Mapalad ang Birheng Maria
Awit sa Komunyon sa Misa sa Karangalan ng Birheng Maria
Music and Lyrics: Bill Kevin del Rosario
Arrangement: Dado G. Delgado
Mapalad ang Birheng Maria,
pinili ng D'yos Ama,
upang iluwal ang sugo N'ya,
Anak na kaisa-isa
at Manunubos sa sala.
Verse 1
Ikaw po Birheng marilag,
Inang walang makatulad.
Magdalita ka't mahabag,
ipagtanggol kaming lahat
sa hirap na aming daranasin.
Verse 2
At sa oras ng pagdating
niyong kamatayan namin
kami ay iyong dalawin,
saklolohan at aliwin
sa hirap na aming titiisin.
Mapalad ang Birheng Maria,
pinili ng D'yos Ama,
upang iluwal ang sugo N'ya,
Anak na kaisa-isa
at Manunubos sa sala.
at Manunubos sa sala.
Mapalad ang Birheng Maria.
Sunday, December 14, 2025
Mapalad ang Birheng Maria Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment