Thursday, September 19, 2024

Buhay Ko, Para Sa 'Yo Lyrics

Jerry Olaguer



Kay ningning ng buhay

na aking tinataglay

Kayamanang tunay at wala nang kapantay


buhay na makulay,

madilim man kung minsan

Sa Iyo Panginoon aking iaalay


Buhay ko'y sa 'Yo

Panginoon ko,

Buhay kong sadyang

Nilaan para sa' Yo


Ang ngayo'y di bukas, 

bukas na katanungan 

Sana ay tulutang kasaguta'y makamtan


Sa gitna ng panganib

sa makitid na daan

Tangan ko'y lakas at tiwalang ika'y sundan


Buhay ko'y sa 'Yo

Panginoon ko,

Buhay kong sadyang

Nilaan para sa' Yo


Buhay ko'y sa 'Yo

Panginoon ko,

Buhay kong sadyang

Nilaan para sa' Yo


Para sa 'Yo

Ikaw, Yahweh ang Panginoon Lyrics

(Angono) - Musika: Ethel Lynn G. Miranda


Nilikha Mo'ng langit kung pagmamaasdan

Pati mga tala, bituin at b'wan

Ano nga ba ang tao upang 'Yong alalahanin?

no nga s'ya na sukat Mo'ng kalingain


Nilikha Mo s'ya na halos kapantay

ng 'Yong luningning at kadakilaan

Ano nga ba ang tao upang 'Yong alalahanin?

Ano nga s'ya na sukat Mong kalingain?


Ikaw, Yahweh ang Panginoon

Ang matibay na moog

Hanggang langitIkaw ay pupurihin,


Ikaw, Yahweh ang Panginoon,

Ang buong mundo'y iyo

Ang kadakilaan Mo'y

Karangalan ng tao


Wednesday, September 4, 2024

Banal Mong Puso Lyrics

 Ito ang aking Katawa't Dugo,
Taglay ang aking sugatang Puso,
Na inihahandog ng dahil sa inyo,
Tugon ng pag-ibig ang tanging hanap Ko

Masdan ang Pusong tanging nagmamahal
Hindi S'ya nagkait ng anuman,
Maging sa pagdurusa at kamatayan
Naggawad pa ng kapatawaran

Bukal ng kabanalan at pag-ibig
O patawarin ang aming paglalamig;
Tunawin ang matitigas naming dibdib
Idarang ang puso sa Banal Mong init

Itulad Mo sa 'yo aming puso
Upang loob Mo sa 'mi'y tumubo:
Sakit Mo at sakit nami'y di magkalayo,
Pag-ibig sa kapwa'y lalong lumago

Monday, September 2, 2024

Papuri sa Diyos (Ang Pista ng Sambayanan) Lyrics

 Papuri sa Diyos sa kaitaasan

At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan

Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka sa amin

Sapagka't ikaw lamang ang Banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang o Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!

Amen!

Sunday, September 1, 2024

Lord We Bring To You (Lester Delgado) Lyrics

 Lord, we bring to you
The bread of life
We offer to you
Bless them with your spirit
And together we will eat it

Lord we bring to you
The cup of joy
We offer them too
Bless them with your spirit
And together we will drink it


We lift to You this sacrifice
We offer it for your glory
Transform them to your body and blood
The source of our salvation
A symbol of your love

Alleluia (Misa Delgado 1) Chords

 Intro: E   A/C#   B/D#   C#m   F#m   B   E

E   A/C#   B/D#   E
A   B    E     B
E/G#    A   B    C#m
A     B     C#m
F#m     B    E

Thursday, August 22, 2024

Festive Praise Lyrics

 Sing to the Lord, a song of praise

a wonderful, marvelous song

Sing to the Lord, with joy in your heart,

a wonderful, marvelous song



Alleluia, alleluia, alleluia, Amen!

Alleluia, alleluia, alleluia, Amen!


Come, come, rejoice as you sing

You will lift up your voices in praise

and thanksgiving to God

Sing all of the heavens, sing of the glory of God

Sing all of the earth, rejoice!

Sing of the glory, the marvelous glory of God.


[chorus]


Sing a new song with the lute and the harp

Make melody with the sound of the lyre,

with the lyre

it is good to give thanks to the Lord,

sing praises, O rejoice and be glad

for the Lord is our God 


[chorus]

[Alleluia]

[come come rejoice]

[chorus]


Alleluia, alleluia, alleluia, Amen!

Alleluia, alleluia

Sing to the Lord, sing to the Lord,

sing to the Lord, a marvelous song!

Ama Namin (Solemne, Consolacion) Lyrics

 Ama namin sumasalangit Ka

Sambahin ang ngalan Mo

Mapasaamin ang kaharian Mo

Sundin ang loob Mo

Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan Mo po kami ngayon

Ng aming kakanin sa araw-araw

At patawarin Mo po kami

Sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin

Sa nagkakasala sa amin

At huwag Mo kaming ipahintulot

Sa tukso at iadya Mo po kami

Sa lahat ng masama


Sapagkat Iyo ang kaharian at ang kapangyarihan

At ang kapurihan, magpakailanman

Ama Namin + Sapagkat (Misa ng Arsobispo) Lyrics

Ama namin sumasalangit Ka

Sambahin ang ngalan Mo

Mapasaamin ang kaharian Mo

Sundin ang loob Mo

Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan Mo kami ngayon

Ng aming kakanin sa araw-araw

At patawarin Mo kami

Sa aming mga sala

Para ng pagpapatawad namin

Sa nagkakasala sa amin

At huwag Mo kaming ipahintulot

Sa tukso at iadya Mo kami

Sa lahat ng masama


Sapagkat Iyo ang kaharian at ang kapangyarihan

At ang kapurihan, magpakailanman Amen!

Monday, August 12, 2024

Masdan, Pari ng Panginoon Lyrics

 
Masdan ninyo ang Pari ng Panginoon
Tagapaglingkod ng Bayan ng Diyos
Halina, o Bayan magpasalamat
sa biyayang ating tinanggap

Pinili mula sa bayan
Upang magpahayag ng salita ng D'yos
Mag-alay ng haing kalugod-lugod sa D'yos
[KORO]

Sinugo upang maghilom,
ihayag ang awa at pagmamahal
Pag-asa, kapayapaan, pagpapala ng Diyos
[KORO]

Saturday, July 13, 2024

Make Me Your Servant Lyrics

All I need, all my life 
is You, my Lord
There's nothing more 
I want than to be with You,
Lord, all I want 
all my life is to give myself to You
that I may be a servant like You

All You wanted all Your life
was to serve me, Lord
You gave Yourself to me
unselfishly
You know, my Lord, 
I've nothing to give You in return
But here I am, I am Yours

Make me Your servant, O Lord
I want to follow your footsteps
show me the way
Open my eyes, cleanse my heart, take my life
Use me, Lord, for I am Your servant

All You wanted all Your life
was to serve me, Lord
You gave Yourself to me
unselfishly
You know, my Lord, 
I've nothing to give You in return
But here I am, I am Yours

Make me Your servant, O Lord
I want to follow your footsteps
show me the way
Open my eyes, cleanse my heart, take my life
Use me, Lord, for I am Your servant

Make me Your servant, O Lord
I want to follow your footsteps
show me the way
Open my eyes, cleanse my heart, take my life
Use me, Lord, Take me Lord 
Make me Lord a servant like You 
Like You 
Make me Your servant

Tuesday, July 9, 2024

Banyuhay (Esteban) Lyrics

 Mula sa mga butil na humitik ng uhay,
Natipong mga trigo'y sa tinapay nagwawakas

KORO:
Pinagpaguran ng lipak na kamay
At ng pawis na sa noo'y nunukal
Tanging sa Iyo lamang inialay
Sagisag na walang kapantay

Mula sa mga banging, ng kinumpol na ubas,
Inaning mga bunga ang katas ay naging alak
[ulitin ang KORO]

Sa dugo at katawan ni Hesus na minamahal
Ang tinapay at alak ngayo'y babanyuhay
[ulitin ang KORO]

Hiwaga ng pag-ibig, Handog sa ating lahat
Upang maging panlunas ng pusong naghihintay
[ulitin ang KORO]

Saturday, June 22, 2024

Humayong Mapayapa Lyrics

Humayong mapayapa
Bayang umaawit
Pag-ibig ni Kristo sa kapwa ihatid
Magpuri ang langit at pula,
Magalak sa pag-asang nabatid

Humayo't ibalita,
kaligatasan ay sumapit
Ang Diyos ay purihin,
liwanag ng buong daigdig!

Verse 1:

Panginoon ay lagi nating purihin
Tinawag Niya tayo sa Kanyang piging
Huwag mangamba, pangako ng Diyos,
Siya'y lagi nating kapiling

Verse 2:

Pasasalamat sa puso ay aawitin,
Kanyang mga likha, biyaya sa 'tin
Butihin ang Diyos, hindi nagkukulang
Siya'y laging sumasaatin

Humayong mapayapa
Bayang umaawit
Pag-ibig ni Kristo sa kapwa ihatid
Magpuri ang langit at pula,
Magalak sa pag-asang nabatid

Humayo't ibalita,
kaligatasan ay sumapit
Ang Diyos ay purihin,
liwanag ng buong daigdig!

Ang Diyos ay purihin,
(Ang Diyos ay purihin)
Liwanag ng buong,
(Liwanag ng buong)
Daigdig!

Monday, June 3, 2024

Tayo Na't Dumalaw Lyrics

 Villancico: Vamos Pastores Vamos
T.M. Ofrasio, SJ

Tayo na at dumalaw
Doon sa Belen
Sa Belen isinilang ating kaligtasan,
Sa Belen isinilang ating kaligtasan,
Sa Belen isinilang ating kaligtasan

Atin nang kaligtaan
Ang mga hidwaan
Pagka't ngayon ay araw ng
Ating kaligtasan

Ihandog nati'y pusong
Puspos pagmamahalan
Doon sa Sanggol sa Belen
Hari sa sabsaban

Ihandog nati'y pusong
Puspos pagmamahalan
Doon sa Sanggol sa Belen
Hari sa sabsaban

Hari sa sabsaban, ay! 

Tayo na at dumalaw
Doon sa Belen
Sa Belen isinilang ating kaligtasan,
Sa Belen isinilang ating kaligtasan,
Sa Belen isinilang ating kaligtasan

Ang ating kaligtasan,
Ang ating kaligtasan,
Ang ating kaligtasan sa Belen!

Tuesday, May 21, 2024

Isang Pag-aalay (Marcelo/Bautista) Lyrics

 Ang aming pag-aalay ng alak at tinapay
nawa'y maging iyong dugo't katawan,
pagkain ng buhay

Aming isasalo sa banal na alay mo,
Kaunti naming nakayanan at pagtulong,
Pag-asa ng buhay

Tanggapin ang alay,
O Ama kalugdan Mo,
mula sa 'Yong Anak, Bugtong Mong Anak
Biyaya ng buhay
Isang pag-aalay sa Diyos ng buhay

Friday, May 10, 2024

Ang Poo'y Umakyat sa Kalangitan (Ferdinand Bautista) Lyrics

Ang Poo'y umakyat sa kalangitan,
Aleluya, aleluya!
Siya'y naluklok sa kanan ng Ama,
Aleluya, aleluya!

O Diyos ako'y handa na
na magpuri at umawit ng awiting masigla!
Gumising ka kaluluwa!
Gumising ka at magsaya! (REFRAIN)

Pag-ibig mong walang maliw
ay abot sa kalangitan!
Nadarama sa itaas
ang lubos Mong katapatan! (REFRAIN)

Sa ibabaw ng mga langit
Ikaw ay itinanghal,
At dito naman sa daigdig
Ay ang Iyong kapurihan! (REFRAIN)

Umaakyat sa Kalangitan Lyrics

Umaakyat sa kalangitan, si Hesus
na ating mahal, kasabay ng
pagtunog ng mga trumpeta sa
kalangitan.

Habilin ng panginoon, na tayo ay
humayo, at ihayag, at ihayag ang
dulot niyang kaligtasan.

Habilin ng panginoon na
Binyaganang tanan! Sa ngalan ng
Ama, sa ngalan ng Anak at ng
Espiritu Santo, Amen Alleluya!
 

