Siya'y salubungin at ipagdangal
At itaas natin ang lahat
ng palaspas at kamay
Iwagayway sa Panginoong mahal
Ang hari nating marangal!
Hosana Hosana
Sa Panginoon ay magpuri!
Hosana Hosana
Sa Hari ng Israel
Ang kabataan ng Jerusalem
ay kay sayang nag-aawitan
At nangangdiriwang
Pagpupuri sa Panginoo'y hatid,
Ang Haring Anak ni David
Hosana Hosana
Sa Panginoon ay magpuri!
Hosana Hosana
Sa Hari ng Israel
Siya'y dadaan kaya't
buksan pinto ng templo
At darating, Poong Diyos nitong mundo
Mga anghel nagpupuring walang patid,
At ang lahat ng nilalang sa daigdig
buksan pinto ng templo
At darating, Poong Diyos nitong mundo
Mga anghel nagpupuring walang patid,
At ang lahat ng nilalang sa daigdig
Paghandaan, pagdating nitong Mesiyas
Awitan Siya't sambahing buong galak
At tanggapin Siya ng sansinukob
na Haring Mananakop
Awitan Siya't sambahing buong galak
At tanggapin Siya ng sansinukob
na Haring Mananakop
Siya'y salubungin at ipagdangal
At itaas natin ang lahat
ng palaspas at kamay
Iwagayway sa Panginoong mahal
Ang hari nating marangal!
Hosana Hosana
Sa Panginoon ay magpuri!
Hosana Hosana
Sa Hari ng Israel
No comments:
Post a Comment