Isang gabing tahimik, payapa't madilim,
Nabalot ng liwanag, hudyat ng pagdating.
Ikaw ay isinilang, nagkatawang-tao
Nanahan Ka sa amin, naghari sa mundo.
Sa sabsaban, Ikaw ay isinilang
Simula ng ganap na pag-aalay.
Alay namin, aming pusong umiibig,
Sa sabsaban, sa Iyo'y bigay.
Sarili ay inalay upang kami'y matubos,
Pag-ibig Mo'y pinadama, mayaman o kapos.
Panginoon, salamat sa buhay Mong kaloob
Kami ngayo'y lalapit upang maghandog
.
Sa sabsaban, Ikaw ay isinilang
Simula ng ganap na pag-aalay.
Alay namin, aming pusong umiibig,
Sa sabsaban, sa Iyo'y bigay.
Tuesday, December 26, 2023
Sa Sabsaban Aming Alay Lyrics
Thursday, December 14, 2023
Salubungin ang Kanyang Pagdating
Titik at Musika: John Michael Dolom, FMI
KORO:
Salubungin ang Kanyang pagdating
Daraana'y Inyong tuwirin
Itaas ang ulo, pagmasdan ang tao
Darating ang kaligtasan ng mundo
Siya na magbibigay ng liwanag
sa lahat ng nasa dilim
Siya na mag-aakay sa lahat
patungo sa kanyang piling
[KORO]
Siya na Anak ng Diyos na banal
Si Hesus, ang tagapagligtas
Siya na Anak ni Mariang mahal,
isisilang sa isang sabsaban
Salubungin ang Kanyang pagdating
Daraana'y Inyong tuwirin
Itaas ang ulo, pagmasdan ang tao
Darating ang kaligtasan ng mundo
Itaas ang ulo, pagmasdan ang tao
Darating ang kaligtasan ng mundo
Thursday, December 7, 2023
Naririto (Zabala) Lyrics
Naririto
Musika at areglo: Steven C. Zabala
KORO:
O Diyos, naririto ang iyong lingkod;
Kalingain Mo't padalisayin
V1:
Kaloob mo sa 'ki'y ang 'Yong kabutihan
Aking wiwikain, 'kaw ang aking Diyos
O Panginoon
V2
Ang Iyong biyaya ay kahanga-hanga
Ang lahat sa akin ay ikaw lamang
O aking Poon
V3
Ang 'Yong katapata'y laging umaakay
Pupurihing tunay
ang Iyong ngalan magpakailanman
Koda
O Diyos, naririto ang Iyong lingkod
O aking Diyos, aking Diyos!
Wednesday, December 6, 2023
Ang Tanging Alay (Misa Delgado 3) Lyrics
Ang Tanging Alay
Lester Frederick G. Delgado
Tanging alay namin
sa hapag Mo'y aming inihain
Ang tinapay na nagbibigay ng buhay
Ang pagkain ng kaligtasan
Aming Ama Inyong tanggapin
Ang aming dalangin
na kaliktasa'y aming marating
Ito ang aming hiling
Tanging alay namin
sa hapag Mo'y aming inihain
Alak na nagbibigay lakas,
Ang inumin ng kaligtasan
Alay Mula sa Puso
Musika ni Eyz A. Ganac
Isinaayos nina Ladicita S. Barcelona at Charlz Ivan A. Mascardo
Sa 'Yo Panginoon, ako'y mag-aalay
ng aking munting kaloob
Aking ihahandog sa Iyo ang buhay ko
Dahil wala akong yamang maibibigay
Ito lamang ang yaman kong maihahandog
Sana'y 'yong tanggapin ang aking munting handog
Buong puso ko at kaluluwa
ay iaalay sa'Yo, aking Panginoon
Sa 'Yo Panginoon, ako'y mag-aalay
ng aking munting kaloob
Aking ihahandog sa Iyo ang buhay ko
Dahil wala akong yamang maibibigay
Ito lamang ang yaman kong maihahandog
Sana'y 'yong tanggapin ang aking munting handog
Buong puso ko at kaluluwa
ay iaalay sa'Yo, aking Panginoon
Iaalay sa 'Yo, aking Panginoon
Wednesday, November 22, 2023
Salmo 97 Misa Purisima Lyrics
Umawit sa Diyos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila
Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
Pagkat yaong ginawa N'ya ay kahanga-hangang tunay
Sa sariling lakas N'ya at taglay na kabanalan,
Walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay
Ang tagumpay N'yang ito'y S'ya na rin ang naghayag,
Sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos Niyang tinupad
Tapat S'ya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos, kahit saan ay namalas.
