Joselito Jopson
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
O D'yos, igawad Mo sa hari ang Iyong hatol
Sa kanyang mga anak, ang katarungan Mo
Ang bayan Mo'y hukuman sa katarungan,
Ang mga bansa nang may katuwiran
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
Ang mga bundok nawa'y dalhin ang kapayapaan,
At mga kapatagan, katarungan sa lahat
Ang mga aba nawa'y ipagtanggol Niya
At dulutan ng ginhawa ng mga anak
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
Maghahari ang katarungan sa kanyang panahon,
At ang kapayapaan ay di magtatapos
Sa mga karagatan,
Siya'y mamumuno simula ilog hanggang sa dulo ng mundo
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
Nawa'y papurihan ang dakilang ngalan Niya,
Tulad ng dakilang araw, magpakailanman
Basbasan Niya ang lahat ng sangkatauhan,
At mga bansa'y pupurihin ang ngalan N'ya
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon,
kapayapaan magpakailanman
No comments:
Post a Comment