Friday, May 3, 2024

Dios te Salve Maria Lyrics (Hontiveros)

 Dios te salve, Maria.
Llena eres de gracia:
El SeƱor es contigo.
Y bendita tĆŗ eres entre todas las mujeres
Y bendito es el fruto de tu vientre: JesĆŗs.
Santa MarĆ­a, Madre de Dios,
ruega por nosotros pecadores,
ahora y en la hora de nuestra muerte.
AmƩn.

Aba Ginoong Maria,
Napuno ka ng grasya
Ang Panginoong Diyos
ay sumasaiyo

At bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat
Pinagpala rin naman
Ang 'yong Anak si Jesus

Santa Maria Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming
Makasalanan ngayon
At kung kami'y mamatay, Amen

At kung kami'y mamamatay,
Amen Amen

Thursday, March 7, 2024

Ang Pagkabuhay ni Hesus Lyrics

 Misa Delgado IV


Ating sundin, ating dinggin
Ating ipagmalaki
Na si Hesus ay ating D'yos
Ang tunay na kaligtasan

Magalak pagkat S'ya'y nabuhay
Tinubos ang sanlibutan
Awitan natin ng Aleluya
Ipamahagi ang kaligtasan

Nagdiriwang sa langit mga anghel na banal
At sa lupa'y manalangin at magpuri sa Ama
Ipinangakong kaligtasan ay narito na
Sa pagkabuhay ni Hesus ay ating nadama

[piano interlude]

Ating sundin, ating dinggin
Ating ipagmalaki
at tanggapin biyaya ng D'yos
Pangako N'yang kaligtasan

Magalak sa pagkabuhay
ni Hesus na Kanyang anak
Awitan natin ng Aleluya
Ipamahagi ang kaligtasan

Nagdiriwang sa langit mga anghel na banal
At sa lupa'y manalangin at magpuri sa Ama
Ipinangakong kaligtasan ay narito na
Sa pagkabuhay ni Hesus ay ating nadama

Saturday, February 24, 2024

Kahit Hindi na Takipsilim Lyrics

Fr. Carlo Magno Marcelo

Minsan isang takipsilim

May nagdiwang at may naghalin

ng tinapay at alak

pagkaing nagmula sa langit


Minsan isang takipsilim

May lumuhang nananalangin

Ang tadhana'y huwag mangyari

Ngunit kung nais s'yang tutupdin


Kasama-sama natin Siya

Ang puso nati'y babaguhin

Ang hain niya ay tanggapin

Kahit hindi na takipsilim


Nawa'y maging isa lahat

Ito'y kanyang huling habilin

Sa pagmamahal ninyo

ang mundo'y magbabago


Siya ay nasa Salita

at lihim Siya sa Sakramento

Makikita sa ating kapwa

Ano pa't sa mukha ng mga dukha


Kasama-sama natin Siya

Ang puso nati'y babaguhin

Ang hain niya ay tanggapin

Kahit hindi na takipsilim


Minsan isang takipsilim

May nagdiwang at may naghalin

ng tinapay at alak

pagkaing nagmula sa langit


Minsan isang takipsilim

May lumuhang nananalangin

Ang tadhana'y huwag mangyari

Ngunit kung nais s'yang tutupdin


Kasama-sama natin Siya

Ang puso nati'y babaguhin

Ang hain niya ay tanggapin

Kahit hindi na takipsilim


Friday, February 23, 2024

Papuri sa Diyos (Misa Birhen ng Antipolo) Lyrics

 Misa Birhen ng Antipolo
Alejandro D. Consolacion


Gloria, Gloria, in excelsis Deo
Gloria, Gloria, in excelsis Deo

At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking Kapurihan

Panginoong Diyos, Hari ng Langit
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin, Maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka sa amin, Maawa Ka sa amin

Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang O Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
 ng Diyos Ama, Amen!

Amen, Amen, Amen
Amen, Amen, Amen
Amen, Amen, Amen, Amen, Amen!

