Rosario
Areglo: Dado G. Delgado
Antipona (Refrain)
Halina't tayo'y magdiwang
sa araw ng mga banal
na ipinagsasayang tunay
ng mga anghel sa kalangitan
sa pagpuri sa Maykapal.
Berso 1 (Mula sa Mateo 25, 34)
Halina at inyong kamtan,
kahariang inilaan
ng Aking Amang Maykapal
bago umiral ang tanan
Berso 2 (Mula sa Salmo 37, 39)
Ililigtas ng Poong D'yos
ang kinalulugdang lubos.
Panginoon ang kukupkop
nang ligalig 'di maabot
--------
Blessed are you.
Blessed Are You (Sarah Hart) Lyrics
Blessed Are You
Sarah Hart
Verse 1
Do you know how blessed you are
when you are poor,
when your spirit has been tried,
your hope outpoured?
Do you know how lovely will be your reward?
Yours is the kingdom.
Verse 2
Do you know how blessed you are
when you must mourn,
when the tears are endless rivers in your soul?
You shall feel the hand of God
that draws you close in consolation.
Blessed are you, blessed are you
in whatever trials
and troubles you walk through.
The love of God will not abandon you.
Blessed are you.
Verse 3
Do you know how blessed you are
when hunger comes,
when no earthly drink
can slake the thirst within?
It is then you find
the fullness poured out upon you.
Verse 4
And when peace is like a rumor on the wind,
and when mercy fails
to make her presence known,
hope will give you all you need
to be a light that heals the darkness.
Verse 5
O my child,
there will be struggles still to come,
persecutions for the sake of love and truth.
Do not be afraid, for you are not alone.
Blessed are you. Blessed are you.
Coda:
The love of God will not abandon you.
Awit ng Pasasalamat (Chorus) Hontiveros Lyrics
Awit ng Pasasalamat
E.P. Hontiveros, SJ
Salamat sa Diyos,
at s'ya'y ang ating Tagapagligtas;
Kanyang kabutiha'y ating isasaysay
Tayo'y magalak, Kanyang papuri'y aawitin
Nilupig N'ya ang ating mga kaaway
Saturday, November 1, 2025
Kordero ng Diyos (World Youth Day - Maramba) Lyrics
Fr. Benildus Ma. Maramba, OSB
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka, Maawa ka sa amin
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob mo sa amin
Ang kapayapaan
Awitan ang Panginoon Lyrics
Jude B. Roldan
Awitan ang Panginoon
ng bagong awit,
Awitan ang Panginoon
O 'sang kalupaan
Awitan ang Panginoon,
Purihin ang Pangalan Niya
Araw–araw ipahayag
ang kanyang pagliligtas
Awitan ang Panginoon
ng bagong awit,
Awitan ang Panginoon
O 'sang kalupaan
Dakila ang Panginoon
Marapat na papurihan
Araw-araw ipahayag
Ang Kanyang kadakilaan
Monday, October 20, 2025
Take, Bless, Eat, Drink Lyrics
Take, Bless, Eat, Drink
Dom Bulan, SJ
Miggi Angangco
Refrain
Take, bless, eat, and drink
Here is my body,
here is my blood.
Take, bless, eat, and drink
All given up for you.
Verse 1:
I am the Bread of Life
Who comes to Me shall not hunger.
Who believes in me shall not thirst
This is my promise to you.
Verse 2:
Seek and you shall find
If you knock, the door shall be opened.
So ask and you shall receive
This is my promise to you.
Verse 3:
I am the Truth and the Life
The way to the Eternal Father
For you shall see Him through me
This is my promise to you.
Refrain:
Take, bless, eat, and drink
Here is my body,
here is my blood.
Take, bless, eat, and drink
All given up for you.
Take, bless, eat, and drink
All given up for you.
Friday, October 17, 2025
Forever King Lyrics
FOREVER KING
Hayles Anderson College
Before the kingdom, You were the King.
When there was nothing You were ev'rything.
Before foundations stood , before evil or good , You'll be forever.
Before the night , before the day.
Before the man was formed from clay,
Before life, before death ,
before the first breath , You were forever.
Forever King, You're everything,
my heart has need to know.
My first, my last,
My future, my past,
the strength of all my hopes.
You're the rock of all the ages ,
eternal timeless savior.
Forever King, You're everything,
forever.
After the stars desert the sky,
After the rivers all run dry,
when the earth is no more ,
and the heavens roar ,
You'll be forever.
Then we will gather 'round Your throne,
of every nation, all Your own.
And in one accord, we'll praise You, Lord.
You are forever King,
You're everything,
my heart has need to know.
My first, my last,
My future, my past,
the strength of all my hopes.
You're the rock of all the ages ,
eternal timeless savior.
Forever King, You're everything,
forever.
You're the rock of all the ages ,
eternal timeless savior.
Forever King, forever and ever
You're the rock of all the ages ,
eternal timeless savior.
Forever King,
Yes, You are everything
You are forever and ever and ever
Forever King
Forever!
Saturday, October 11, 2025
Sa ‘Yong Dambana Lyrics
Sa ‘Yong Dambana
Jamieson Rizal Casacop
P. Ral Jaden C. Paguergan
Sa ‘Yong dambana kami po’y dumudulog
Sa ‘Yong dambana payagang maglingkod
Sa ‘Yong dambana kami ay kalugdan
Sa ‘Yong dambana nawa ay basbasan
Verse 1:
Ikaw lamang O D’yos
Ang tunay na Daan
Ang katotohanan
Buhay na walang hanggan
Nawa kami’y Iyong pahintulutan
Marapating Ikaw po ay masilayan
Verse 2:
Linisin ang aming puso,
Patawarin po ang sala,
Gawing karapatdapat
Na lingkod sa ‘Yong hapag
Nawa kami’y iyong pahintulutan
Marapating Ikaw ay pagsaluhan
Verse 3:
L’walhati’y aming awit,
O Diyos ang aming dalit,
Sa ‘Yo lang kumakapit,
Ngalan Mo’y sinasambit
Nawa kami’y Iyong pahintulutan
Marapating Ikaw po ay papurihan
Verse 4:
Bukas na kaisipan,
Labi, at kalooban,
Ang buhay naming tangan,
Sa ‘Yo rin nilalaan
Nawa kami’y Iyong pahintulutan
Marapating Ikaw po ay matularan
Verse 5:
Ang alak at tinapay,
Handog namin at alay
Gawing si Kristong tunay,
Dugo’t Tinapay ng Buhay
Nawa kami’y Iyong pahintulutan
Marapating Ikaw po’y mabanaagan
Purihin Natin ang Diyos Lyrics
Awit 147
Titik at Himig ni: Mimo L. Perez
Pagsasaayos ni: Jeffrey Ray C. Miguel
Misa ng Pag-asa.
Purihin natin ang Diyos!
Purihin natin ang Diyos!
Kabutihan Niya ay hindi masusukat
kaya't magbunyi ang lahat!
Pag-ibig Niya ay wagas,
pag-asa natin at lakas;
pagpapala Niya ay laging bumubuhos,
purihin natin ang Diyos!
Napakaraming hamon
ating pinagdaanan
ngunit dahil sa pag-ibig Niya,
ating napagtagumpayan
Kahit marami tayong
hindi nauunawaan
Kumakapit sa ating Amang
hindi tayo iniiwan
Alay ng Sambayanan Lyrics
Alay ng Sambayanan
Misa ng Pag-asa
Mimo L. Perez
John Lopez
Tanggapin Mo ang alay ng Iyong sambayanan
buhay naming pinuhunan sa pagmamahal
Pagkaka-isang aming napagtagumpayan,
pagyamanin Mo at basbasan
Verse 1:
Hain namin tinapay at alak,
narito sa Iyong hapag
Tanda ng aming pagmamahalan,
'yan ang alay ng sambayanan
Verse 2:
Bawat kapwa ay ibigin,
'yan sa amin 'Yong habilin
Tunghayan aming kapatiran,
'yan ang alay ng sambayanan
O Senyor San Rafael Lyrics
O Senyor San Rafael
Francis T. Lugo
O Senyor San Rafael aming patron
Ang taglay Mong pangala'y Diyos ay naghihilom
Hinihiling namin kami ay tulungan
Kagalingan namin ay aming makamtan
Sugo ka ng Diyos upang hilumin ang mga sugat ng aming buhay
Kami sana'y kalingain ng Diyos
O Senyor San Rafael aming patron
Ang taglay Mong pangala'y Diyos ay naghihilom
Sinasamo namin ang mahal Mong bayan
Akayin tungo sa kapayapaan
Tipunin Mo at h'wag hayaan na mamayani ang kasamaan
Kami sana'y pagpalain ng Diyos
Sa Iyong Tahanan Lyrics
Ako'y Iyong inanyayahan
Tumungo sa 'Yong tahanan
Mahirap man ang lakbayin
Nanatili Ka sa 'king piling
Ikaw Kristo ang kumalinga
'Binalik sa abang kandungan
Aluin Mo sa 'Yong tahanan
Ang pusong nadirimlan
Yakapin Mo at hagkan
'Wag nang pakawalan pa
Samahang lumipad sa langit ng 'Yong pagmamahal
Pawiin ang bawat hikbi
Manahan kaylanman sa 'Yong tahanan
Wala Kang ninanais
Kundi ako'y makapiling
Ngunit sadyang kay rupok
Sariling nais sinusunod
Pag-ibig Mo pa rin ay tapat
Hinagkan ako sa aking pagbalik
Aluin Mo sa 'Yong tahanan
Ang pusong nadirimlan
Yakapin Mo at hagkan
'Wag nang pakawalan pa
Samahang lumipad sa langit ng 'Yong pagmamahal
Pawiin ang bawat hikbi
Manahan kaylanman sa 'Yong tahanan
Aluin Mo sa 'Yong tahanan
Ang pusong nadirimlan
Yakapin Mo at hagkan
'Wag nang pakawalan pa
Samahang lumipad sa langit ng 'Yong pagmamahal
Pawiin ang bawat hikbi
Manahan kaylanman sa 'Yong tahanan
Sa aking pag-uwi
Sa piling Mo't himlayan
Di na mawawalay pa
Pagkat kapiling Ka
Mananatili sa Iyong tahanan
Thursday, October 2, 2025
Santa Teresita Aking Gabay Lyrics
Ang bawat isa'y naglalakbay,
humaharap sa hamon ng kanyang buhay
Sino ba ang pwede nating gabay
Ang halimuyak ba ng rosas na alay mo,
Ang bawat hininga ko ay may kahulugan
Mga yapak mo ba'y dapat ko lang sundan
Kailangan ko ba ng lahat ng parangal
O sapat na tulad ng puso mong may dangal?
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa,
himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin
mamuhay nang buo
sa Diyos na inialay.
Ang bawat oras na Kanyang ibinigay, matagal ko na ba Siyang pinaghihintay
Misyon na dapat simulan
ang mahalin si Jesus magpakailanman
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa,
himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin
mamuhay nang buo
sa Diyos na inialay.
Sa agaw liwanag ng bawat araw,
ngiti at papuri, tanging sigaw.
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa, himukin ang damdamin sa
Kanya'y manalangin.
Santa Teresita, ang aking mithiin, mamuhay ng buhay sa Diyos inialay.
Santa Teresita, aking gabay
sa paglalakbay
Wednesday, September 10, 2025
Santo Tomas De Villanueva Lyrics
Sto. Tomas De Villanueva
Victor A. Caingat
Walang katulad ang kabutihan
sa puso ng maralita
inilaan ang tanging buhay
sa ating Diyos na kawanggawa
Ari-arian at kayamanan
pinamudmod sa mga dukha
Santo Tomas de Villanueva
Arzobispong kahanga-hanga
Tayong lahat at manalangin
sa 'ting patrong maawain
Santo Tomas de Villanueva
sinisinta't ginigiliw
Kaya't sa 'yong awa't patnubay
Kahit saan makarating
Santo Tomas de Villanueva
Aming gaabay at tungkod namin
Kami ngayon ay 'wag pabayaan
sa laban namin sa kasalanan
Santo Tomas de Villanueva
ang pag-asa naming lubusan
Sana kami ipanalangin
sa ating Diyos na mahabagin (maawain)
Santo Tomas de Villanueva
kami sana ay 'yong dinggin
Sana'y dinggin sa aming puso
diwa't damdamin
Nakaukit ang 'yong pangalan
Santo Tomas de Villanueva
bukal ng awa sana'y makamtan
harinawa tanging ikaw ang patron namin
bukas ang palad at matulungin
Santo Tomas de Villanueva
Arzobispong pag-asa namin
Santo Tomas de Villanueva
ang santong maawain
Santo Tomas maawain
Santo Tomas mahabagin
Santo Tomas
Espiritung Banal Lyrics
LYRICS:
1. Espiritung Banal ng D'yos sa akin ay lumulukob
Nang sa dukha'y aking maidulot balita ng pagkatubos.
KORO:
O Espiritu ng kabanalan, o Espiritu ng pagmamahal,
Sa 'king puso'y lagi Kang nananahan
Nang kapwa ko'y aking mapaglingkuran.
Sa 'king puso'y lagi Kang nananahan
Nang kapwa ko'y aking mapaglingkuran.
2. Espiritung Banal ng D'yos sa akin ay lumulukob
Nang sa dukha'y aking maidulot pag-ibig na mapagkupkop. (KORO)
3. Espiritung Banal ng D'yos sa akin ay lumulukob
Nang sa dukha'y aking maidulot kaligayahan Mong lubos. (KORO)
Come to the Foot of the Altar Lyrics
Marvin A. Quintana
Misa Birhen Maria, Medalla Milagrosa
Come to the foot of the altar,
there graces will be poured out on
those who ask with confidence
and fervor!
Come to the foot of the altar
there graces will be poured out on
those who ask with confidence
and fervor!
I rejoiced when I heard them say
"Let us go to God's house"
and now our feet are standin
g within your gates, O Jerusalem.
O God be gracious and bless us
and let Your face shed it's light upon us
so will Your ways be known upon earth
and all nations learn Your saving help.
Give thanks to Him
and bless His Name indeed how good is the Lord
Eternal His merciful love
He is faithful from age to age
Tuesday, September 9, 2025
Stabat Mater - Senga - Lyrics
Raymund Santos Senga
V1:
Sa paanan ng Krus ng lumbay
kinapapakuan ng Anak
Lumuluhang nagbabantay
Lumuluhang Inang nagbabantay
at naghihirap
Puso niya ay tinarakan,
tinarakan ng isang punyal
sa tindi'y sugat di matighaw
Ay O, anong panglaw
na pangitain
Inang Santa anyo'y malasin
nagdurusa't naninimdim
V2:
Dusa't sakit tinding hinagpis
sa namamasdan ay tiniis
ng Inang ang hapdi'y labis,
Dusa't sakit at tinding hinagpis
kanyang tiniis
Sino nga naman ang nilalang
sa Ina ay di maluluha?
Makitang nagdurusang lubha?
Sino nga ang hindi makikihati
sa hirap ng pamimighati
sa Ina Kristong Hari
V3:
Ating sala ang kadahilan
at si Kristo'y pinahirapan
Ating sala ang dahilan
at si Kristo'y pinahirapan
Krus ay pinasan
Ang Ina nati'y naging saksi
sa pagpanaw ng kanyang supling
at sa paglisa'y di maaliw
Ah, O mutyang Ina
iyong bayaang sa hapis kita
ay damayan
sa Iyong hirap ay samahan
V4:
Sa pag-ibig mag-alab sana
itong aking puso oh,
Inang nang maging ka-ibig-ibig
sa pag-ibig mag-alab sana
ang aking dibdib.
O sinta't banal naming Ina
sa purso ko'y itatak
sana bakas ng sugat ng 'Yong anak
At 'yong bahaginan sa Kanyang dusa
sinugatan sa ating sala
ng dahil sa ating sala
Tuesday, August 26, 2025
Umawit Kang Masaya Lucio San Pedro Lyrics
Umawit kang masaya,
umawit kang masaya,
sa Panginoon, O sangkalupaan.
Paglingkuran ang Panginoon nang may
kagalakan,
paglingkuran ang Panginoon,
nang may kagalakan,
paglingkuran ang Panginoon.
Humarap sa kanya ng may masayang
awitin
Kilalanin ninyo ang Panginoon ay Diyos;
ginawa niya tayo, tayo ay kanya,
tayo ay kanya, tayo ay kanya.
Ang kanyang bayan inaalagaan niya
pumasok kayo sa kanyang mga pintuan
na taglay ang pasasalamat,
sa kanyang mga looban
na taglay ang papuri.
Magpasalamat, magpasalamat,
magpasalamat sa kanya.
Purihin ang kanyang Pangalan
sapagkat ang Panginoon ay butihin;
ang kanyang kagandahang loob ay walang
hanggan,
ang kanyang katapatan ay hanggang
sa mga sali't saling lahi.
Monday, August 25, 2025
Nasa Kanan Mo Ang Reyna Lyrics
Refrain:
Nasa kanan Mo ang reynang maningning,
sa ginto't ganda
Verse 1:
Samantalang sa kanan Mo,
nakatayo yaong reyna;
Palamuti'y gintong lantay
sa damit na suot N'ya.
Verse 2:
O kabiyak nitong hari
ang payo ko'y ulinigin;
Ang lahat mong kamag-anak,
at ang madla ay limutin.
Verse 3:
Sa taglay mong kagandahan
ang hari ay paibigin;
S'ya'y iyong Panginoon
marapat na 'yong sundin.
Verse 4:
Monday, August 18, 2025
Viva Poong Hesus Nazareno Lyrics
Composers: Kevin Paul A. Cero, Walter P. Labado, and Nick S. Berondo.
Viva, Poong Hesus Nazareno!
