Friday, January 19, 2024

Masdan ang Poong Nagligtas Lyrics

 Awit sa Pakikinabang sa Panahon ng Kwaresma
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II

 

Masdan ang Poong nahihirapan
Masdan ang matang luhaan
Masdan ang bawat sugat, ang paglalait, paglibak,
Nang dahil sa sala ng lahat


Ano’ng hiwaga at pagkadalisay,
sa bawat sakit ay nakuhang magmahal?
Sa krus aking namalas, bakas lahat ng hirap
At dusang sa tao’y nagligtas


Masdan ang Poong nakabayubay
Masdan, katawang lupaypay
Masdan mo ang pagdanak ng dugong lubhang banal
Humugas sa sala ng lahat


Ano’ng hiwaga at pagkadalisay,

sa bawat sakit ay nakuhang magmahal?

Sa krus aking namalas, bakas lahat ng hirap

At dusang sa tao’y nagligtas


Masdan ang Poong ‘di ka nilimo’t
Masdan ang sa’yo’y tumubos
Masdan ang pagdurusa, dahilan ay pagsinta
At upang mabuhay kang walang hanggan

No comments:

Post a Comment