Sugatan Mo, Panginoon,
ang aking puso
ng 'Yong pag-ibig
Nang maunawaan ko
ang gutom at uhaw ng aking kapatid
ng aking kapatid.
Pukawin Mo, Panginoon, ng 'Yong salita
Ang aking malay
Nang lalo kong madama
ang kalooban ng kapwang may lumbay
ng kapwang may lumbay.
Turuan ang aking pusong magnilay lagi sa 'Yo
Nang madama ko ang pag-ibig Mo.
Turuan ang aking pusong
magmahal lagi sa 'Yo
Nang matuto akong manahan
sa piling ng kapwa ko.
No comments:
Post a Comment