Magkaingay na may galak yaong lahat sa daigdig,
Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit
Tuesday, November 21, 2023
Magalak! Magdiwang! lpagbunyi si Maria! Lyrics
KORO:
Magalak! Magdiwang sa Birheng dakila!
Magalak! magdiwang! Bayang hinirang
Ipagbunyi si Maria Birheng Immaculada
Ating Ina at Patrona
O Birheng puspos ng biyaya
Bukod tangi ang ganda
Aming dalangi'y dinggin
Kami'y gabayan at kalingain [KORO]
O Birheng dalisay at dakila
Aming lakas at tuwa
Aming buhay sa'yo'y pinagkatiwala
Sa masasama kami'y ipag-adya [KORO]
O Birheng Ina ng Diyos
Pagsinta nami'y lubos
Kay Hesus kami'y akayin
Sa buhay na landasin [KORO]
Handog ng Sambayanan Lyrics
KORO:
Panginoon, nawa ay tanggapin
sa 'Yong mga kamay itong paghahain
Sa 'Yong kapurihan at dakilang karangalan
Handog ng 'yong sambayanang banal
Butil ng trigo na bunga ng pagsisikap,
kaloob namin sa 'Yo
Handog na ganap, Tinapay ng buhay
Pagkaing dalisay
Sa Iyong alaala, Siya naming alay [KORO]
Bungkos ng ubas na bunga ng paggawa
Iyong tanggapin, marapatin nawa
Alak ng kaligtasan, Inuming walang hanggan
sa Iyong kamatayan, tinubos kaming tanan [KORO]
Kami nawa'y maging karapat-dapat
Sa paghahandog na aming ginaganap
Iyo sanang tanggapin, nawa ay kalugdan,
awa at pag-ibig nawa ay makamtan [KORO]
Kalakip ng aming mga abang handog,
ang pasasalamat sa Diyos ng lubos
Sa pagkilalang kay Maria ay ipinagkaloob,
Bunga ng kanyang bukal na pagsunod [KORO]
Saturday, November 18, 2023
Ibalik Natin si Kristo sa Pasko Lyrics
[Verse 1]
Malungkot man ang 'yong pasko
Para bang may kulang pa sa 'yo
Ang pasko ba'y sapatos lang
Laruan, baro at kayamanan
Pasko ba'y ito ang kahulugan?
[Chorus]
Sa ating mundo, punong-puno ng ingay
Bigyan natin ng kulay ang pasko
May pag-asa pang naghihintay
Ibalik natin ang kulay
Tanging si Hesus ang buhay
Ang pasko ba sa mundo
Kayamanan at regalo
Ibalik natin si Kristo sa pasko
[Verse 2]
Hindi ka ba nalilito?
Sa takbo nitong ating mundo
Pasko'y hindi sa yaman lang
Si Hesus iyo nang nalilimutan
Pasko'y siya ang kahulugan
[Chorus]
Sa ating mundo, punong-puno ng ingay
Bigyan natin ng kulay ang pasko
May pag-asa pang naghihintay
Ibalik natin ang kulay
Tanging si Hesus ang buhay
Ang pasko ba sa mundo
Kayamanan at regalo
Ibalik natin si Kristo sa pasko
Friday, November 3, 2023
Papuri sa Diyos (Solemne Seasons Vol. 2) Lyrics
Jeffrey Ray C. Miguel
Papuri sa Diyos
sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulukdan niya
Pinupuri ka namin
Dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin
Ipinagbubunyi ka namin
Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesu Kristo, bugtong na anak
Panginoon Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan, Maawa ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka sa amin
Sapagkat ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang O Hesu Kristo
Ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
ng Diyos Ama, Amen!
Purihin Natin Ang Panginoon Lyrics
Jerylle P. Bantuan
Purihin natin ang Panginoon!
Purihin Ka ng lahat ngayon!
At ating ihayag ang Kanyang salita
Purihin natin ang Panginoon, magpakailanman
Itatanghal ang 'Yong Pangalan
sa banal Mong tahanan
Ang 'Yong gawa'y papupurihan
Mula ngayon at kailanman
Purihin natin ang Panginoon!
