Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka sa amin
Sapagka't ikaw lamang ang Banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang o Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!
Amen!
Monday, September 2, 2024
Papuri sa Diyos (Ang Pista ng Sambayanan) Lyrics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment