Tuesday, December 16, 2025

Sama-samang Mag-alay Lyrics

Sama-samang Mag-alay

Titik: Danilo B. Isidro, SJ at P. Ral Jaden C. Paguergan  
Musika: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ 

Verse 1 
Taglay namin ngayon sa aming mga palad, 
Sa kabutihan Mo ay aming tinanggap; 
Kas'yahang tanggapin ang s'ya naming hangad 
Tinapay na bunga ng pagod at hirap. 

Sama-samang mag-alay 
nang buong pagmamahal. 
Sama-samang mag-alay 
nang buong pagmamahal. 

Verse 2 
Alay pa rin namin sa 'Yo Amang liyag, 
Ang alak na mula sa katas ng ubas; 
Na sa kalinga Mo'y amin ding tinanggap, 
Kaya ngayo'y muling handog sa 'Yong hapag. 

Verse 3 
Tinapay at alak, 
abang handog namin, 
Nawa'y kalugdan Mo, O Diyos na butihin; 
Tinapay magbigay buhay 
nawa sa 'min, 
Sa kalul'wa alak magsilbing inumin. 

Verse 4 
O D'yos na dakila, 
Ama naming banal, Nawa'y tanggapin Mo, 
yaring aming alay; 
Tangi naming nasa 
Ika'y papurihan 
At magpakailanman 
Ika'y ipagdangal. 

Verse 5 
Poon, sambayanan Mo 
dito sa Antipolo; 
Ay sama-samang umaawit sa 'Yo. 
Sa paghahanda po n'yaring mga alay, 
Kami'y taos puso at bukal kung magbigay. 


---

No comments:

Post a Comment