Friday, January 19, 2024

Batang Banal, Nino Hesus Lyrics

Awit sa Pakikinabang sa Pista ng Santo Nino
Bill Kevin Del Rosario

Batang Banal Nino Hesus
Puso'y dalisay at puspos
Pagmamahal at pag-sunod sa Amang Diyos
sa puso ko'y iutos Mo.

Batang Banal Nino Hesus
Bukal ng awa at biyaya
Pag-lingap sa kapwa at mahihirap
sa amin ay iutos Mo

O Santo Nino, Batang Diyos
aming daigdig, nasa 'Yong bisig
Hawakang mahigpit sa Ama ay ilapit
Pit Senyor! Nino Hesu

Batang Banal Nino Hesus
kapayapa'ay taglay Mo
Sa mundong tigib ng hirap at gulo,
Kami'y saklolohan Mo

Batang Banal Nino Hesus
nakipamuhay bilang tao
Idulot Mong kami'y makibagay,
makitulad sa kababaang loob Mo

O Santo Nino, Batang Diyos
aming daigdig, nasa 'Yong bisig
Hawakang mahigpit sa Ama ay ilapit
Pit Senyor! Nino Hesu
 

No comments:

Post a Comment