Tuesday, September 9, 2025

Stabat Mater - Senga - Lyrics

Raymund Santos Senga

V1:
Sa paanan ng Krus ng lumbay
kinapapakuan ng Anak
Lumuluhang nagbabantay
Lumuluhang Inang nagbabantay
at naghihirap

Puso niya ay tinarakan,
tinarakan ng isang punyal
sa tindi'y sugat di matighaw

Ay O, anong panglaw
na pangitain
Inang Santa anyo'y malasin
nagdurusa't naninimdim

V2:
Dusa't sakit tinding hinagpis
sa namamasdan ay tiniis 
ng Inang ang hapdi'y labis,
Dusa't sakit at tinding hinagpis
kanyang tiniis

Sino nga naman ang nilalang
sa Ina ay di maluluha?
Makitang nagdurusang lubha?

Sino nga ang hindi makikihati
sa hirap ng pamimighati
sa Ina Kristong Hari


V3:
Ating sala ang kadahilan
at si Kristo'y pinahirapan
Ating sala ang dahilan
at si Kristo'y pinahirapan
Krus ay pinasan

Ang Ina nati'y naging saksi
sa pagpanaw ng kanyang supling
at sa paglisa'y di maaliw

Ah, O mutyang Ina
iyong bayaang sa hapis kita
ay damayan
sa Iyong hirap ay samahan


V4:
Sa pag-ibig  mag-alab sana
itong aking puso oh, 
Inang nang maging ka-ibig-ibig
sa pag-ibig mag-alab sana
ang aking dibdib.

O sinta't banal naming Ina
sa purso ko'y itatak
sana bakas ng sugat ng 'Yong anak

At 'yong bahaginan sa Kanyang dusa
sinugatan sa ating sala
ng dahil sa ating sala

No comments:

Post a Comment