Purihin Ka ng lahat ngayon!
At ating ihayag ang Kanyang salita
Purihin natin ang Panginoon, magpakailanman
Bayang Iyong tinawag,
nagpupuri sa 'Yong buong galak
Kasama ang mahal na Ina
Sa kal'walhatian ng Ama
Purihin natin ang Panginoon!
Purihin Ka ng lahat ngayon!
At ating ihayag ang Kanyang salita
Purihin natin ang Panginoon, magpakailanman
Mabunying Teresita Lyrics
1. MUNTING ROSAS
MAGANDANG DILAG,
KAY NINGNING NG
KULAY MO'T BANGO.
ULIRAN KA BUHAY SA
KUMBENTO,
KABANALAN MISYON
MO SA TAO, HANDOG
MO'Y BUHAY, ISIP,
TALINO, INILIGTAS NG
POONG Sl KRISTO
KORO:
MABUNYING, TERESITA
YAMAN AT DANGAL NG
IGLESIYA.
SA IYONG KABANALAN
KAMING TAGASUNOD
MO'Y MAGMANA.
2. AT NIYAKAP MO'Y
KARUKHAAN,
KALU'LWA'T BUHAY SA
KALINISAN,
NAG-AALAB SINTA'T
KASUNURAN,
KABABAANG LOOB NA
TAGLAY, KAY HESUS
TULAD SA KAAMUAN,
PAG-BIG, BUHAY AT
PAGMAMAHAL
3. MGA PARI AY
MINAMAHAL,
PANALANGIN SA
GABI'T ARAW,
HUMAYON SA BUONG
KALUPAAN, ANG BIYAYA
NG 'YONG KAHILINGAN,
NAKILALA ANG POONG
MAYKAPAL, WALANG
HANGGANG
KALUWALHATIAN.
4. PUSO MO'Y
NAPUNO NG HABAG,
SA ISANG TAONG
NAGKASALA.
MATAIMTIM MO SIYANG
PINAGDASAL, NA ANG
PUSO AY MAANTIG,
KAYA IYONG HILING AY
NAKAMTAN,
TAO'Y NAGSISI BAGO
NAMATAY.
5. HINUBOG KA SA
PAGMAMAHAL, NG
MGA MAGULANG
MONG BANAL.
HUWARAN NG MGA
MAG-ASAWA AT
MODELO NG MGA
PAMILYA.
KAMI AY INYONG
IPANALANGIN, SAN LUIS
AT SANTA ZELIE MARTIN
Thursday, October 19, 2023
Aming Ipinahahayag (Solemne Seasons Vol.2) Lyrics
Jeffrey Ray C. Miguel
Aming ipinahahayag
na namatay ang 'Yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik
Sa wakas upang mahayag sa lahat
Monday, October 16, 2023
Panginoon Kaawaan Mo Kami Lyrics (Misa Solemne 2)
Eugene C. Calimag
Jeffrey Ray C. Miguel
Panginoon kaawaan Mo kami
Panginoon kaawaan Mo kami
Kristo kaawaan Mo kami
Kristo kaawaan Mo kami
Panginoon kaawaan Mo kami
Panginoon kaawaan Mo kami
Saturday, October 14, 2023
Halina Kay Kristo Lyrics
Musika at Titik ni Eugene C. Calimag
Pagsasaayos nina Jeffrey Ray C. Miguel
at Eugene C. Calimag
Umawit ng papuri
Hipan natin ang tambuli
Salubungin ang biyaya
kay Kristo Hesus, halina
Sa ating paglalakbay
si Hesus ang s'yang kaagapay
Yakap nya'ng mga dukha,
lahat tayo'y pinagpala
Sa sala tayo'y tinubos
ni Kristo,
Magdiwang at magpuri tayo
Umawit ng papuri
Hipan natin ang tambuli
Salubungin ang biyaya
kay Kristo Hesus, halina
Sa paghihirap natin,
si Hesus ang laging kapiling
Dulot nya ay ginhawa
Sa lahat ng nagdurusa
Ating awitin
"Si Hesus ang laging
pag-asa't kaligtasan natin"
Umawit ng papuri
Hipan natin ang tambuli
Salubungin ang biyaya
kay Kristo Hesus, Halina!
(Halina kay Kristo, halina!)
