[Verse 1]
Malungkot man ang 'yong pasko
Para bang may kulang pa sa 'yo
Ang pasko ba'y sapatos lang
Laruan, baro at kayamanan
Pasko ba'y ito ang kahulugan?
[Chorus]
Sa ating mundo, punong-puno ng ingay
Bigyan natin ng kulay ang pasko
May pag-asa pang naghihintay
Ibalik natin ang kulay
Tanging si Hesus ang buhay
Ang pasko ba sa mundo
Kayamanan at regalo
Ibalik natin si Kristo sa pasko
[Verse 2]
Hindi ka ba nalilito?
Sa takbo nitong ating mundo
Pasko'y hindi sa yaman lang
Si Hesus iyo nang nalilimutan
Pasko'y siya ang kahulugan
[Chorus]
Sa ating mundo, punong-puno ng ingay
Bigyan natin ng kulay ang pasko
May pag-asa pang naghihintay
Ibalik natin ang kulay
Tanging si Hesus ang buhay
Ang pasko ba sa mundo
Kayamanan at regalo
Ibalik natin si Kristo sa pasko
No comments:
Post a Comment