KORO:
Magalak! Magdiwang sa Birheng dakila!
Magalak! magdiwang! Bayang hinirang
Ipagbunyi si Maria Birheng Immaculada
Ating Ina at Patrona
O Birheng puspos ng biyaya
Bukod tangi ang ganda
Aming dalangi'y dinggin
Kami'y gabayan at kalingain [KORO]
O Birheng dalisay at dakila
Aming lakas at tuwa
Aming buhay sa'yo'y pinagkatiwala
Sa masasama kami'y ipag-adya [KORO]
O Birheng Ina ng Diyos
Pagsinta nami'y lubos
Kay Hesus kami'y akayin
Sa buhay na landasin [KORO]
No comments:
Post a Comment