Purihin Mo Ang Panginoon, O Aking Kaluluwa
Refrain (Antipona):
Purihin mo ang Panginoon, O aking kaluluwa!
At h’wag mong kaligtaan, at h’wag mong kaligtaan
ang mabubuti Niyang gawa.
1.
Ating kalakasa’y matutulad sa agila,
pananariwain Niyang gaya sa mga bata.
Kapara ng Kanyang ginawa kay Teresita na
dahil sa pag-ibig tana’y kusang binata.
2.
S’ya’y mapagpatawad sa ’ting mga kasalanan
tinutubos N’ya tayo mula sa kamatayan.
Pinagpapala N’ya tayo’t tinitigib
ng pag-ibig N’yang wagas, pagkupkop at pagtangkilik.
3.
S’ya ang Poon nating nais paghandugan
ng tinapay at alak na ating nakayanan.
Ngayo’y hatid natin sa Kanyang harapan
mga bunga ng awa N’ya’t ating pinaghirapan.
4.
Alay ni Teresita buo n’yang pagkatao
sa Panginoon na kung ibigin s’ya’y totoo.
Tularan natin s’ya at gawing huwaran
yamang ’pinagbabantog ngayon kanyang kabanalan.
Thursday, October 1, 2026
Purihin Mo Ang Panginoon, O Aking Kaluluwa Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment