Wednesday, September 4, 2024

Banal Mong Puso Lyrics

 Ito ang aking Katawa't Dugo,
Taglay ang aking sugatang Puso,
Na inihahandog ng dahil sa inyo,
Tugon ng pag-ibig ang tanging hanap Ko

Masdan ang Pusong tanging nagmamahal
Hindi S'ya nagkait ng anuman,
Maging sa pagdurusa at kamatayan
Naggawad pa ng kapatawaran

Bukal ng kabanalan at pag-ibig
O patawarin ang aming paglalamig;
Tunawin ang matitigas naming dibdib
Idarang ang puso sa Banal Mong init

Itulad Mo sa 'yo aming puso
Upang loob Mo sa 'mi'y tumubo:
Sakit Mo at sakit nami'y di magkalayo,
Pag-ibig sa kapwa'y lalong lumago

No comments:

Post a Comment