AWIT NG SANGNILIKHA
(Canticle of All Creatures — St. Francis of Assisi)
Angelo Branduardi
Salin: Marlon James S. Sales
Musika: Jonathan E. Mendoza
1.
O Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan,
Tanging sa Iyo ang pagsamba at karangalan.
2.
Purihin Ka, Panginoon, dahil sa sangnilikha.
Lalo't higit sa araw na siya naming Kuya
Hatid N'ya ay liwanag
sa pagdatal ng umaga.
Siya'y lubos na makisig,
maaliwalas at mabibiyaya.
3.
Purihin Ka, Panginoon,
kay Kapatid na Buwan,
Kinakapatid ng Bituin
Na puno ng kagandahan
Kay Kapatid ding Hangin
at kay Kapatid na Ulan,
na tumutustos sa amin at sa sangkalupaan.
4.
Purihin Ka, Panginoon,
kay Kapatid na Tubig, dalisay, mayumi,
at ka-ibig-ibig
at kay Kapatid na Apoy na lumalagablab.
Naglalaro sa gabi't
nagibibigay ng liwanag
5.
Purihin Ka, Panginoon, sa mga nagpapatawad
dahil kay Inang Lupa,
sami'y uma-agapay, kumakalinga
Magagarang bulaklak, masasaganang bunga
Ang bigay n'ya sa lahat ng mga anak niya
6.
Purihin Ka, Panginoon, sa mga nagpapatawad,
sa mga nagtitiis at naghihirap.
Purihin Ka nawa sa payapang nagsisikap,
kanilang tagumpay, ay sa Iyo magbubuhat
7.
Purihin Ka, Panginoon,
kay Kapatid na Kamatayan
na hindi matatakasan ng sino pa man
magbago't magsisi kayong makasalanan.
Nang di n'yo danasin
ikalawang pagkamatay.
8.
At mapalad kayo na nagpapagal,
kayo na naglilingkod nang may kababaan.
Magpasalamat kayo sa Panginoon.
Kapuri-puri Siya,
magpakailanman.
Monday, October 5, 2026
AWIT NG SANGNILIKHA Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment