Sunday, October 18, 2026

Ngalan Mo’y Aming Dinarangal (Te Deum) Lyrics

 

1.

Ngalan Mo’y aming dinarangal;

sa harap Mo Poon nagpupugay!

Sa lupa, lahat nagtatanghal,

sa langit pagsamba sa ’Yo’y alay;

ang sakop Mo’y walang hanggan,

kaharian Mo’y di papanaw.


2.

Awit sa langit ay ’Yong dinggin

Koro ng Angheles umaawit;

Kerubim at Serapim,

nagpupuri sa ’Yong walang tigil;

Langit ay tigib ng awitan:

Santo, Santong Panginoon.


3.

O masdan mga Apostoles

pagsamba sa Banal Mong Pangalan;

awitan ng mga Propetas,

kasunod Martires umaawit;

pagsikat, paglubog ng araw

sa Simbahan himig pakinggan.


4.

O Banal na Ama at Anak,

’Spiritu, Banal na Santatlo.

Iisang Diyos, Tatlong Persona.

Diyos na aming pinanananligan;

naninikluhod, sumasamba

sa harap ng ’Yong hiwaga.


5.

Kristong Haring maluwalhati;

Diyos Anak, na ni’lwa’l ni Maria.

Nagdusa sa ’ting kasalanan,

sinaklaw na pati ang libingan:

ginapi ang kamatayan

kalangitan sa ’ti’y binuksan.


6.

Sa makalangit na tahanan,

papanaog, tayo’y huhukuman

sangkatauhan babalikan

sa huling araw ang kawakasan

ang tinig Mo sa sandaigdigan

yayanig sa sansinukuban.


7.

Poon yaring aming dalangin

pagtubos ang saklolo sa amin.

Ang Dugong Mahal Mo’y dumanak

naligtas kami sa kasamaan.

Dulot Mo ay kapahingahan

ang l’walhati ng pinagpala.


8.

Poon, tanging aming dalangin

ilayo sa mga hilahil.

H’wag tulutang anumang bahid

ng sala sa amin ay kumapit.

Ang tiwala sa ’Yo’y tigni

H’wag bawiin ang ’Yong pagkasi.

No comments:

Post a Comment