Wednesday, January 3, 2024

AD SEMINANDUM Lyrics

OFFICIAL COAT OF ARMS THEME OF REV. RUPERTO C. SANTOS, 5th Bishop of Antipolo

 

 Isang manghahasik ang lumabas at nagpunla

Sa iba’t ibang dako at lupa

Ang iba’y tumubo’t namunga

Ngunit ang ila’y naluoy, nadagit, nalanta

 

Ang Dakilang Maghahasik ay patuloy nagpunla

Sa mundong balot ng lungkot, dilim, kasalanan

Ito’y muling bubuhayin at muling sasagana

Sa Salita ng D’yos at pagmamahal ay bunga

 

KORO:

Ang tawag sa atin ay makinig at maghasik,

Upang ipangalat at humitik

Ang Mabuting Balitang hatid ay kaligtasan

Ad seminandum, makinig, magpahayag, maghasik!

 

Sa pagpupunla ng mga manghahasik,

Tayo nawa’y maging masigasig

Sa pagtatanggap at paghihitik

Ng mga butong sa ‘tin pinunla’t hinasik

 

Maging tunay at masaganang lupa nawa kami

Para sa paghahasik, magpayabong ang ani

Na ang mga ito’y magamit at mapagbuti

Sa pagbubuklod, pagbuo ng pamayanan

 

[ULITIN ANG KORO]

No comments:

Post a Comment