Monday, November 17, 2025

Magalak sa Kanyang Pagdating Lyrics

 ​🎶 Magalak sa Kanyang Pagdating
​(Pambungad na Awit para sa Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon)

​Berso:
​Magalak, magsiawit, magdiwang! Darating ang Poon ng tanan.
Ang mga patangis, kahirapa't lumbay 
ay Kanyang papawiing ganap.

Masayang salubungin ang Mesiyas!
Magpuring may tuwa at galak!
Ang Diyos na Hari at makatarungan,
dulot Niya sa ti'y kaligtasan.  

​Koro:
Darating ang araw; 
Paglayang hangad ng lahat.
Sa gabing tahimik, pag-asa'y sumilip,
nagningning sa kaliwanagan.

Magalak, magsiawit, magdiwang!
Darating ang Poon ng tanan.
Sa lahat ng takot at mga kaaway, iiingatan Niya tayong lubos.

Ihanda ang sarili't kalooban.
Tuwirin ang lahat ng daan.
Ang Diyos na Hari at tagapagligtas,
tutubos sa sala ng lahat.  

No comments:

Post a Comment