Kunin Mo, O Diyos at tanggapin Mo
ang alak at tinapay,
na handog ng pag-ibig,
sa sagisag naming bayan Mo.
Ang handog na ito,
ay babaguhin Mo:
magiging Katawan at Dugo Mo.
Mula sa Iyo
kaloob na ito,
muli ay handog sa Iyo.
Patnubayan Mo't paghariang lahat
ayon sa kalooban Mo.
Mag-utos Ka, Panginoon ko,
dagling tatalima ako.
Ipagkaloob Mo lamang
na mabago ako't
sa wakas matulad sa 'Yo.
No comments:
Post a Comment