Friday, January 19, 2024

Dinggin at Kaawaan Lyrics

Awit-Pambungad sa Panahon ng Kwaresma
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II

 

Dinggin Mo nawa't tanggapin
Ang aming mga pananambitan,
Limutin aming pagsuway,
Linisin, aming kasamaan
Inaaming kasalanan, marapat lang na hatulan
Nawa'y maawa't mahabag
Ayon sa tapat Mong pagmamahal

O Diyos, hugasan Mo ako
Sala ko ay limutin Mo
Linisin Mo nang maging busilak itong puso

Buksan Mo ang aking labi,
upang sa 'Yo, ako'y magpuri
Isisigaw ko nang kay lakas, dulot ng Iyong pagliligtas
Ang alay ko ay 'di dapat kung puso'y palalo't hamak
Nagsisisi't mapagkumbaba ang handog na Ika'y nalulugod

O Diyos, kaawaan Mo ako
Sala ko ay limutin Mo
Linisin Mo nang maging busilak itong puso

No comments:

Post a Comment