Friday, February 19, 2021

Ako'y Kaawaan O Mahal Kong Diyos (Ferdz Bautista) Lyrics

 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa 'Yong kagandahang-loob; m
ga kasalanan ko'y iyong pawiin,
 ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

Linisin Mo sana ang aking karumhan,
at patawarin mo'ng aking kasalanan!
Mga kasalanan ko'y kinikilala
'Di na lilimutan laging naaalala

  Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa 'Yong kagandahang-loob; m
ga kasalanan ko'y iyong pawiin,
 ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

Ako ay linisin sa sala ay hugasan
ako'y puputi ng lubus-lubusan
Galak at tuwa ko ay pupuspusin
Butong nang hihina'y muling palakasin 

 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa 'Yong kagandahang-loob; m
ga kasalanan ko'y iyong pawiin,
 ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

No comments:

Post a Comment