Pumpol ng Bulaklak
Lyrics (Titik): Bulacan, 1865
Music (Musika): E. P. Hontiveros, S.J.
[Verse 1]
Matamis na Birheng pinaghahandugan,
Nangangako kami na sa 'yo'y mag-alay
Ng isang guirnalda sa bawa't 'sang araw,
At ang magdudulot yaring murang kamay.
[Verse 2]
Bulaklak sa tuhog, sadyang salit-salit,
Sa mahal mong noo'y aming ikakapit.
Lubos ang pag-asa't sa 'yo'y pananalig
Na tatanggapin mo, handog ng pag-ibig.
[Chorus]
Halina, halina, tayo'y mag-aalay
Ng mga bulaklak kay Maria.
Sunday, May 31, 2026
Pumpol ng Bulaklak (Hontiveros) Lyrics
Venu, Sancte Spiritus (Magno Marcelo) Lyrics
VENI, SANCTE SPIRITUS
Titik at Musika ni: Rdo. P. Carlo Magno S. Marcelo
(Refrain)
Congregation:
VENI, VENI, SANCTE SPIRITUS.
VENI, SANCTE SPIRITUS.
(Verses)
Cantor:
1. Spiritung nagbibigay diwa sa 'ting buhay,
Spiritung nag-aalay pag-ibig na tunay.
2. Spiritung mula sa langit, Spiritu ng pag-ibig
galing sa isang Amang nagmamahal sa atin.
3. Pagod ay pinapawi, silong sa tag-init
Hapis ng pighati s'yang hinahawi.
4. Hugasan sa amin ang dungis ng sala
Sugat ng puso, halina at hilumin.
5. Amuin ang pusong maramot at madaya
Lagyan ng lakas-loob at s'yang magiging tama.
6. Pag-ibig na nagmumula sa Ama at sa Anak;
Ikaw ang magbabago mukha nitong mundo.
Saturday, May 30, 2026
PAGPUPUGAY SA SANTISIMA TRINIDAD Lyrics
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Verse 1:
L'walhati sa Ama, sa Anak, at Espiritu Santo
lisang Diyos na totoo, wagas dalisay at tunay
Verse 2:
Amang lumikha ng sanlibutan
Anak inialay ang buhay,
Espiritu Santo gabay at patnubay,
Ganap sa lahat ng bagay
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Nagpupuri, napupugay, Sa'Yo Santisima Trinidad
Sa'Yo Santisima Trinidad
Santisima Trinidad