Jerry Olaguer
Kay ningning ng buhay
na aking tinataglay
Kayamanang tunay at wala nang kapantay
buhay na makulay,
madilim man kung minsan
Sa Iyo Panginoon aking iaalay
Buhay ko'y sa 'Yo
Panginoon ko,
Buhay kong sadyang
Nilaan para sa' Yo
Ang ngayo'y di bukas,
bukas na katanungan
Sana ay tulutang kasaguta'y makamtan
Sa gitna ng panganib
sa makitid na daan
Tangan ko'y lakas at tiwalang ika'y sundan
Buhay ko'y sa 'Yo
Panginoon ko,
Buhay kong sadyang
Nilaan para sa' Yo
Buhay ko'y sa 'Yo
Panginoon ko,
Buhay kong sadyang
Nilaan para sa' Yo
Para sa 'Yo
No comments:
Post a Comment