Thursday, October 1, 2026

Panginoon Kaawaan Mo Kami (Honrada) Lyrics

 Panginoon Kaawaan Mo Kami 
Fr. Lordencio Honrada

Panginoon, kaawaan Mo kami
Panginoon, Panginoon
Panginoon, kaawaan Mo kami

Kristo, kaawaan Mo kami
Kristo, Kristo
Panginoon, kaawaan Mo kami

Panginoon, kaawaan Mo kami
Panginoon, Panginoon
Panginoon, kaawaan Mo kami

Panginoon Natin ang S'yang Nagturan Lyrics

 Panginoon Natin ang S'yang Nagturan
Text (lyrics): Alvin Francis F. Lozano
Music (arrangement/adaptation): Ferdinand M. Bautista

Panginoon natin ang S'yang nagturan,
"Malibang kayo ay magbagong loob,
at tumulad sa mga bata,
hindi kayo makakapasok sa langit na kaharian."

Katulad ng mga bata kami ngayo'y lumalapit
upang tanggapin Ka.
Tinapay na galing sa kalangitan,
marapating puso nami'y magwaring
langit na 'Yong panahanan.

O Hesus, puso Mo'y nagniningas
sa rubdob ng paghahangad na kami'y
lubusang makapiling.
Kaya't buong tiwala kaming nagsasalo
sa hinanda Mong piging.

Ngayon kami'y tigib ng kagalakan,
'pagka't Ika'y dumaratal Hesus naming mahal
upang pagkatao nami'y baguhin
at kami'y gawing 'Yong kawangis.

Ipahahayag namin ang mga kahanga-hangang
bagay na Iyong ginawa.
Dahilan sa 'Yo kami'y aawit sa tuwa!
Ngalan Mo'y aming pupurihin,
O Kataas-taasan!

Halina ang Diyos ay Sambahi't Papurihan Lyrics

 Halina ang Diyos ay Sambahi't Papurihan

Halina ang Diyos ay sambahi't papurihan!
Tunguhin natin Siya't ating pasalamatan.
Ipinahahayag Niya ang kanyang kaharian
sa mga taong tulad sa bata ang kalooban.

Sa ilang na lugar siya'y Kanyang natagpuan,
S'ya'y kinagiliwan N'ya at pinatnubayan.
Mula sa kapayakan siya'y minahal N'ya't hinirang!
Kaya't Diyos na mahabagin atin nga yong awitan!

Tulad ng agilang malapad yaong pakpak,
Panginoo'y lumingap sa kanya't pumasan;
Poon nati'y mapagkalinga't lubos ang pagkandili.
Hindi kailanman magmamaliw Kanyang awa't pag-ibig!

Siya'y may kapakumbabaang umasa sa Diyos.
Buhay n'ya'y papuring-awit sa Manunubos!
Biyayang hiling nati'y kanya paring 'pinagkakamit,
natatanggap nating tila rosas na hulog ng langit!

O Teresitang Dinarangal Lyrics

 O Teresitang Dinarangal

1. Munting bulaklak ng Panginoong Diyos,
   Awa N'ya ang sa iyo'y binuhos,
   Sa kandili N'ya Ika'y kumapit
   upang tana'y magawang may pag-ibig

2. Bokasyon mo'y maging alab ng pag-ibig,
   sa gitna ng Simbahang sinta't ibig,
   Ikaw nawa ay matularan
   sa pagtugon sa tawag N'ya.

3. Si Kristong Poo'y iyo ngang minahal
   pagkabata N'ya't mukha'y 'ginalang!
   Patnubayan kami nang S'ya'y masundan
   sa katuwaan at kapaitan.

4. Mga misyonero at kaparia'y
   patuloy mong ipanalangin,
   Upang sila'y 'di manghinawa
   na paghahari N'ya'y ipalaganap.

O Teresitang dinarangal
D'yos ang sa 'yo'y humirang,
upang kami'y mapangaralan
sa landas ng kabanalan.