Thursday, February 6, 2020

Kaawaan Mo Ako, O Diyos Lyrics

Lucio San Pedro
Additional verses: Fr. Ral Paguergan

Kaawaan Mo Ako, O Diyos
Ayon sa 'yong kabutihan
Ayon sa laki ng 'yong habag
Pawiin ang aking kasamaan

Hugasan ako sa aking pagkakasala
At linisin sa aking kasalanan

Hugasan ako sa bahid ng karimlan
at linisin ang aking kasamaan

'Sang pusong tapat sa aki'y Iyong likhain
Biyayaan ng bagong damdamin

Ingatan ako O D'yos kong Manunubos,
at ako ay baguhing lubos

Habag Mo, O D'yos ang aking minimithi
Nang ang sala ko ay mapawi

Dungis ng budhi ay iyo nang alisin
Ang patawad kong samo'y dinggin

Linisin Mo na ang aking kalooban
At pawiin ang abang kahinaan

Sa 'Yo D'yos, ako ay nagkasalang tunay,
'Yong baguhin ang aking buhay

No comments:

Post a Comment