Friday, January 19, 2024

Bunying Santo Niño Lyrics

 
Bunying Santo Niño Kami’y nagsasaya
Ng dahil sa Iyo, kami'y maligaya
umaawit kami nagagalak tuwina
sa 'yong alindog ay nakikiisa.

Bunying Santo Niño, Diyos kang Dakila
sa langit at lupa, Ikaw ang may
likha
Sumasamba kami't ang hingi ay awa
igawad sa amin, ang Iyong kalinga.

3. Tulungan mo kami bunying Santo Niño
sa lungkot at dusa, kami’y aliwin mo.
Sa mga pagsubok ang iyong saklolo
Maging salbabida, naming abang tao.

4. Bunying Santo Niño, ang matanda’tbata
dumudulog sa 'yo Iubhang natutuwa
Mabuhay, mabuhay ang sigaw ng madla
Señor Santa Niño, Diyos na dakila!

No comments:

Post a Comment