Tuesday, February 13, 2024

Sa Dalisay na Pagmamahal Lyrics

Awit para sa Paghahanda ng Alay
o Awit sa Pakikinabang (Huwebes Santo)
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II

(from Ubi Caritas)

Sa dalisay na pagmamahal
naruon ang Diyos, nananahan
Sa pag-ibig at pagmamahal,
naruon ang Diyos, nananahan

Tinipon tayo ni Kristo
sa pagmamahal Niyang tapat
Magalak tayo't magdiwang
Bukal sa pusong tayo ay magmahalan

Magsilapit ng samasama
Magbuklod sa pag-ibig Niya
Tapusin natin ang hidwaan
Ang naisi'y pagsinta't kapayapaan

At sa piling ng mga pinagpala
Nawa'y makita Ka
At mamasdan ang banal Mong mukha
sa 'Yong kaluwalhatian

Saturday, January 20, 2024

Ad Maiorem Dei Gloriam (For the Greater Glory of God) Lyrics

Ad Maiorem Dei Gloriam
Dan Schutte

CHORUS:
Ad maiorem dei gloriam
God of all things, in great and small things
So we labor to set all hearts on fire
For your greater glory, O God

Be the passion in our soul
As we fight for justice and long for the reign of peace

Ad maiorem dei gloriam
God of all things, in great and small things
So we labor to set all hearts on fire
For your greater glory, O God

Be the hunger in our hearts
As we bring your mercy to all who are bound by shame

Ad maiorem dei gloriam
God of all things, in great and small things
So we labor to set all hearts on fire
For your greater glory, O God

Be the wonder in our mind
As we seek for wisdom and walk in the way of truth

Ad maiorem dei gloriam
God of all things, in great and small things
So we labor to set all hearts on fire
For your greater glory, O God


Now is the Time Lyrics

Ricky Manalo

Now is the time, here in this space,
we come to share a meal from ancient days
Gathered now in Christ, gathered here as one
we taste the banquet yet to come.

From age to age all people gathered in your name,
a story now remembered. So the Spirit you have sent
embraces from our past a promise that will last

Now in the blessing and the breaking of the bread,
your presence dwells among us. In the sharing of this meal,
the love that you impart now dwells with in our hearts

And in the blessing and the drinking of the wine,
we come to learn our story. In the richness of our lives,
the blood of the Christ outpoured unites us with our Lord

There is a myst'ry of the path that lies ahead,
a journey still unfathomed. May the myst'ry we behold
become the light we bear for all the world to share

Friday, January 19, 2024

Pag-aalay (Delgado) Chords

 3/4
D G/D A/C# Bm Em A Dsus D

Chorus (solo):
D G/D A/C# Bm G D/F# Em A
D G/D D/F# Bm C A Dsus D

Chorus:
D G/D A/C# Bm G D/F# Em A
D/F# G D/F# Bm C A Dsus D

Verse:
G Gm D/F# Bm Bb Bb A A
Em D/F# F#m Bm Bb Bb Asus A Asus A



Batang Banal, Nino Hesus Lyrics

Awit sa Pakikinabang sa Pista ng Santo Nino
Bill Kevin Del Rosario

Batang Banal Nino Hesus
Puso'y dalisay at puspos
Pagmamahal at pag-sunod sa Amang Diyos
sa puso ko'y iutos Mo.

Batang Banal Nino Hesus
Bukal ng awa at biyaya
Pag-lingap sa kapwa at mahihirap
sa amin ay iutos Mo

O Santo Nino, Batang Diyos
aming daigdig, nasa 'Yong bisig
Hawakang mahigpit sa Ama ay ilapit
Pit Senyor! Nino Hesu

Batang Banal Nino Hesus
kapayapa'ay taglay Mo
Sa mundong tigib ng hirap at gulo,
Kami'y saklolohan Mo

Batang Banal Nino Hesus
nakipamuhay bilang tao
Idulot Mong kami'y makibagay,
makitulad sa kababaang loob Mo

O Santo Nino, Batang Diyos
aming daigdig, nasa 'Yong bisig
Hawakang mahigpit sa Ama ay ilapit
Pit Senyor! Nino Hesu
 

Bunying Santo NiƱo Lyrics

 
Bunying Santo NiƱo Kami’y nagsasaya
Ng dahil sa Iyo, kami'y maligaya
umaawit kami nagagalak tuwina
sa 'yong alindog ay nakikiisa.

