Sunday, May 31, 2026

Pumpol ng Bulaklak (Hontiveros) Lyrics

 Pumpol ng Bulaklak
Lyrics (Titik): Bulacan, 1865   
Music (Musika): E. P. Hontiveros, S.J.   

[Verse 1]
Matamis na Birheng pinaghahandugan,
Nangangako kami na sa 'yo'y mag-alay
Ng isang guirnalda sa bawa't 'sang araw,
At ang magdudulot yaring murang kamay.

[Verse 2]
Bulaklak sa tuhog, sadyang salit-salit,
Sa mahal mong noo'y aming ikakapit.
Lubos ang pag-asa't sa 'yo'y pananalig
Na tatanggapin mo, handog ng pag-ibig.

[Chorus]
Halina, halina, tayo'y mag-aalay
Ng mga bulaklak kay Maria.

No comments:

Post a Comment