Saturday, October 7, 2023
The Fount of Blessing Lyrics
Hymn for Preparation of the Gifts
Music by Jeffrey Ray C. Miguel
Take and receive this bread
which will become Your Body
the Bread that for us
was given from the earth
that gives us eternal life
Take and receive these gifts
that we bring to Your altar
We bring them humbly before You
from whom all blessings flow
Take and receive this wine
Which will become Your Blood
The wine that for us was given
From the vine, the Cup of the covenant
Take and receive these gifts
that we bring to Your altar
We bring them humbly before You
from whom all blessings flow
Monday, September 18, 2023
Ina Naming Maria Lyrics
N.S. Que, SJ
V. Eduave
O Inang Maria, Ika'y aming takbuhan
Sa paglalakbay namin, lagi kang kasama
Sa lungkot at ligaya, bahagi ka, Ina
Sa 'yo iaalay puso nami't kalulwa
Maria, Ina ng Diyos,
Tanglawan mo'ng aming buhay
Yamang ikaw ang tanging lingkod
ng Diyos Ama
Glory to God (Ronaldo J. Raz) Lyrics
Glory, Glory, Glory to God
in the highest
And on earth peace to people of good will
We praise you, we bless you, we adore you
we glorify you,
we give you thanks
For your great glory
Lord God, heavenly King
O God, almighty father,
Lord Jesus Christ
only begotten son
Lord God, Lamb of God,
Son of the Father,
You take away the sins of the world,
Have mercy on us
You take away the sins of the world,
receive our pray'r
You are seated
at the right hand of the Father
Have mercy on us
For You alone are the holy one,
You alone are the Lord,
You alone are the most High
Jesus Christ with the Holy spirit
in the glory of God the Father
Amen, Amen, Amen
Saturday, September 16, 2023
Psalm 96 (Ronaldo Raz) Lyrics
Give the LORD,
You fam'lies of the peoples,
Give the LORD glory and power;
Give the LORD the glory of his name.
Bring an offering
And enter His courts;
Worship the Lord, in holy splendor
O tremble before Him, all the earth
Panginoon, Kapatawaran Lyrics
E.P. Hontiveros, SJ
Panginoon kapatawaran
Sa aming mga makasalanan
Ito’y aming kahilingan
O Kristo kami’y kaawaan
Sa aming mga pagkukulang
Sa aming mga kasamaan
Panginoon kami’y gabayan
At huwag Mong kalilimutan
Pagdating sa Iyong kaharian
Friday, September 15, 2023
Ang Puso Ko'y Nagpupuri Lyrics
ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI,
NAGPUPURI SA PANGINOON
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.
1. SAPAGKAT NILINGAP N’YA KABABAAN NG KANYANG ALIPIN
MAPALAD ANG PANGALAN KO SA LAHAT NG MGA BANSA.
2. SAPAGKAT GUMAWA ANG POON NG MGA DAKILANG BAGAY
BANAL SA LUPA’T LANGIT ANG PANGALAN NG PANGINOON.
3. AT KINAHAHABAGAN N’YA ANG MGA SA KANYA’Y MAY TAKOT
AT SA LAHAT NG SALINLAHI ANG AWA NYA’Y WALANG HANGGAN.
4. AT IPINAKITA N’YA ANG LAKAS NG KANYANG BISIG
AT ANG MGA PALALO’Y PINANGALAT NG PANGINOON.
5. IBINULID SA UPUAN ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
ITINAMPOK, ITINAAS ANG MGA MABABABANG-LOOB.
6. AT KANYA NAMANG BINUSOG ANG MGA NANGAGUGUTOM
PINAALIS, WALANG DALA ANG MAYAMANG MAPAGMATAAS.
7. INAMPON N’YA ANG ISRAEL NA KANYANG ALIPING HINIRANG
SA DAKILA N’YANG PAGMAMAHAL AT DALA NG LAKING AWA N’YA.
8. AYON SA IPINANGAKO N’YA SA ATING MGA MAGULANG
KAY ABRAHAM AT LIPI N’YA AT ITO’Y MAGPAKAILANMAN.
9. LUWALHATI SA AMA, SA ANAK, AT SA ‘SPIRITU SANTO
KAPARA NOONG UNANG-UNA, NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.
