Wednesday, November 22, 2023

Salmo 97 Misa Purisima Lyrics

 
Umawit sa Diyos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
Pagkat yaong ginawa N'ya ay kahanga-hangang tunay
Sa sariling lakas N'ya at taglay na kabanalan,
Walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay

Ang tagumpay N'yang ito'y S'ya na rin ang naghayag,
Sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos Niyang tinupad

Tapat S'ya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos, kahit saan ay namalas.
Magkaingay na may galak yaong lahat sa daigdig,
Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit

Tuesday, November 21, 2023

Magalak! Magdiwang! lpagbunyi si Maria! Lyrics

KORO:
Magalak! Magdiwang sa Birheng dakila!
Magalak! magdiwang! Bayang hinirang
Ipagbunyi si Maria Birheng Immaculada
Ating Ina at Patrona

O Birheng puspos ng biyaya
Bukod tangi ang ganda
Aming dalangi'y dinggin
Kami'y gabayan at kalingain [KORO]

O Birheng dalisay at dakila
Aming lakas at tuwa
Aming buhay sa'yo'y pinagkatiwala
Sa masasama kami'y ipag-adya [KORO]

O Birheng Ina ng Diyos
Pagsinta nami'y lubos
Kay Hesus kami'y akayin
Sa buhay na landasin [KORO]

Handog ng Sambayanan Lyrics

 KORO:
Panginoon, nawa ay tanggapin
sa 'Yong mga kamay itong paghahain
Sa 'Yong kapurihan at dakilang karangalan
Handog ng 'yong sambayanang banal

Butil ng trigo na bunga ng pagsisikap,
kaloob namin sa 'Yo
Handog na ganap, Tinapay ng buhay
Pagkaing dalisay
Sa Iyong alaala, Siya naming alay [KORO]

Bungkos ng ubas na bunga ng paggawa
Iyong tanggapin, marapatin nawa
Alak ng kaligtasan, Inuming walang hanggan
sa Iyong kamatayan, tinubos kaming tanan  [KORO]

Kami nawa'y maging karapat-dapat
Sa paghahandog na aming ginaganap
Iyo sanang tanggapin, nawa ay kalugdan,
awa at pag-ibig nawa ay makamtan [KORO]

Kalakip ng aming mga abang handog,
ang pasasalamat sa Diyos ng lubos
Sa pagkilalang kay Maria ay ipinagkaloob,
Bunga ng kanyang bukal na pagsunod [KORO]

Saturday, November 18, 2023

Ibalik Natin si Kristo sa Pasko Lyrics

 [Verse 1]
Malungkot man ang 'yong pasko
Para bang may kulang pa sa 'yo
Ang pasko ba'y sapatos lang
Laruan, baro at kayamanan
Pasko ba'y ito ang kahulugan?
 
[Chorus]
Sa ating mundo, punong-puno ng ingay
Bigyan natin ng kulay ang pasko
May pag-asa pang naghihintay
Ibalik natin ang kulay
Tanging si Hesus ang buhay
Ang pasko ba sa mundo
Kayamanan at regalo
Ibalik natin si Kristo sa pasko

 [Verse 2]
Hindi ka ba nalilito?
Sa takbo nitong ating mundo
Pasko'y hindi sa yaman lang
Si Hesus iyo nang nalilimutan
Pasko'y siya ang kahulugan
 
 
[Chorus]
Sa ating mundo, punong-puno ng ingay
Bigyan natin ng kulay ang pasko
May pag-asa pang naghihintay
Ibalik natin ang kulay
Tanging si Hesus ang buhay
Ang pasko ba sa mundo
Kayamanan at regalo
Ibalik natin si Kristo sa pasko



Friday, November 3, 2023

Papuri sa Diyos (Solemne Seasons Vol. 2) Lyrics

Jeffrey Ray C. Miguel

Papuri sa Diyos
sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulukdan niya

Pinupuri ka namin
Dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin
Ipinagbubunyi ka namin

Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan

Panginoong Diyos, hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesu Kristo, bugtong na anak
Panginoon Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan, Maawa ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka sa amin

Sapagkat ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang O Hesu Kristo
Ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
ng Diyos Ama, Amen!

Purihin Natin Ang Panginoon Lyrics

 Jerylle P. Bantuan


Purihin natin ang Panginoon!
Purihin Ka ng lahat ngayon!
At ating ihayag ang Kanyang salita
Purihin natin ang Panginoon, magpakailanman

Itatanghal ang 'Yong Pangalan
sa banal Mong tahanan
Ang 'Yong gawa'y papupurihan
Mula ngayon at kailanman

Purihin natin ang Panginoon!
Purihin Ka ng lahat ngayon!
At ating ihayag ang Kanyang salita
Purihin natin ang Panginoon, magpakailanman

Bayang Iyong tinawag,
nagpupuri sa 'Yong buong galak
Kasama ang mahal na Ina
Sa kal'walhatian ng Ama

Purihin natin ang Panginoon!
Purihin Ka ng lahat ngayon!
At ating ihayag ang Kanyang salita
Purihin natin ang Panginoon, magpakailanman


Mabunying Teresita Lyrics

 
1. MUNTING ROSAS
MAGANDANG DILAG,
KAY NINGNING NG
KULAY MO'T BANGO.

ULIRAN KA BUHAY SA
KUMBENTO,
KABANALAN MISYON
MO SA TAO, HANDOG
MO'Y BUHAY, ISIP,
TALINO, INILIGTAS NG
POONG Sl KRISTO

KORO:
MABUNYING, TERESITA
YAMAN AT DANGAL NG
IGLESIYA.
SA IYONG KABANALAN
KAMING TAGASUNOD
MO'Y MAGMANA.

2. AT NIYAKAP MO'Y
KARUKHAAN,
KALU'LWA'T BUHAY SA
KALINISAN,

NAG-AALAB SINTA'T
KASUNURAN,
KABABAANG LOOB NA
TAGLAY, KAY HESUS
TULAD SA KAAMUAN,
PAG-BIG, BUHAY AT
PAGMAMAHAL

3. MGA PARI AY
MINAMAHAL,
PANALANGIN SA
GABI'T ARAW,

HUMAYON SA BUONG
KALUPAAN, ANG BIYAYA
NG 'YONG KAHILINGAN,
NAKILALA ANG POONG
MAYKAPAL, WALANG
HANGGANG
KALUWALHATIAN.

4. PUSO MO'Y
NAPUNO NG HABAG,
SA ISANG TAONG
NAGKASALA.

MATAIMTIM MO SIYANG
PINAGDASAL, NA ANG
PUSO AY MAANTIG,
KAYA IYONG HILING AY
NAKAMTAN,
TAO'Y NAGSISI BAGO
NAMATAY.


5. HINUBOG KA SA
PAGMAMAHAL, NG
MGA MAGULANG
MONG BANAL.

HUWARAN NG MGA
MAG-ASAWA AT
MODELO NG MGA
PAMILYA.
KAMI AY INYONG
IPANALANGIN, SAN LUIS
AT SANTA ZELIE MARTIN

Thursday, October 19, 2023

Aming Ipinahahayag (Solemne Seasons Vol.2) Lyrics

 Jeffrey Ray C. Miguel

Aming ipinahahayag
na namatay ang 'Yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik
Sa wakas upang mahayag sa lahat

Monday, October 16, 2023

Panginoon Kaawaan Mo Kami Lyrics (Misa Solemne 2)

Eugene C. Calimag
Jeffrey Ray C. Miguel

Panginoon kaawaan Mo kami
Panginoon kaawaan Mo kami
Kristo kaawaan Mo kami
Kristo kaawaan Mo kami
Panginoon kaawaan Mo kami
Panginoon kaawaan Mo kami

Saturday, October 14, 2023

Halina Kay Kristo Lyrics

 
Musika at Titik ni Eugene C. Calimag
Pagsasaayos nina Jeffrey Ray C. Miguel
at Eugene C. Calimag

Umawit ng papuri
Hipan natin ang tambuli
Salubungin ang biyaya
kay Kristo Hesus, halina

Sa ating paglalakbay
si Hesus ang s'yang kaagapay
Yakap nya'ng mga dukha,
lahat tayo'y pinagpala

Sa sala tayo'y tinubos
ni Kristo,
Magdiwang at magpuri tayo

Umawit ng papuri
Hipan natin ang tambuli
Salubungin ang biyaya
kay Kristo Hesus, halina

Sa paghihirap natin,
si Hesus ang laging kapiling
Dulot nya ay ginhawa
Sa lahat ng nagdurusa

Ating awitin
"Si Hesus ang laging
pag-asa't kaligtasan natin"

Umawit ng papuri
Hipan natin ang tambuli
Salubungin ang biyaya
kay Kristo Hesus, Halina!
(Halina kay Kristo, halina!)

