ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI,
NAGPUPURI SA PANGINOON
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.
1. SAPAGKAT NILINGAP N’YA KABABAAN NG KANYANG ALIPIN
MAPALAD ANG PANGALAN KO SA LAHAT NG MGA BANSA.
2. SAPAGKAT GUMAWA ANG POON NG MGA DAKILANG BAGAY
BANAL SA LUPA’T LANGIT ANG PANGALAN NG PANGINOON.
3. AT KINAHAHABAGAN N’YA ANG MGA SA KANYA’Y MAY TAKOT
AT SA LAHAT NG SALINLAHI ANG AWA NYA’Y WALANG HANGGAN.
4. AT IPINAKITA N’YA ANG LAKAS NG KANYANG BISIG
AT ANG MGA PALALO’Y PINANGALAT NG PANGINOON.
5. IBINULID SA UPUAN ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
ITINAMPOK, ITINAAS ANG MGA MABABABANG-LOOB.
6. AT KANYA NAMANG BINUSOG ANG MGA NANGAGUGUTOM
PINAALIS, WALANG DALA ANG MAYAMANG MAPAGMATAAS.
7. INAMPON N’YA ANG ISRAEL NA KANYANG ALIPING HINIRANG
SA DAKILA N’YANG PAGMAMAHAL AT DALA NG LAKING AWA N’YA.
8. AYON SA IPINANGAKO N’YA SA ATING MGA MAGULANG
KAY ABRAHAM AT LIPI N’YA AT ITO’Y MAGPAKAILANMAN.
9. LUWALHATI SA AMA, SA ANAK, AT SA ‘SPIRITU SANTO
KAPARA NOONG UNANG-UNA, NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.
KODA:
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.
https://youtu.be/-Ys8mSQbZCo?si=4xGKgDXBW6L9MWjv
Friday, September 15, 2023
Ang Puso Ko'y Nagpupuri Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment