Sunday, October 11, 2026

Kapuri-puri ang Diyos Lyrics

Musika ni: Arnel G. Jacinto
Pagsasalin at Pagsasaayos ng Teksto ni: 
Caesar Gabriel M. Fernando

Kapuri-puri ang Diyos na Ama ng Poong Jesús,
tanang kaaliwan at habag sa Kanya ay nagmumula,
sa pighati Siya’y karamay!

Tayo ay lumapit sa ’ting Panginoon,
Siya’y aawitan, ating papurihan 
ang batong kublihan na ti’t kalakasan.
Tayo ay lumapit sa Kanyang harapan
na may pasasalamat,
Siya ay purihin ng mga awiting may tuwa at galak.

Sapagka’t ang Diyos ay ang Panginoong
napakadakila,
ang dakilang Haring higit sa sinuman
na binabathala.
Nasa Kanyang palad ang buong daigdig
pati kalaliman,
ang lahat ay Kanya, mga kabundukan,
karagatan at lahat ng nilalang.

Tayo ay lumapit, sa Kanya’y sumamba
at magbigay galang,
lumuhod sa harap nitong Panginoong
sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga
Niyang mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan
tungo sa tamang daan.

Ang Kanyang Salita ay ating pakinggan.
Iyang inyong puso’y huwag patigasin,
tulad ng ginawa ng inyong mga magulang
nang nasa Meriba.
Ako ay tinukso’t doon ay sinubok
ng inyong magulang,
bagama’t nakita ang aking ginawang
silang nakinabang.

Kapuri-puri ang Diyos na Ama ng Poong Jesús,
tanang kaaliwan at habag sa Kanya ay nagmumula,
sa pighati Siya’y karamay!
Kapuri-puri ang Diyos!

No comments:

Post a Comment