Thursday, March 12, 2026

HIMIG NG PUSO (DIVINE MERCY) Lyrics

 Verse 1
Pag-ibig ang himig ng puso ng Ama
Kaya isinugo Bugtong na Anak N’ya
Lugmok man tayo sa sala, 
mithii N’ya pa ring makasama
Awa’t habag ay handog Niya
Manatili lamang tayo sa Kanya

Verse 2
Bunga ng kasalanan, 
ngayon tayo’y watak-watak
Sa pastol ay nawalay at naligaw na ng landas
Gahaman ang pusong nababalot ng dusa
Kaya himig ng puso nati’y 
’di na tulad ng sa Ama

Chorus 1
O Hesus, ipunla Mong muli ang habag at awa
Dadalhin namin ito sa palad ng mga dukha
Maghahandog ng may puso, maghahatid ng pag-asa
Nang ang himig ng puso nami’y maging tulad ng sa Ama

Verse 3
Banal Mong awa’y inihayag, biyaya ng pagmamahal
Pulang sinag ay larawan ng kalulwang naririmlan
Dumadaloy na tubig lilinisin ang kasalanan
Awang mula sa puso Mo’y 
pananaligang may katapatan

Chorus 2
O Hesus, salamat sa biyayang habag at awa
Dadalhin namin ito sa palad ng mga dukha
Maghahandog ng may puso, maghahatid ng pag-asa
Nang ang himig ng puso nami’y maging tulad ng sa Ama

Bridge
Ngayong narito na habag at awa Mong bigay
Kami ay lalakad, aakayin ang naligaw
At ’di na sasaktan ang puso Mong sugatan
Magbabalik-loob at tatahakin ang ’Yong daan

Chorus 3 / Ending
O Hesus, salamat sa biyayang habag at awa
Sa ’Yong banal na pangalan mabubuklod kaming ganap
Himig ng puso nami’y himig Mo ang aawitin
Isang tinig, himig natin
Pag-ibig ang hatid
Isang tinig, himig natin
Pag-ibig ang hatid, Amen!

No comments:

Post a Comment