Awit at papuri, alay namin sa 'Yo.
Dinggin ang dalangin at pagsamo ng bayan Mo.
Viva, Poong Hesus Nazareno.
Tayo ngayon ay magtipon
at sambahin ang Poon.
Magdiwang tayo sa ating debosyon,
purihin ang Panginoon.
[koro]
Magpasalamat tayo sa Panginoon.
Kaligtasan natin ang Kanyang misyon.
Sa krus Mo kami'y Yong tinubos, Poon.
Puso't buhay namin sa 'Yo itutuon.
[koro]
Sunday, August 10, 2025
Ang Tungkod Mo (Salmo 23) Hangad Lyrics and Chords
Di ko alam saan patungo, ngunit mangangahas ako.
Dahil Ikaw ang mangunguna, hindi ako mangangamba.
Pastol Kang maaasahan, upang ako'y ingatan at samahan.
Ang tungkod Mo ay kapayapaan sa buhay kong walang katiyakan.
Pastol Kang hindi nang-iiwan, liwanag sa gitna ng kadiliman.
Ang tungkod Mo, siya kong tanging mamasdan; at papanatag aking kalooban.
Nais kong maging larawan ng banayad Mong kabutihan.
Ang tinig mo'y aking pakikinggan, Ang tungkod Mo ay aking susundan.
Pastol Kang maaasahan, upang ako'y ingatan at samahan.
Ang tungkod Mo ay kapayapaan sa buhay kong walang katiyakan.
Pastol Kang hindi nang-iiwan, liwanag sa gitna ng kadiliman.
Ang tungkod Mo, siya kong tanging mamasdan; at papanatag aking kalooban.
at papanatag aking kalooban.
Intro: A D/A A D/A E..
Verse: A D/A C#m F#m Bm
E A Bm-E
A D/A C#m F#m Bm E
A - A.
Chorus 1:
D E F#m - -
Bm E F#m
D E F#m -
D E A
D E F#m - -
Bm E F#m
D E F#m -
D E A
[repeat verse]
Chorus 2:
D E F#m - -
Bm E F#m
D E F#m -
D E A
D E F#m - -
Bm E F#m
D E F#m -
D E F#m / E
D E A (intro)
Saturday, June 28, 2025
I WIll Life my Eyes to the Hills Lyrics
Psalm 121
Arnel A. De Pano
I will lift my eyes to the hills:
from where my help does come?
I will lift my eyes to the hills:
my help comes from the Lord!
He who watches over Israel
neither slumbers nor sleeps.
He will watch you now and forevermore.
Forevermore!
The Lord is your shade at your right hand.
The sun will not harm you by day,
nor the moon by night.
[chorus]
The Lord will keep you from all harm.
The Lord will watch your coming in
and your going out!
[chorus]
Evermore!
Sunday, June 1, 2025
Inang Sakdal Linis Lyrics
Inang sakdal linis, kami ay ihingi
Sa Diyos Ama namin, awang minimithi
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
Bayang tinubua'y ipinagdarasal
At kapayapaan nitong sanlibutan
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
Saturday, May 24, 2025
O Bunying San Isidro Lyrics
O Bunying San Isidro
Kaloy Serviento
Prof. Angelo V. Cartago
John Paul Alunan
San Isidro aming pintakasi
Ang simbahan ngayo'y nagbubunyi
Pasasalamat at pagtangi
Sa buhay na 'yong ibinahagi
Yung tupdin ang aming panalangin
Ilapit kami sa Panginoong butihin
Dumaloy nawa
ang biyaya ng Ama na may likha
Purihin ang Panginoon!
Ngayon at kailanman
San Isidrong aming hirang
Kadakilaan Mo'y itatanghal
O Bunying San Isidro,
San Isidro Labrador
Apat na siglong pamimintuho
Sa 'yong kandili at pag-irog
Purihin ka at ipagdangal
Sa hanay ng mga banal
Kami'y iyong ipanalangin
Na amin nang kamtin
Minimithi naming langit
Tulad Mo kami'y
Pawang lingkod lamang
Upang Diyos ay mapaglingkuran
At kung sumapit
Yaring pagpanaw
Kami'y iyong bendisyunan
San Isidro kami iyong ingatan!
O Bunying San Isidro,
San Isidro Labrador
Apat na siglong pamimintuho
Sa 'yong kandili at pag-irog
Purihin ka at ipagdangal
Sa hanay ng mga banal
Kami'y iyong ipanalangin
Na amin nang kamtin
Minimithi naming langit
O Bunying San Isidro
San Isidro Labrador