Saturday, October 7, 2023

The Fount of Blessing Lyrics

Hymn for Preparation of the Gifts
Music by Jeffrey Ray C. Miguel

Take and receive this bread
which will become Your Body
the Bread that for us
was given from the earth
that gives us eternal life

Take and receive these gifts
that we bring to Your altar
We bring them humbly before You
from whom all blessings flow

Take and receive this wine
Which will become Your Blood
The wine that for us was given
From the vine, the Cup of the covenant

Take and receive these gifts
that we bring to Your altar
We bring them humbly before You
from whom all blessings flow

Monday, September 18, 2023

Ina Naming Maria Lyrics

 N.S. Que, SJ
V. Eduave

O Inang Maria, Ika'y aming takbuhan
Sa paglalakbay namin, lagi kang kasama
Sa lungkot at ligaya, bahagi ka, Ina
Sa 'yo iaalay puso nami't kalulwa

Maria, Ina ng Diyos,
Tanglawan mo'ng aming buhay
Yamang ikaw ang tanging lingkod
ng Diyos Ama

Glory to God (Ronaldo J. Raz) Lyrics

 Glory, Glory, Glory to God
in the highest

 And on earth peace to people of good will
We praise you, we bless you, we adore you
we glorify you,
we give you thanks
For your great glory

  Lord God, heavenly King
O God, almighty father,
Lord Jesus Christ
only begotten son

Lord God, Lamb of God,
Son of the Father,
You take away the sins of the world,
Have mercy on us

You take away the sins of the world,
receive our pray'r
You are seated
 at the right hand of the Father
Have mercy on us

For You alone are the holy one,
You alone are the Lord,
You alone are the most High
Jesus Christ with the Holy spirit
in the glory of God the Father
Amen, Amen, Amen

Saturday, September 16, 2023

Psalm 96 (Ronaldo Raz) Lyrics

Give the LORD,
You fam'lies of the peoples,
Give the LORD glory and power;
Give the LORD the glory of his name.

 Bring an offering
And enter His courts;
Worship the Lord, in holy splendor
O tremble before Him, all the earth

Panginoon, Kapatawaran Lyrics

 E.P. Hontiveros, SJ


Panginoon kapatawaran
Sa aming mga makasalanan
Ito’y aming kahilingan
O Kristo kami’y kaawaan

Sa aming mga pagkukulang
Sa aming mga kasamaan

Panginoon kami’y gabayan
At huwag Mong kalilimutan
Pagdating sa Iyong kaharian

Friday, September 15, 2023

Ang Puso Ko'y Nagpupuri Lyrics

 ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI,
NAGPUPURI SA PANGINOON

NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.

1. SAPAGKAT NILINGAP N’YA KABABAAN NG KANYANG ALIPIN

MAPALAD ANG PANGALAN KO SA LAHAT NG MGA BANSA.

2. SAPAGKAT GUMAWA ANG POON NG MGA DAKILANG BAGAY

BANAL SA LUPA’T LANGIT ANG PANGALAN NG PANGINOON.

3. AT KINAHAHABAGAN N’YA ANG MGA SA KANYA’Y MAY TAKOT
AT SA LAHAT NG SALINLAHI ANG AWA NYA’Y WALANG HANGGAN.

4. AT IPINAKITA N’YA ANG LAKAS NG KANYANG BISIG
AT ANG MGA PALALO’Y PINANGALAT NG PANGINOON.

5. IBINULID SA UPUAN ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
ITINAMPOK, ITINAAS ANG MGA MABABABANG-LOOB.

6. AT KANYA NAMANG BINUSOG ANG MGA NANGAGUGUTOM
PINAALIS, WALANG DALA ANG MAYAMANG MAPAGMATAAS.

7. INAMPON N’YA ANG ISRAEL NA KANYANG ALIPING HINIRANG
SA DAKILA N’YANG PAGMAMAHAL AT DALA NG LAKING AWA N’YA.

8. AYON SA IPINANGAKO N’YA SA ATING MGA MAGULANG
KAY ABRAHAM AT LIPI N’YA AT ITO’Y MAGPAKAILANMAN.

9. LUWALHATI SA AMA, SA ANAK, AT SA ‘SPIRITU SANTO
KAPARA NOONG UNANG-UNA, NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.

KODA:
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.

https://youtu.be/-Ys8mSQbZCo?si=4xGKgDXBW6L9MWjv



Saturday, September 9, 2023

Dakila ang Yong Puso (Isang Munting Panalangin) Lyrics



VERSE 1+2

Amang Banal, sa ‘Yo ay aming alay,

Ang tinapay at alak

Para sa ‘min ay magiging si Hesukristong Poon


Tanggapin ang aming kakayanan

Kami ‘Yong sambayanan

Ang mga pinagpaguran sana’y Iyong kalugdan


KORO:

Dakila ang 'Yong puso

Dakila Ka, O Kristo

Sambayanan, kami'y nagpupuri

Sa 'Yong dugo at katawan


VERSE 3+4

Narito handog nami’y tinapay

Tanggapin Mo’t basbasan

Nang sa mi’y maging tinapay na nagbibigay buhay


Narito handog namin ay alak

Tanggapin Mo’t basbasan

Nang sa ‘mi’y maging ang alak na nagbibigay lakas


[REPEAT KORO]


