Panginoon, nawa ay tanggapin
sa 'Yong mga kamay itong paghahain.
Sa 'Yong kapurihan at dakilang kabanalan,
handog ng 'Yong sambayanan banal.
1. Butil ng trigo na bunga ng pagsisikap,
kaloob namin sa 'Yo.
Handog na ganap,
Tinapay ng buhay,
Pagkaing dalisay,
sa Iyong alaala,
Siya naming alay.
Panginoon...
2. Bungkos ng ubas na bunga ng paggawa,
Iyong tanggapin, marapatin nawa.
Alak ng kaligtasan,
Inuming walang hanggan,
sa Iyong kamatayan,
tinubos kaming tanan.
Panginoon...
3. Kami nawa'y maging karapat-dapat
sa paghahandog na aming ginaganap.
Iyon sanang tanggapin,
nawa ay kalugdan,
awa at pag-ibig,
nawa ay makamtan.
Panginoon...
4. Kalakip ng aming mga abang handog,
ang pasasalamat sa Diyos ay lubos.
Sa pagkilala kay Maria ay ipinagkaloob,
bunga ng kanyang bukal na pagsunod.
Panginoon...
Monday, October 5, 2026
Handog ng Sambayanan Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment