Thursday, October 1, 2026

Panginoon Natin ang S'yang Nagturan Lyrics

 Panginoon Natin ang S'yang Nagturan
Text (lyrics): Alvin Francis F. Lozano
Music (arrangement/adaptation): Ferdinand M. Bautista

Panginoon natin ang S'yang nagturan,
"Malibang kayo ay magbagong loob,
at tumulad sa mga bata,
hindi kayo makakapasok sa langit na kaharian."

Katulad ng mga bata kami ngayo'y lumalapit
upang tanggapin Ka.
Tinapay na galing sa kalangitan,
marapating puso nami'y magwaring
langit na 'Yong panahanan.

O Hesus, puso Mo'y nagniningas
sa rubdob ng paghahangad na kami'y
lubusang makapiling.
Kaya't buong tiwala kaming nagsasalo
sa hinanda Mong piging.

Ngayon kami'y tigib ng kagalakan,
'pagka't Ika'y dumaratal Hesus naming mahal
upang pagkatao nami'y baguhin
at kami'y gawing 'Yong kawangis.

Ipahahayag namin ang mga kahanga-hangang
bagay na Iyong ginawa.
Dahilan sa 'Yo kami'y aawit sa tuwa!
Ngalan Mo'y aming pupurihin,
O Kataas-taasan!

No comments:

Post a Comment