SALMO RESPONSORYO
Titik: Lucas 1: 46-55
Musika: Alejandro D. Consolacion II
SAGOT
Mahal na Birheng Maria,
ina ng Anak ng Ama.
BERSO 1
Ang puso ko'y nagpupuri
sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu
dahil sa Diyos
na aking tagapagligtas.
BERSO 2
Sapagkat nilingap niya
ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon ako'y
tatawaging mapalad
sa lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan!
BERSO 3
Kinahahabagan niya
ang mga may takot sa kanya,
sa lahat ng sali't saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas
ng kanyang mga bisig
Pinangalat niya ang mga
palalo ang isipan.
BERSO 4
Ibinagsak niya ang mga hari
mula sa kanilang trono,
at itinaas ang nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay
ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala
ni anuman ang mayayaman.
BERSO 5
Tinulungan niya ang
kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya
sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi,
magpakailanman.
Monday, December 29, 2025
Salmo Responsoryo Consolacion Lyrics
Tuesday, December 16, 2025
Sama-samang Mag-alay Lyrics
Sama-samang Mag-alay
Titik: Danilo B. Isidro, SJ at P. Ral Jaden C. Paguergan
Musika: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ
Verse 1
Taglay namin ngayon sa aming mga palad,
Sa kabutihan Mo ay aming tinanggap;
Kas'yahang tanggapin ang s'ya naming hangad
Tinapay na bunga ng pagod at hirap.
Sama-samang mag-alay
nang buong pagmamahal.
Sama-samang mag-alay
nang buong pagmamahal.
Verse 2
Alay pa rin namin sa 'Yo Amang liyag,
Ang alak na mula sa katas ng ubas;
Na sa kalinga Mo'y amin ding tinanggap,
Kaya ngayo'y muling handog sa 'Yong hapag.
Verse 3
Tinapay at alak,
abang handog namin,
Nawa'y kalugdan Mo, O Diyos na butihin;
Tinapay magbigay buhay
nawa sa 'min,
Sa kalul'wa alak magsilbing inumin.
Verse 4
O D'yos na dakila,
Ama naming banal, Nawa'y tanggapin Mo,
yaring aming alay;
Tangi naming nasa
Ika'y papurihan
At magpakailanman
Ika'y ipagdangal.
Verse 5
Poon, sambayanan Mo
dito sa Antipolo;
Ay sama-samang umaawit sa 'Yo.
Sa paghahanda po n'yaring mga alay,
Kami'y taos puso at bukal kung magbigay.
---
Sa Atin Sumilang Ngayon Lyrics
"Sa Atin Sumilang Ngayon" by Ferdz M. Bautista:
Koro (Chorus)
Sa atin sumilang ngayon
Manunubos, Kristong Poon!
Mga anghel sa kalangitan,
masayang nag-awitan
Ng "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, A
t sa lupa'y kapayapaan."
Halina sa Belen;
Halina ang Nino'y sambahin.
"Ang Anak ng Ama",
"Ang dakilang Tagapayo",
"Ang Prinsipe ng kapayapaan".
Tulad ng mga Pastol
aming handog Panginoon:
Ang aba naming sarili dalisay
in sa 'Yong pag-ibig.
Handog na mga Pantas:
Myra, Ginto at Kamangyan.
Sapagkat tunay Kang Pari,
Propheta at Hari!
As We Prepare For the Coming of the Lord (Delgado) Lyrics
Misa Delgado Book 10
Lester Delgado
As we prepare for the
coming of the Lord,
Jesus the Savior of the world.
We worship Him and give Him thanks.
We glorify His name,
we sing our songs and praise.
Light up the candles
of Advent
a symbol of the coming
of God's Son.
May its light be our guide
to an everlasting life.
Glory and honor to God.
we sing our songs and praise.
Sunday, December 14, 2025
Umawit Sa Diyos Ng Awa (Salmo 97) Lyrics
Umawit Sa Diyos Ng Awa (Salmo 97)
Cedrick N. Soriano.
Koro:
Umawit sa Diyos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila
Umawit ng bagong awit sa Poo'y ialay,
Pagkat ang ginawa N'ya'y kahanga-hangang tunay.
Sa sariling lakas Niya at taglay na kabanalan,
Walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay (T)
Ang tagumpay Niyang ito'y S'ya na rin ang naghayag,
Sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos N'yang tinupad (T)
Tapat S'ya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos, kahit saa'y namalas.
Magkaingay na may galak ang lahat sa daigdig,
Ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit (T)
Gawa ng D'yos dakila.
Mapalad ang Birheng Maria Lyrics
Mapalad ang Birheng Maria
Awit sa Komunyon sa Misa sa Karangalan ng Birheng Maria
Music and Lyrics: Bill Kevin del Rosario
Arrangement: Dado G. Delgado
Mapalad ang Birheng Maria,
pinili ng D'yos Ama,
upang iluwal ang sugo N'ya,
Anak na kaisa-isa
at Manunubos sa sala.
Verse 1
Ikaw po Birheng marilag,
Inang walang makatulad.
Magdalita ka't mahabag,
ipagtanggol kaming lahat
sa hirap na aming daranasin.
Verse 2
At sa oras ng pagdating
niyong kamatayan namin
kami ay iyong dalawin,
saklolohan at aliwin
sa hirap na aming titiisin.
Mapalad ang Birheng Maria,
pinili ng D'yos Ama,
upang iluwal ang sugo N'ya,
Anak na kaisa-isa
at Manunubos sa sala.
at Manunubos sa sala.
Mapalad ang Birheng Maria.
Kordero ng Diyos (Miranda) Lyrics
Kordero ng Diyos
Ethel Lynn G. Miranda
Rolando DJ. Samalca
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka, maawa Ka,
maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan,
Ipagkaloob Mo sa amin
ang kapayapaan.
Nagagalak Akong Lubos Lyrics
Pambungad na Awit sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria
Araw ng Pasasalamat sa Pilipinas
Nagagalak ako sa Diyos
na sa akin nagsuot,
nang damit ng pagtubos
at ng kagandahang-loob
nang hirangin akong lubos,
nang hirangin akong lubos!
Pinupuri kita Panginoon
pagkat ako'y Iyong iniligtas!
Mga kaaway ko'y 'di Mo hinayaang
magmataas!
Purihin ang Panginoon
siya'y inyong awitan
ninyong bayang hinirang,
pasalamatan ninyo ang banal
Niyang pangalan!
Friday, December 12, 2025
Pananabik Lyrics
Mimo Perez
Elliot Eustacio
Panginoong Hesus,
puso nami'y tigib ng pag-asa
at tahimik na pananabik.
sa Iyong pagsilang
sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
Buhay naming nalilihis
sa pagkukulang at pagmamalabis.
Akayin kami upang makabalik
sa daan ng Iyong pagibig.
Kapwa naming hinuhusgahan
o tinatanggihang damayan.
Imulat kami sa katotohanang
sila ay Iyong kalarawan.
Turuan kaming
mamuhay nang payak,
tuklasin ang bukal ng galak.
Biyaya Mo'y sapat
para sa lahat
dahil pag-ibig Mo ay tapat.
Panginoong Hesus,
puso nami'y tigib ng pag-asa
at tahimik na pananabik.
sa Iyong pagsilang
sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
O Dakilang Mesiyas namin.
Monday, December 1, 2025
Judith 13 - You Are the Highest Honor of Our Race Lyrics
Judith 13 - You Are the Highest Honor of Our Race
Francesca LaRosa
You are the highest honor of our race
Blessed are you, daughter,
by the Most High God,
above all the women on earth;
and blessed be the LORD God,
the creator of heaven and earth
Your deed of hope
will never be forgotten
by those who tell of the might of God
Panginoon, Sa Iyong Pagdating Lyrics
Panginoon, Sa Iyong Pagdating
Dom Bulan, SJ
Gerard Enriquez, SJ
Miggi Angangco
Koro (Chorus)
Panginoon, sa Iyong pagdating,
Kami ay sabik na muling marinig,
Ang tinig ng pag-ibig!
Ang tinig ng pag-ibig!
Mga Verso (Verses)
Digmaan at alitan,
Iyong wakasan,
Nang aming makamtan,
Biyayang kapayapaan.
Makasalana't sugatan
Iyong nahagkan,
Sila'y nananahan,
Sa 'yong kaharian.
Lungkot at pagkalumbay,
Iyong pakinggan,
Kami'y mamumuhay,
Sa 'yong kaginhawaan