KODA:
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.
https://youtu.be/-Ys8mSQbZCo?si=4xGKgDXBW6L9MWjv
Saturday, September 9, 2023
Dakila ang Yong Puso (Isang Munting Panalangin) Lyrics
VERSE 1+2
Amang Banal, sa ‘Yo ay aming alay,
Ang tinapay at alak
Para sa ‘min ay magiging si Hesukristong Poon
Tanggapin ang aming kakayanan
Kami ‘Yong sambayanan
Ang mga pinagpaguran sana’y Iyong kalugdan
KORO:
Dakila ang 'Yong puso
Dakila Ka, O Kristo
Sambayanan, kami'y nagpupuri
Sa 'Yong dugo at katawan
VERSE 3+4
Narito handog nami’y tinapay
Tanggapin Mo’t basbasan
Nang sa mi’y maging tinapay na nagbibigay buhay
Narito handog namin ay alak
Tanggapin Mo’t basbasan
Nang sa ‘mi’y maging ang alak na nagbibigay lakas
[REPEAT KORO]
VERSE 5+6
Panginoon, ito ang aming alay
Sa iyong kabanalan,
Tanggapin ang aming isip, buhay at kalayaan
Sa Iyo ang aming katauhang
Pinagbuklod ng ‘Yong katawan;
Handog namin ang aming kalooban na sa ‘Yo nagmumula
[REPEAT KORO]
VERSE 7+8
Tunay ang pag-ibig Mo Kristo,
Liwanag ng aming puso,
Awit nami’y aming alay pasalamat sa ‘ming buhay
Dinggin ang aming panalangin
Magka-isa sa ‘Yong piling;
Kabutiha’y bigyang pansin at ang ali-ta’y alisin
[REPEAT KORO]
Panginoon, Kapatawaran by Hontiveros Chords
Intro:
Am Dm Am Am
Verse
Am Dm Am Am
Dm Dm B E
Am Dm Am Am
B B E E
Pre-chorus
Dm Dm Am Am
F F E E7
Chorus
A D A A
E E A A
D E A A
Sunday, September 3, 2023
The God of All Grace Lyrics
Chorus:
The God of all grace has blessed us this day
All of creation joins us in praise;
Lifting our voices, lifting our hearts
To the glory of God forever!
God of power and might,
come into our presence this day
Strengthen us now with a spirit of faith;
We gather in your name
God of mercy and truth,
who brings us from night into day
Nourish our lives with a spirit of hope
And shield us from all fear
God of wondrous love,
Compassion and glory are yours
Come fill our hearts with a spirit of love
The joy we find in you
All the gifts of the Lord
shall flow from the glory of God
Let us proclaim all the wonders we've seen
Give thanks, rejoice and sing
God of water and birth,
renewing the face of the earth;
Healing us now with the Spirit of Christ,
you cleanse us from our sins
Be Not Afraid - Taylor Davis Lyrics
Be not afraid, for I have redeemed you
Be not afraid, I've called you by name
My love for you is everlasting,
My love for you shall have no end
When you pass through the waters,
I will surround you
When you pass through the floods,
they will not sweep o'er
When you walk through the fire,
you will not be consumed
You are my child, you are my child
You are so precious to me
You are my child, and I'll love you always
Just hold my hand, and I'll lead you home
When you feel lost, always remember;
I am right here, just call out my name
Friday, June 9, 2023
Tatay - Nathan Dublin - Chords
"TATAY"
Composed by: Nathan Dublin
D D/F#
Ang isip, ang sabi
Bm D
"Hindi para sa akin to"
G D
Ang isip, ang yakag,
Em A /G
"Maari pa kong lumayo."
Refrain 1
F#m Bm
Inaamin ko sa king panaginip
F#m Bm
Nayanig ang buhay kong dati tahimik
G A7 F#m Bsus
Ngunit bakit ngayon, akoy nananabik.
Em
Na ikay aking kalungin.
A
"Tatay" ang iyong tawag sa akin.
G D/F# Em Asus A
D D/F#
Ang puso, ang kabig,
Bm D
"Akong magtatanggol sa iyo"
G D
Ang puso, ang pilit,
Em A /G
"Akoy maging sandalan mo."
Repeat Refrain¨1 --- B
E E/G#
Ang langit, ang bilin,
C#m7 E
"Hinihintay ka ng mundo"
A E
Ang langit, ang awit,
F#m7 B
"Dakila ang pangalan mo, (Emmanuel)"
Refrain 2
G#m C#m7
Inaamin ko sa aking panaginip
G#m7 C#m7
Nayanig ang buhay kong dati tahimik
A B G#m7 C#sus
Ngunit bakit ngayon, akoy nananabik.
