Monday, August 25, 2025

Nasa Kanan Mo Ang Reyna Lyrics

 Refrain:
Nasa kanan Mo ang reynang maningning, 
sa ginto't ganda

Verse 1:
Samantalang sa kanan Mo, 
nakatayo yaong reyna; 
Palamuti'y gintong lantay 
sa damit na suot N'ya. 

Verse 2:
O kabiyak nitong hari 
ang payo ko'y ulinigin; 
Ang lahat mong kamag-anak, 
at ang madla ay limutin.

Verse 3:
Sa taglay mong kagandahan 
ang hari ay paibigin; 
S'ya'y iyong Panginoon 
marapat na 'yong sundin.

Verse 4:

Sama-samang masasaya,
ang lahat ay nagagalak
na pumasok sa palasyo
at sa hari ay humarap.

No comments:

Post a Comment