Bunying Santo NiƱo, Diyos kang Dakila
sa langit at lupa, Ikaw ang may
likha
Sumasamba kami't ang hingi ay awa
igawad sa amin, ang Iyong kalinga.

3. Tulungan mo kami bunying Santo NiƱo
sa lungkot at dusa, kami’y aliwin mo.
Sa mga pagsubok ang iyong saklolo
Maging salbabida, naming abang tao.

4. Bunying Santo NiƱo, ang matanda’tbata
dumudulog sa 'yo Iubhang natutuwa
Mabuhay, mabuhay ang sigaw ng madla
SeƱor Santa NiƱo, Diyos na dakila!

Masdan ang Poong Nagligtas Lyrics

 Awit sa Pakikinabang sa Panahon ng Kwaresma
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II

 

Masdan ang Poong nahihirapan
Masdan ang matang luhaan
Masdan ang bawat sugat, ang paglalait, paglibak,
Nang dahil sa sala ng lahat


Ano’ng hiwaga at pagkadalisay,
sa bawat sakit ay nakuhang magmahal?
Sa krus aking namalas, bakas lahat ng hirap
At dusang sa tao’y nagligtas


Masdan ang Poong nakabayubay
Masdan, katawang lupaypay
Masdan mo ang pagdanak ng dugong lubhang banal
Humugas sa sala ng lahat


Ano’ng hiwaga at pagkadalisay,

sa bawat sakit ay nakuhang magmahal?

Sa krus aking namalas, bakas lahat ng hirap

At dusang sa tao’y nagligtas


Masdan ang Poong ‘di ka nilimo’t
Masdan ang sa’yo’y tumubos
Masdan ang pagdurusa, dahilan ay pagsinta
At upang mabuhay kang walang hanggan

Dinggin at Kaawaan Lyrics

Awit-Pambungad sa Panahon ng Kwaresma
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II

 

Dinggin Mo nawa't tanggapin
Ang aming mga pananambitan,
Limutin aming pagsuway,
Linisin, aming kasamaan
Inaaming kasalanan, marapat lang na hatulan
Nawa'y maawa't mahabag
Ayon sa tapat Mong pagmamahal

O Diyos, hugasan Mo ako
Sala ko ay limutin Mo
Linisin Mo nang maging busilak itong puso

Buksan Mo ang aking labi,
upang sa 'Yo, ako'y magpuri
Isisigaw ko nang kay lakas, dulot ng Iyong pagliligtas
Ang alay ko ay 'di dapat kung puso'y palalo't hamak
Nagsisisi't mapagkumbaba ang handog na Ika'y nalulugod

O Diyos, kaawaan Mo ako
Sala ko ay limutin Mo
Linisin Mo nang maging busilak itong puso

Wednesday, January 3, 2024

AD SEMINANDUM Lyrics

OFFICIAL COAT OF ARMS THEME OF REV. RUPERTO C. SANTOS, 5th Bishop of Antipolo

 

 Isang manghahasik ang lumabas at nagpunla

Sa iba’t ibang dako at lupa

Ang iba’y tumubo’t namunga

Ngunit ang ila’y naluoy, nadagit, nalanta

 

Ang Dakilang Maghahasik ay patuloy nagpunla

Sa mundong balot ng lungkot, dilim, kasalanan

Ito’y muling bubuhayin at muling sasagana

Sa Salita ng D’yos at pagmamahal ay bunga

 

KORO:

Ang tawag sa atin ay makinig at maghasik,

Upang ipangalat at humitik

Ang Mabuting Balitang hatid ay kaligtasan

Ad seminandum, makinig, magpahayag, maghasik!

 

Sa pagpupunla ng mga manghahasik,

Tayo nawa’y maging masigasig

Sa pagtatanggap at paghihitik

Ng mga butong sa ‘tin pinunla’t hinasik

 

Maging tunay at masaganang lupa nawa kami

Para sa paghahasik, magpayabong ang ani

Na ang mga ito’y magamit at mapagbuti

Sa pagbubuklod, pagbuo ng pamayanan

 

[ULITIN ANG KORO]