F#m
Di ka man sa akin galing
B
"Tatay" ang iyong tawag sa akin.
A E/G# F#m E
Sunday, May 7, 2023
O Diyos Tanggapin Mo Lyrics
Alejandro Consolacion II
O Diyos, tanggapin Mo
Alay namin sa 'Yo
Tinipon sa dambana
Biyaya at pagpapala
Bunga ng aming pagsisikap,
hatid namin sa 'Yong altar
Basbasan Mo't gawing nararapat,
sa pag-ibig Mong matapat
[KORO]
Aning bunga ng mga ubas
At trigong hutil na hinampas,
Ay magiging alak at tinapay;
Tanda ng 'Yong pagmamahal
[KORO]
Saturday, April 15, 2023
Santa Teresita, Aking Gabay Lyrics
Music: Kirby Guevarra
Lyrics: Sheryll Avancena
SATB Arrangement: Dennis Van B. Grospe
Ang bawat isa ay naglalakbay
Humarap sa hamon ng kaniyang buhay
Sino ba ang pwede nating gabay?
Ang halimuyak ba ng rosas na alay mo?
Ang bawat hininga ko ba ay may kahulugan?
Mga yapak mo ba'y dapat ko lang sundan
Kailangan ko ng lahat ng parangal
O sapat na tulad ng puso mong may dangal?
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa
Himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin mamuhay
ng buhay sa D'yos inalay
Ang bawat oras na Kaniyang ibinigay
Matagal ko na ba Siyang pinaghihintay
Misyon na dapat simulan
ang mahalin si Hesus magpakailanman
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa
Himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin mamuhay
ng buhay sa D'yos inalay
Sa agaw liwanag ng bawat araw
Ngiti at papuri tanging sigaw
Santa Teresita, bango mo ay pag-asa
Himukin ang damdamin sa Kanya'y manalangin
Santa Teresita, ang aking mithiin mamuhay
ng buhay sa D'yos inalay
Santa Teresita aking gabay sa paglalakbay
Thursday, March 16, 2023
Lord, We Come to You (Delgado) Lyrics
We come to You on this day
with faith, we kneel down to pray
Wash us from our guilt and free us from our sins
Teach us to love You, O Lord
We open our hearts and we praise You, Lord,
by Your cross, You save the world
Forgive us our sins, have mercy on us
Teach us to love You, O Lord
We come to You on this day
with faith, we kneel down to pray
Wash us from our guilt and free us from our sins
Teach us to love You, O Lord
Teach us to love You, O Lord
Kung Saan May Pagmamahalan Lyrics
Musika ni Fr. Angelo "Jing" Caparros
Misa ng Mabuting Pastol
Kung saan may pagmamahalan
Naroroon ang Diyos
Kung saan man pagkalinga
Naroroon ang Diyos
Kung may dal'wa o tatlo
Sa ngalan Niya'y nagtitipon
Ani Hesus "Ako ay Naroon"
Ako ang pagkaing buhay
na galing sa Kalingatan
ang sabi ng Poong Mahal
Ito inyong pagsaluhan, ng kayo'y muling mabuhay
Inumin inihahain, dugo ni Kristong butihin
Hinati-hating pagkain
Katawang alay sa piging
Ni Hesus para sa atin
Kung Saan May Pagmamahalan - Ferdz Bautista Lyrics
Kung saan may pagmamahalan
ay naroroon ang Diyos
Kung saan man nananahan ang pag-ibig
Ay naroroon ang Diyos
Pinag-isa ng Maykapal
sa diwa ng pagmamahal
Tayo ngayo'y nagdiriwang
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay
Lahat tayo'y magmahalan
Upang tayo'y mapitagang makalapit sa Maykapal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay
Kapwa'y pagpaumanhinan
Makisama ng mahusay, patawarin ang kaaway
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay
Alita'y dapat maparam
Sa gagawing pag-aalay
Sa hain ni Kristong banal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay
Kaisa ng mga Banal tayo nawa ay silayan
ng kariktan ng Maykapal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay
Ang ligayang walang hanggan
Ay atin sanang makamtan sa piling ng Poong mahal!
Ang Diyos Ama'y nananahan
sa may pag-ibig na tunay