Tuesday, April 22, 2025

Papuri sa Diyos (Consolacion) Lyrics

Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan

At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong may mabuting kalooban
Pinupuri Ka namin
dinarangal Ka namin
sinasamba Ka namin
Niluluwalhati Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila Mong kalwalhatian

Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Anak ng Ama

Ikaw na ang-aalis ng kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin, maawa ka sa amin
Ikaw na ang-aalis ng kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw nanaluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa ka sa amin, maawa ka sa amin
Maawa ka sa amin

Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang O Hesuskristo ang kataas-taasan,
Kasama ng Espiritu Santo
sa Kaluwalhatian ng Diyos Ama, Amen
ng Diyos Ama, Amen

Amen, Amen
Amen, Amen!

No comments:

Post a Comment