(Angono) - Musika: Ethel Lynn G. Miranda
Nilikha Mo'ng langit kung pagmamasdan
Pati mga tala, bituin at b'wan
Ano nga ba ang tao upang 'Yong alalahanin?
Ano nga s'ya na sukat Mo'ng kalingain
Nilikha Mo s'ya na halos kapantay
ng 'Yong luningning at kadakilaan
Ano nga ba ang tao upang 'Yong alalahanin?
Ano nga s'ya na sukat Mong kalingain?
Ikaw, Yahweh ang Panginoon
Ang matibay na moog
Hanggang langit
Ikaw ay pupurihin,
Ikaw, Yahweh ang Panginoon,
Ang buong mundo'y iyo
Ang kadakilaan Mo'y
Karangalan ng tao
No comments:
Post a Comment