Umawit Sa Diyos Ng Awa (Salmo 97)
Cedrick N. Soriano.
Koro:
Umawit sa Diyos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila
Umawit ng bagong awit sa Poo'y ialay,
Pagkat ang ginawa N'ya'y kahanga-hangang tunay.
Sa sariling lakas Niya at taglay na kabanalan,
Walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay (T)
Ang tagumpay Niyang ito'y S'ya na rin ang naghayag,
Sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos N'yang tinupad (T)
Tapat S'ya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos, kahit saa'y namalas.
Magkaingay na may galak ang lahat sa daigdig,
Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit (T)
Gawa ng D'yos dakila.
No comments:
Post a Comment