VERSE 5+6

Panginoon, ito ang aming alay

Sa iyong kabanalan,

Tanggapin ang aming isip, buhay at kalayaan


Sa Iyo ang aming katauhang

Pinagbuklod ng ‘Yong katawan;

Handog namin ang aming kalooban na sa ‘Yo nagmumula


[REPEAT KORO]


VERSE 7+8

Tunay ang pag-ibig Mo Kristo,

Liwanag ng aming puso,

Awit nami’y aming alay pasalamat sa ‘ming buhay


Dinggin ang aming panalangin

Magka-isa sa ‘Yong piling;

Kabutiha’y bigyang pansin at ang ali-ta’y alisin


[REPEAT KORO]

Panginoon, Kapatawaran by Hontiveros Chords

 Intro:
Am Dm Am Am

Verse
Am Dm Am Am
Dm Dm B E
Am Dm Am Am
B B E E

Pre-chorus
Dm Dm Am Am
F F E E7

Chorus
A D A A
E E A A
D E A A

Sunday, September 3, 2023

The God of All Grace Lyrics

 Chorus:
The God of all grace has blessed us this day
All of creation joins us in praise;
Lifting our voices, lifting our hearts
To the glory of God forever!

God of power and might,
come into our presence this day
Strengthen us now with a spirit of faith;
We gather in your name

God of mercy and truth,
who brings us from night into day
Nourish our lives with a spirit of hope
And shield us from all fear

God of wondrous love,
Compassion and glory are yours
Come fill our hearts with a spirit of love
The joy we find in you

All the gifts of the Lord
shall flow from the glory of God
Let us proclaim all the wonders we've seen
Give thanks, rejoice and sing

God of water and birth,
renewing the face of the earth;
Healing us now with the Spirit of Christ,
you cleanse us from our sins

Be Not Afraid - Taylor Davis Lyrics

 
Be not afraid, for I have redeemed you
Be not afraid, I've called you by name
My love for you is everlasting,
My love for you shall have no end

When you pass through the waters,
I will surround you
When you pass through the floods,
they will not sweep o'er
When you walk through the fire,
you will not be consumed
You are my child, you are my child
You are so precious to me

You are my child, and I'll love you always
Just hold my hand, and I'll lead you home
When you feel lost, always remember;
I am right here, just call out my name

Friday, June 9, 2023

Tatay - Nathan Dublin - Chords

 

"TATAY"

Composed by: Nathan Dublin


Intro: G D/F# Em Asus A

D    D/F#
Ang isip, ang sabi
Bm        D
"Hindi para sa akin to"
G        D
Ang isip, ang yakag,
Em        A    /G
"Maari pa kong lumayo."


Refrain 1
F#m            Bm
Inaamin ko sa king panaginip
F#m            Bm
Nayanig ang buhay kong dati tahimik
G        A7    F#m    Bsus
Ngunit bakit ngayon, akoy nananabik.
Em
Na ikay aking kalungin.
A
"Tatay" ang iyong tawag sa akin.

G D/F# Em Asus A

D        D/F#
Ang puso, ang kabig,
Bm        D
"Akong magtatanggol sa iyo"
G        D
Ang puso, ang pilit,
Em        A    /G
"Akoy maging sandalan mo."

Repeat Refrain¨1 ---  B

E        E/G#
Ang langit, ang bilin,
C#m7        E
"Hinihintay ka ng mundo"
A        E
Ang langit, ang awit,
F#m7        B
"Dakila ang pangalan mo, (Emmanuel)"



Refrain 2
G#m            C#m7
Inaamin ko sa aking panaginip
G#m7            C#m7
Nayanig ang buhay kong dati tahimik
A        B    G#m7    C#sus
Ngunit bakit ngayon, akoy nananabik.
F#m
Di ka man sa akin galing
B
"Tatay" ang iyong tawag sa akin.


A E/G# F#m E

Sunday, May 7, 2023

O Diyos Tanggapin Mo Lyrics

 Alejandro Consolacion II


O Diyos, tanggapin Mo
Alay namin sa 'Yo
Tinipon sa dambana
Biyaya at pagpapala

Bunga ng aming pagsisikap,
hatid namin sa 'Yong altar
Basbasan Mo't gawing nararapat,
sa pag-ibig Mong matapat

[KORO]


Aning bunga ng mga ubas
At trigong hutil na hinampas,
Ay magiging alak at tinapay;
Tanda ng 'Yong pagmamahal

[KORO]

Saturday, April 15, 2023

Santa Teresita, Aking Gabay Lyrics

Music: Kirby Guevarra
Lyrics: Sheryll Avancena
SATB Arrangement: Dennis Van B. Grospe


Ang bawat isa ay naglalakbay
Humarap sa hamon ng kaniyang buhay
Sino ba ang pwede nating gabay?
Ang halimuyak ba ng rosas na alay mo?

Ang bawat hininga ko ba ay may kahulugan?
Mga yapak mo ba'y dapat ko lang sundan
Kailangan ko ng lahat ng parangal
O sapat na tulad ng puso mong may dangal?

Santa Teresita, bango mo ay pag-asa
Himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin mamuhay
ng buhay sa D'yos inalay

Ang bawat oras na Kaniyang ibinigay
Matagal ko na ba Siyang pinaghihintay
Misyon na dapat simulan
ang mahalin si Hesus magpakailanman


Santa Teresita, bango mo ay pag-asa
Himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin mamuhay
ng buhay sa D'yos inalay

Sa agaw liwanag ng bawat araw
Ngiti at papuri tanging sigaw

Santa Teresita, bango mo ay pag-asa
Himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin mamuhay
ng buhay sa D'yos inalay

Santa Teresita aking gabay sa paglalakbay

Thursday, March 16, 2023

Lord, We Come to You (Delgado) Lyrics

We come to You on this day
with faith, we kneel down to pray
Wash us from our guilt and free us from our sins
Teach us to love You, O Lord

We open our hearts and we praise You, Lord,
by Your cross, You save the world
Forgive us our sins, have mercy on us
Teach us to love You, O Lord

We come to You on this day
with faith, we kneel down to pray
Wash us from our guilt and free us from our sins
Teach us to love You, O Lord
Teach us to love You, O Lord

Kung Saan May Pagmamahalan Lyrics

 

 Musika ni Fr. Angelo "Jing" Caparros

Misa ng Mabuting Pastol

Kung saan may pagmamahalan
Naroroon ang Diyos
Kung saan man pagkalinga
Naroroon ang Diyos

Kung may dal'wa o tatlo
Sa ngalan Niya'y nagtitipon
Ani Hesus "Ako ay Naroon"

Ako ang pagkaing buhay
na galing sa Kalingatan
ang sabi ng Poong Mahal
Ito inyong pagsaluhan, ng kayo'y muling mabuhay

Inumin inihahain, dugo ni Kristong butihin
Hinati-hating pagkain
Katawang alay sa piging
Ni Hesus para sa atin




Kung Saan May Pagmamahalan - Ferdz Bautista Lyrics

Kung saan may pagmamahalan
ay naroroon ang Diyos
Kung saan man nananahan ang pag-ibig
Ay naroroon ang Diyos

Pinag-isa ng Maykapal
sa diwa ng pagmamahal
Tayo ngayo'y nagdiriwang
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay

Lahat tayo'y magmahalan
Upang tayo'y mapitagang makalapit sa Maykapal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay

Kapwa'y pagpaumanhinan
Makisama ng mahusay, patawarin ang kaaway
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay

Alita'y dapat maparam
Sa gagawing pag-aalay
Sa hain ni Kristong banal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay

Kaisa ng mga Banal tayo nawa ay silayan
ng kariktan ng Maykapal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay

Ang ligayang walang hanggan
Ay atin sanang makamtan sa piling ng Poong mahal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay

Sunday, December 18, 2022

O Come O Come Emmanuel 2021 excerpt

 


 

O Come, O Come Emmanuel
and ransom captive Israel
that mourns in lonely exile here
Until the son of God appear
Rejoice! Rejoice! Emmanuel, shall come to thee O Israel

O Come and light the darkness of the world,
Protect and free your people from the cold.
The dawn of grace,
 the warmth of your love
bring forth the joy
and blessings from above.

Rejoice! Rejoice! Emmanuel, shall come to thee O Israel

Tuesday, November 22, 2022

Diyos ay Awitan (Sevilla) Lyrics

 Lumapit tayo sa 'ting Panginoon
Awitan purihin ang batong kublihan
Ang Diyos s'yang tanging lakas
Magpasalamat tayo sa Kanyang harapan
Ang Diyos ay awitan, ating purihin
ng may tuwa at galak

Dakila ang Diyos higit sa sinuman
Na sa Kanyang palad daigdig at kalaliman
Lahat ay Kanya bundok na mataas
Ang dagat at lupa na Kanyang mga nilalang

 Lumapit tayo sa 'ting Panginoon
Awitan purihin ang batong kublihan
Ang Diyos s'yang tanging lakas
Magpasalamat tayo sa Kanyang harapan
Ang Diyos ay awitan, ating purihin
ng may tuwa at galak
 

Friday, October 7, 2022

Aming Alay (Bantuan, Torres) Lyrics

Aming alay, alak at tinapay
Handog sa 'yong dambana
Nagbibigay ng buhay
Nawa'y pabanalin itong handog naming alay
Humarap sa 'Yo
Nag-bibigay pugay

Tinapay at alak na aming pinagpaguran,
bunga ng lupa at ng aming paggawa 

Aming alay, alak at tinapay
Handog sa 'yong dambana
Nagbibigay ng buhay
Nawa'y pabanalin itong handog naming alay
Humarap sa 'Yo
Nag-bibigay pugay

Habag at awa Mo ngayon ay niyayakap upang i-alay
Sa mga dukha Aah

Aming alay, alak at tinapay
Handog sa 'yong dambana
Nagbibigay ng buhay
Nawa'y pabanalin itong handog naming alay
Humarap sa 'Yo
Nag-bibigay pugay

Wednesday, July 20, 2022

Kapuri-puri Lyrics

 Misa Delgado

Kapuri-puri ang ating D'yos Amang
lumikha ng lahat
Sa Iyong kagandahang loob narito ang aming alay

Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
Ang tinapay na ito ay magiging pagkaing nagbibigay buhay
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at kailan pa man

Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
Ang alak na ito ay magiging inumin nagbibigay lakas
Kapuri-puri ang Poong Maykapal
Ngayon at kailan pa man

STILL WE SING ALLELUIA Lyrics

Music and lyrics by Paulo K Tiról
 
Through flowing tears: Alleluia.
Through growing fears: Alleluia.
Through the weariness of now,
we still find the voice somehow
to sing Alleluia.
Still we sing Alleluia.
 
When joy runs thin: Alleluia.
When hurt sets in: Alleluia.
When our days are long and rough,
still, our faith is cause enough
to sing Alleluia.
So we sing Alleluia.
 
For the Lord has risen and conquered sin,
in him we know
that light and life and love shall win.
And so,
 
with one thing sure, Alleluia,
one word endures: Alleluia!
What gives meaning to our days
but to lift our hearts in praise
as we sing Alleluia?
Yes, we sing Alleluia!
 
In fading light: Alleluia.
In deep’ning night: Alleluia.
At the hour of our death,
with our last remaining breath,
let us sing, Alleluia!
Alleluia!
Still we sing Alleluia.

Saturday, April 30, 2022

Ang Espiritu ng Panginoon Lyrics

 Sumasaakin ang espiritu ng Panginoon
Ako'y hinirang Niya upang tumugon
Sa daing ng mga aba at ihatid sa mga dukha
Ang magandang balita ng kaligtasan

Sinugo ako upang ipahayag
Ang kalayaan sa mga bihag
Bigyang paningin ang mga bulag
Dalhin ang nasa dilim sa may liwanag

Sumasaakin ang espiritu ng Panginoon
Ako'y hinirang Niya upang tumugon
Sa daing ng mga aba at ihatid sa mga dukha
Ang magandang balita ng kaligtasan 

 Ang inaapi at mga sinisiil
Ay hahanguin sa mga hilahil
Ipapahayag ang pasapit ngayon
Ng tanging pagliligtas ng Panginoon 

Sumasaakin ang espiritu ng Panginoon
Ako'y hinirang Niya upang tumugon
Sa daing ng mga aba at ihatid sa mga dukha
Ang magandang balita ng kaligtasan

Thursday, March 3, 2022

Ako'y Kaawaan O Mahal Kong Diyos (Morales, del Rosario) Lyrics

Ako'y Kaawaan O Mahal Kong Diyos
Bill Kevin Del Rosario
Jim Charles Morales

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos
Sang-ayon sa ‘Yong kagandahang loob
Mga sala ko’y Iyong linisin
Ayon din sa pag-ibig Mo sa akin

Bubuksan aking puso’t isipan
Pagsalansang ko’y aking kinikilala
Patawarin yaring kasalanan

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos
Sang-ayon sa ‘Yong kagandahang loob
Mga sala ko’y Iyong linisin
Ayon din sa pag-ibig Mo sa akin

Pusong tapat sa 'kin ay likhain,
Ako ay bigyan Mo ng bagong damdamin
Sa harap Mo'y h'wag akong alisin

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos
Sang-ayon sa ‘Yong kagandahang loob
Mga sala ko’y Iyong linisin
Ayon din sa pag-ibig Mo sa akin

Tuesday, February 8, 2022

Si Hesus na Poong Sinta Lyrics

Si Hesus na Poong sinta naghanda
ng palaganang may tubig at ng tuwalya
Upang hugasan ang mga paa
ng mga alagad niya

Huhugasan po ba ninyo
ang paa ko O Panginoon?
Kung di ko gagawin ito
ay di ka makakasalo sa akin
lingid sa pang-unawa mo ngayon
ang minimithi ko
at matatanto mo rin ang ibig sabihin nito
Panginoon ninyo ako na naghugas sa paa ninyo
Dapat n'yo rin gawin ito
Sa kapwa ninyo sa grupo
Gayundin sa ibang tao

Si Hesus na Poong sinta naghanda
ng palaganang may tubig at ng tuwalya
Upang hugasan ang mga paa
ng mga alagad niya

Huhugasan po ba ninyo
ang paa ko O Panginoon?
Kung di ko gagawin ito
ay di ka makakasalo sa akin
lingid sa pang-unawa mo ngayon
ang minimithi ko
at matatanto mo rin ang ibig sabihin nito
Panginoon ninyo ako na naghugas sa paa ninyo
Dapat n'yo rin gawin ito
Sa kapwa ninyo sa grupo
Gayundin sa ibang tao

Kapag umiral sa inyo
Ang dakilang pag-ibig Ko
Makikilala ng tao na alagad Ko nga kayo
Ang bagong utos ko ngayon mag-ibigan sana kayo
Katulad ng ginawa kong pagmamahal sa n'yo
Ang pag-ibig ang pag-asa at ang pananampalataya
Sa inyo'y umiral sana Ang pinakamahalaga
Pag-ibig at walang iba!

Si Hesus na Poong sinta naghanda
ng palaganang may tubig at ng tuwalya
Upang hugasan ang mga paa
ng mga alagad niya

 

Saturday, December 4, 2021

Batobalani ng Puso Lyrics

Doon sa syudad ng Sugbo
Ang marilag mong larawan
Sa isang bahay natagpuan
Ng mga unang misyonero
Ang dakila mong pag-ibig
Nahayag sa kanilang dibdib (Repeat Koro)

Niluhuran ka't sinamba
Ng mga kaparian
Ng lahat ng mga tao
At mga pinunong bayan
At sa pagtitig sa Iyo
Ginawa Mo silang Kristiyano (Repeat Koro)

Ang simbahan ay itinayo
Ng maraming mga tao
Upang ang iyong larawan
May tahanang matuluyan
At isang dalangin nila
Na tulungan Mo sa tuwina (Repeat Koro)

Dalangin namin sa Iyo
Sa marilag mong larawan
Sa aming puso't isipan
Ay maging Iyong tahanan
Lahat ng pangangailangan
Ikaw ang aming takbuhan
Sa amin maawa ka sana
Na sa Iyo ay umaasa
Sa amin maawa ka sana
Na sa Iyo ay umaasa (Repeat Koro)

Koro:
Sa amin maawa ka sana
Na sa iyo ay umaasa
Sa amin maawa ka sana
Na sa iyo ay umaasa
 

Friday, December 3, 2021

Pasasalamat (Delgado 3)

Salamat Sa'yong biyaya
Sa mabuting balitang dala
Ipapamahagi Iyong pagpapala
Pag-ibig na aming nadama

Magpuri at magpasalamat
Darating ang Diyos ng lahat
Magniningning sa sanlibutan
Liwanag ng Kanyang ngalan

Saturday, November 6, 2021

Umawit at Magpuri Lyrics

Halina tayong lahat ay umawit
sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita ang dakilang pag-ibig ng Diyos

Nilikha N'ya ang sanlibutan at ang buong kalikasan
mabuti ang lahat ng ginawa, pinagyaman at pinagpala

Ang tao'y kanyang nilalang, kalarawa't kawangis Niya,
at kahit hindi naging tapat ay kanya pa ring minamahal

Halina tayong lahat ay umawit
sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita ang dakilang pag-ibig ng Diyos

Panaho'y nagkaroon ng kaganapan, nang ang salita' naging laman
Naparito at nakipamuhay, sa mga dukha makasalanan,
Ang buhay Ny'ay inialay, nang sa krus ay mamatay
At S'yay muling nabuhay, nang tayo'y mapag-isa sa Ama

Halina tayong lahat ay umawit
sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita ang dakilang pag-ibig ng Diyos

 Isinugo ng Panginoon, ang kanyang Espiritung banal
Upang sa ati'y ipaalala, na Sya'y kapiling sa twina
S'ya sa atin ay gumagabay, sa liwanag ng binibigay
Pinag-iisa at pinagtitipon, bilang bayan ng Panginoon

Halina tayong lahat ay umawit
sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita ang dakilang pag-ibig ng Diyos

Friday, August 13, 2021

Awit ng Kapayapaan Lyrics

 Joselito Jopson


Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman

O D'yos, igawad Mo sa hari ang Iyong hatol
Sa kanyang mga anak, ang katarungan Mo
Ang bayan Mo'y hukuman sa katarungan,
Ang mga bansa nang may katuwiran

Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman

Ang mga bundok nawa'y dalhin ang kapayapaan,
At mga kapatagan, katarungan sa lahat
Ang mga aba nawa'y ipagtanggol Niya
At dulutan ng ginhawa ng mga anak

Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman

Maghahari ang katarungan sa kanyang panahon,
At ang kapayapaan ay di magtatapos
Sa mga karagatan,
Siya'y mamumuno simula ilog hanggang sa dulo ng mundo

Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman

Nawa'y papurihan ang dakilang ngalan Niya,
Tulad ng dakilang araw, magpakailanman
Basbasan Niya ang lahat ng sangkatauhan,
At mga bansa'y pupurihin ang ngalan N'ya

Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman

Monday, June 28, 2021

Forever I Will Sing Lyrics

 Fr. Giuseppe-Pietro Arsciwals-OP

Forever I will sing of the goodness of the Lord
Forever I will sing of your love
Forever will I sing


The favors of the Lord
(I will always sing Your praise)
I will sing forever
(till the end of time O Lord)


Through all generations
(I will raise my voice)
I’ll sing with exultation
(and worship only you)


You have said, “My kindness if forever”
In heaven you’ve confirmed your love

Forever I will sing of the goodness of the Lord
Forever I will sing of your love
Forever will I sing

I’ve made a covenant
(I have made My vow to you)
With my chosen people
(I will never leave your side)

I’ve sworn to David
(My faithful one)
My faithful servant
(I will be your guide)
I’ll maintain My kindness to him forever will my promise stand firm


Forever I will sing of the goodness of the Lord
Forever I will sing of your love
Forever will I sing
Forever I will sing


He shall say of me
(You are my Lord)
You are my Father
(You keep me safe and warm)


My God, my Rock
(Keep me all my days)
My salvation
(Keep me from all harm)
I’ll confirm your posterity and make your throne forevermore


Forever I will sing of the goodness of the Lord
Forever I will sing of your love
Forever will I sing
Forever will I sing




Friday, June 25, 2021

As the Deer (Bernadette Farrell) Lyrics

Chorus:
As the deer yearns for water,
so have I longed for You
Only in you, the living God,
resting my whole life through

Verse 1:
Thirsting for you, my God
Knowing your truth within me
When can I see you as you are
God of my life?

Verse 2:
Tears have become my bread
Tears every night and morning
Questioning voices all day long;
Where is your God?

Verse 3:
Why so cast down, my soul?
Why do you groan within me?
Hope in God and praise him still,
Savior and God

Verse 4:
Every new day you send me
All your loving kindness
Through every night I sing your praise,
God of my life!

Saturday, May 8, 2021

Nawa'y Mamutawi (Salmo 70) Lyrics

Nawa'y mamutawi sa aking mga labi
ang pagpupuri sa 'Yo
Nawa'y mamutawi sa aking mga labi
ang pagpupuri sa 'Yo

Ika'y moog na takbuhan
Kandili ko at kanlungan
Aking Diyos ako'y 'Yong sagipin
Sa kuko ng imbi't maniniil

Nawa'y mamutawi sa aking mga labi
ang pagpupuri sa 'Yo

Ihahayag 'Yong kabanalan
At tangi Mong kapangyarihan
Tinuruan sa 'king pagkabata
Ng pagpuri sa 'Yong paglikha

Nawa'y mamutawi sa aking mga labi
ang pagpupuri sa 'Yo

Pagka't Ikaw ang pag-asa
Mula pa sa pagkabata
Mula pa sa 'king pagsilang
Ika'y patnubay ko't lakas

Nawa'y mamutawi sa aking mga labi
ang pagpupuri sa 'Yo
Nawa'y mamutawi sa aking mga labi
ang pagpupuri sa 'Yo

Monday, May 3, 2021

Flores De Mayo Lyrics

O Ina ng madla. Batis ka ng awa
O Maria, sa iyo aming inialay
Pagmamahal at galak, sapagkat gumawa
sa iyo ang Makapangyarihan ng mga
hiwaga at tinuring kang aming Ina

O Ina ni Kristo, kami ay iyong samahan
Sa pagpapasalamt sa Diyos na butihing Ama
Salamat sa Diyos na butihing Ama!

O Ina ng madla. Batis ka ng awa
O Maria, sa iyo aming inialay
Pagmamahal at galak, sapagkat gumawa
sa iyo ang Makapangyarihan ng mga
hiwaga at tinuring kang aming Ina

Tanggapin aming alay, magagandang bulaklak,
na silang sagisag ng 'yong tanging kagandahan,
sagisag ng iyong tanging kagandahan

O Ina ng madla. Batis ka ng awa
O Maria, sa iyo aming inialay
Pagmamahal at galak, sapagkat gumawa
sa iyo ang Makapangyarihan ng mga
hiwaga at tinuring kang aming Ina