Sto. Tomas De Villanueva
Victor A. Caingat
Walang katulad ang kabutihan
sa puso ng maralita
inilaan ang tanging buhay
sa ating Diyos na kawanggawa
Ari-arian at kayamanan
pinamudmod sa mga dukha
Santo Tomas de Villanueva
Arzobispong kahanga-hanga
Tayong lahat at manalangin
sa 'ting patrong maawain
Santo Tomas de Villanueva
sinisinta't ginigiliw
Kaya't sa 'yong awa't patnubay
Kahit saan makarating
Santo Tomas de Villanueva
Aming gaabay at tungkod namin
Kami ngayon ay 'wag pabayaan
sa laban namin sa kasalanan
Santo Tomas de Villanueva
ang pag-asa naming lubusan
Sana kami ipanalangin
sa ating Diyos na mahabagin (maawain)
Santo Tomas de Villanueva
kami sana ay 'yong dinggin
Sana'y dinggin sa aming puso
diwa't damdamin
Nakaukit ang 'yong pangalan
Santo Tomas de Villanueva
bukal ng awa sana'y makamtan
harinawa tanging ikaw ang patron namin
bukas ang palad at matulungin
Santo Tomas de Villanueva
Arzobispong pag-asa namin
Santo Tomas de Villanueva
ang santong maawain
Santo Tomas maawain
Santo Tomas mahabagin
Santo Tomas
Wednesday, September 10, 2025
Santo Tomas De Villanueva Lyrics
Espiritung Banal Lyrics
LYRICS:
1. Espiritung Banal ng D'yos sa akin ay lumulukob
Nang sa dukha'y aking maidulot balita ng pagkatubos.
KORO:
O Espiritu ng kabanalan, o Espiritu ng pagmamahal,
Sa 'king puso'y lagi Kang nananahan
Nang kapwa ko'y aking mapaglingkuran.
Sa 'king puso'y lagi Kang nananahan
Nang kapwa ko'y aking mapaglingkuran.
2. Espiritung Banal ng D'yos sa akin ay lumulukob
Nang sa dukha'y aking maidulot pag-ibig na mapagkupkop. (KORO)
3. Espiritung Banal ng D'yos sa akin ay lumulukob
Nang sa dukha'y aking maidulot kaligayahan Mong lubos. (KORO)
Come to the Foot of the Altar Lyrics
Marvin A. Quintana
Misa Birhen Maria, Medalla Milagrosa
Come to the foot of the altar,
there graces will be poured out on
those who ask with confidence
and fervor!
Come to the foot of the altar
there graces will be poured out on
those who ask with confidence
and fervor!
I rejoiced when I heard them say
"Let us go to God's house"
and now our feet are standin
g within your gates, O Jerusalem.
O God be gracious and bless us
and let Your face shed it's light upon us
so will Your ways be known upon earth
and all nations learn Your saving help.
Give thanks to Him
and bless His Name indeed how good is the Lord
Eternal His merciful love
He is faithful from age to age
Tuesday, September 9, 2025
Stabat Mater - Senga - Lyrics
Raymund Santos Senga
V1:
Sa paanan ng Krus ng lumbay
kinapapakuan ng Anak
Lumuluhang nagbabantay
Lumuluhang Inang nagbabantay
at naghihirap
Puso niya ay tinarakan,
tinarakan ng isang punyal
sa tindi'y sugat di matighaw
Ay O, anong panglaw
na pangitain
Inang Santa anyo'y malasin
nagdurusa't naninimdim
V2:
Dusa't sakit tinding hinagpis
sa namamasdan ay tiniis
ng Inang ang hapdi'y labis,
Dusa't sakit at tinding hinagpis
kanyang tiniis
Sino nga naman ang nilalang
sa Ina ay di maluluha?
Makitang nagdurusang lubha?
Sino nga ang hindi makikihati
sa hirap ng pamimighati
sa Ina Kristong Hari
V3:
Ating sala ang kadahilan
at si Kristo'y pinahirapan
Ating sala ang dahilan
at si Kristo'y pinahirapan
Krus ay pinasan
Ang Ina nati'y naging saksi
sa pagpanaw ng kanyang supling
at sa paglisa'y di maaliw
Ah, O mutyang Ina
iyong bayaang sa hapis kita
ay damayan
sa Iyong hirap ay samahan
V4:
Sa pag-ibig mag-alab sana
itong aking puso oh,
Inang nang maging ka-ibig-ibig
sa pag-ibig mag-alab sana
ang aking dibdib.
O sinta't banal naming Ina
sa purso ko'y itatak
sana bakas ng sugat ng 'Yong anak
At 'yong bahaginan sa Kanyang dusa
sinugatan sa ating sala
ng dahil sa ating sala