Umawit sa Diyos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila
Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
Pagkat yaong ginawa N'ya ay kahanga-hangang tunay
Sa sariling lakas N'ya at taglay na kabanalan,
Walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay
Ang tagumpay N'yang ito'y S'ya na rin ang naghayag,
Sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos Niyang tinupad
Tapat S'ya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos, kahit saan ay namalas.
Magkaingay na may galak yaong lahat sa daigdig,
Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit
Wednesday, November 22, 2023
Salmo 97 Misa Purisima Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment