Ang bawat isa'y naglalakbay,
humaharap sa hamon ng kanyang buhay
Sino ba ang pwede nating gabay
Ang halimuyak ba ng rosas na alay mo,
Ang bawat hininga ko ay may kahulugan
Mga yapak mo ba'y dapat ko lang sundan
Kailangan ko ba ng lahat ng parangal
O sapat na tulad ng puso mong may dangal?
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa,
himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin
mamuhay nang buo
sa Diyos na inialay.
Ang bawat oras na Kanyang ibinigay, matagal ko na ba Siyang pinaghihintay
Misyon na dapat simulan
ang mahalin si Jesus magpakailanman
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa,
himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin
mamuhay nang buo
sa Diyos na inialay.
Sa agaw liwanag ng bawat araw,
ngiti at papuri, tanging sigaw.
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa, himukin ang damdamin sa
Kanya'y manalangin.
Santa Teresita, ang aking mithiin, mamuhay ng buhay sa Diyos inialay.
Santa Teresita, aking gabay
sa paglalakbay
Thursday, October 2, 2025
Santa Teresita Aking Gabay Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment