Monday, December 29, 2025

Salmo Responsoryo Consolacion Lyrics

SALMO RESPONSORYO
Titik: Lucas 1: 46-55
Musika: Alejandro D. Consolacion II

SAGOT
Mahal na Birheng Maria, 
ina ng Anak ng Ama.

BERSO 1
Ang puso ko'y nagpupuri 
sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu
dahil sa Diyos 
na aking tagapagligtas.

BERSO 2
Sapagkat nilingap niya 
ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon ako'y 
tatawaging mapalad 
sa lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay 
na ginawa sa akin ng 
Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan!

BERSO 3
Kinahahabagan niya 
ang mga may takot sa kanya,
sa lahat ng sali't saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas 
ng kanyang mga bisig
Pinangalat niya ang mga 
palalo ang isipan.

BERSO 4
Ibinagsak niya ang mga hari 
mula sa kanilang trono,
at itinaas ang nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay 
ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala 
ni anuman ang mayayaman.

BERSO 5
Tinulungan niya ang 
kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya 
sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, 
magpakailanman.

No comments:

Post a Comment