VERSE 1+2
Amang Banal, sa ‘Yo ay aming alay,
Ang tinapay at alak
Para sa ‘min ay magiging si Hesukristong Poon
Tanggapin ang aming kakayanan
Kami ‘Yong sambayanan
Ang mga pinagpaguran sana’y Iyong kalugdan
KORO:
Dakila ang 'Yong puso
Dakila Ka, O Kristo
Sambayanan, kami'y nagpupuri
Sa 'Yong dugo at katawan
VERSE 3+4
Narito handog nami’y tinapay
Tanggapin Mo’t basbasan
Nang sa mi’y maging tinapay na nagbibigay buhay
Narito handog namin ay alak
Tanggapin Mo’t basbasan
Nang sa ‘mi’y maging ang alak na nagbibigay lakas
[REPEAT KORO]
VERSE 5+6
Panginoon, ito ang aming alay
Sa iyong kabanalan,
Tanggapin ang aming isip, buhay at kalayaan
Sa Iyo ang aming katauhang
Pinagbuklod ng ‘Yong katawan;
Handog namin ang aming kalooban na sa ‘Yo nagmumula
[REPEAT KORO]
VERSE 7+8
Tunay ang pag-ibig Mo Kristo,
Liwanag ng aming puso,
Awit nami’y aming alay pasalamat sa ‘ming buhay
Dinggin ang aming panalangin
Magka-isa sa ‘Yong piling;
Kabutiha’y bigyang pansin at ang ali-ta’y alisin
[REPEAT KORO]
No comments:
Post a Comment