Monday, March 30, 2026

Awit 117 Raz Lyrics

 Awit 117
Ronaldo Raz

Aleluia, Aleluia, Aleluia
Aleluia, Aleluia, Aleluia
Aleluia, Aleluia, Aleluia
Aleluia, Aleluia, Aleluia

O pasalamatan ang Diyos na Panginoon
'pagkat siya'y mabuti
Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag
At mananatili ang taga-Israel 
bayaang sabihi't kanilang ihayag
Ang pag-ibig ng Diyos 'di kukupas.

Ang lakas ng Poon ang s'yang nagdulot
ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway
aking sinasabing 'di ako papanaw
mabubuhay ako upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

Ang batong natakwil ng nangagtatayo
ng tirahang bahay sa lahat ng bato'y
higit na mahusay ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

Sunday, March 29, 2026

Sing to the Lord (Delgado) Lyrics

Sing to the Lord and rejoice.
Sing to the Lord and rejoice,
for He is risen.
Sing to the Lord all the earth.

Our Lord Jesus Christ is risen today.
Sing songs of praise. Alleluia
He saved us from sins 
redeemed the world.
Praise all His name. Alleluia

Friday, March 20, 2026

Isabuhay ang Salita Lyrics

 Pangwakas na Awit sa Panahon ng Kwaresma

Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II

Magsihayo't isabuhay ang aral at ang salita.
Ibahagi sa lahat ang pag-ibig Niyang tapat.
Mamuhat nang nagmamahal, akayin ang naliligaw.
Kalingain mo at maging matuwid sa aba't dukhang kapatid.

Pagaayuno, pagdarasal,
pagtulong sa kapwa'y gawaing banal.

Sabi ni Kristo: hinirang ko kayo
upang magsihayo't mamungang totoo.

Paghahandog sa Sarili (Hontiveros) Revised Lyrics

 
Kunin Mo, O Diyos at tanggapin Mo 
ang alak at tinapay, 
na handog ng pag-ibig, 
sa sagisag naming bayan Mo.

Ang handog na ito, 
ay babaguhin Mo: 
magiging Katawan at Dugo Mo. 

Mula sa Iyo 
kaloob na ito, 
muli ay handog sa Iyo.
Patnubayan Mo't paghariang lahat 
ayon sa kalooban Mo. 

Mag-utos Ka, Panginoon ko, 
dagling tatalima ako.
Ipagkaloob Mo lamang 
na mabago ako't 
sa wakas matulad sa 'Yo.

Sugatan Mo, Panginoon Lyrics

 
Sugatan Mo, Panginoon, 
ang aking puso 
ng 'Yong pag-ibig
Nang maunawaan ko 
ang gutom at uhaw ng aking kapatid
 ng aking kapatid.

Pukawin Mo, Panginoon, ng 'Yong salita 
Ang aking malay
Nang lalo kong madama
 ang kalooban ng kapwang may lumbay
ng kapwang may lumbay.

Turuan ang aking pusong magnilay lagi sa 'Yo
Nang madama ko ang pag-ibig Mo.
Turuan ang aking pusong 
magmahal lagi sa 'Yo
Nang matuto akong manahan 
sa piling ng kapwa ko.

Thursday, March 12, 2026

St. Therese the Little Flower (Ode to Joy) Lyrics

Tune: HYMN TO JOY (also known as Ode to Joy)
Composer: Ludwig van Beethoven
Arrangement: Edward Hodges 

Verse 1
St. Therese, the Little Flower, chosen by the Lord above 
Light the spark of love within us, Chosen Flower, Rose of Love 
As we make our prayers and petitions, bring them to God's holy throne 
Let your perfume go before them, making our request your own 

Verse 2
Sweet apostle of God's mercy, in whose love you came to share 
You surrendered self completely in your tasks and in your prayer 
Lead us to that lowly valley where the humble find their 
God Light our pathway, cheer our spirits, walking where the Master trod 


Verse 3
Confidence, abandonment, simplicity in us instill T
hat like you we may completely follow God's most tender will 
In the hours of great darkness, light the lamp of faith we need 
Trusting your eternal promise that for us you'll intercede 

 


HIMIG NG PUSO (DIVINE MERCY) Lyrics

 Verse 1
Pag-ibig ang himig ng puso ng Ama
Kaya isinugo Bugtong na Anak N’ya
Lugmok man tayo sa sala, 
mithii N’ya pa ring makasama
Awa’t habag ay handog Niya
Manatili lamang tayo sa Kanya

Verse 2
Bunga ng kasalanan, 
ngayon tayo’y watak-watak
Sa pastol ay nawalay at naligaw na ng landas
Gahaman ang pusong nababalot ng dusa
Kaya himig ng puso nati’y 
’di na tulad ng sa Ama

Chorus 1
O Hesus, ipunla Mong muli ang habag at awa
Dadalhin namin ito sa palad ng mga dukha
Maghahandog ng may puso, maghahatid ng pag-asa
Nang ang himig ng puso nami’y maging tulad ng sa Ama

Verse 3
Banal Mong awa’y inihayag, biyaya ng pagmamahal
Pulang sinag ay larawan ng kalulwang naririmlan
Dumadaloy na tubig lilinisin ang kasalanan
Awang mula sa puso Mo’y 
pananaligang may katapatan

Chorus 2
O Hesus, salamat sa biyayang habag at awa
Dadalhin namin ito sa palad ng mga dukha
Maghahandog ng may puso, maghahatid ng pag-asa
Nang ang himig ng puso nami’y maging tulad ng sa Ama

Bridge
Ngayong narito na habag at awa Mong bigay
Kami ay lalakad, aakayin ang naligaw
At ’di na sasaktan ang puso Mong sugatan
Magbabalik-loob at tatahakin ang ’Yong daan

Chorus 3 / Ending
O Hesus, salamat sa biyayang habag at awa
Sa ’Yong banal na pangalan mabubuklod kaming ganap
Himig ng puso nami’y himig Mo ang aawitin
Isang tinig, himig natin
Pag-ibig ang hatid
Isang tinig, himig natin
Pag-ibig ang hatid, Amen!

Monday, March 9, 2026

May the angels be your guide lyrics

 Refrain
May the angels be your guide, 
may they lead you into paradise, 
and take you home 
to the new Jerusalem. 

Verses
Verse 1
There is one thing I ask of God;
 for this I long, for this I hope: 
to dwell in the house of God
every day of my life. 

Verse 2
When I cry out, hear my voice. 
Have mercy, Lord, and answer me. 
Do not cast me away in anger, 
for you are my help. 

Verse 3
I shall see God’s goodness, 
forever dwell with the living. 
Hope in God, and take heart; 
place your trust in the Lord. 

Sunday, March 8, 2026

Sapagkat (Dumlao) Corrected Text Lyrics

Sapagkat sa Iyo 
nagmumula ang kaharian,
 kapangyariha't  kalwalhatian
magpasawalang hanggan!