Tuesday, July 9, 2024

Banyuhay (Esteban) Lyrics

 Mula sa mga butil na humitik ng uhay,
Natipong mga trigo'y sa tinapay nagwawakas

KORO:
Pinagpaguran ng lipak na kamay
At ng pawis na sa noo'y nunukal
Tanging sa Iyo lamang inialay
Sagisag na walang kapantay

Mula sa mga banging, ng kinumpol na ubas,
Inaning mga bunga ang katas ay naging alak
[ulitin ang KORO]

Sa dugo at katawan ni Hesus na minamahal
Ang tinapay at alak ngayo'y babanyuhay
[ulitin ang KORO]

Hiwaga ng pag-ibig, Handog sa ating lahat
Upang maging panlunas ng pusong naghihintay
[ulitin ang KORO]

No comments:

Post a Comment