Tuesday, April 8, 2025

Tanda ng Pag-ibig (Consolacion) Lyrics

Tanda ng pag-ibig ng D'yos na habag
ang Anak na sa krus ipinakong hayag
Ang awa Niya'y walang hanggan
Pawiin aming kasalanan

'Sang pusong tapat ang sa aki'y likhain,
bigyan Mo ng bagong damdamin,
Espiritu Mo ang papaghariin
makasalana'y palapitin

Halina kayo at magbalik loob
sa mapagpatawad na ating D'yos
Magsisi tayo at manikluhod
Nang may abo't sakong suot

Ako ay linisi't sa sala ay hugasan
Nang ako'y tumingkad nang lubusan
Kasamaan ko ay limuting ganap
Nang muling mapuspos ng galak

Sunday, April 6, 2025

Lord Send Out Your Spirit (Psalm 104) Villaroman Lyrics

 Lord, send out your Spirit,
and renew the face of the earth


Bless the Lord O my soul!
O Lord, my God, you are great indeed!
How manifold are your works, O LORD!
the earth is full of your creatures;

May the glory of the LORD
endure forever;
May the LORD be glad in his works!
Pleasing to him be my theme;
I will be glad in the LORD

If you take away their breath,
they perish and return to their dust
When you send forth your spirit,
they are created, and
you renew the face of the earth.

Saturday, April 5, 2025

Hosana sa Haring Anak ni David (Consolacion) Lyrics

Siya'y salubungin at ipagdangal
At itaas natin ang lahat
ng palaspas at kamay
Iwagayway sa Panginoong mahal
Ang hari nating marangal!

Hosana Hosana 
Sa Panginoon ay magpuri!
Hosana Hosana
Sa Hari ng Israel

Ang kabataan ng Jerusalem
ay kay sayang nag-aawitan
At nangangdiriwang
Pagpupuri sa Panginoo'y hatid,
Ang Haring Anak ni David

Hosana Hosana 
Sa Panginoon ay magpuri!
Hosana Hosana
Sa Hari ng Israel

Siya'y dadaan kaya't
buksan pinto ng templo
At darating, Poong Diyos nitong mundo
Mga anghel nagpupuring walang patid,
At ang lahat ng nilalang sa daigdig

Paghandaan, pagdating nitong Mesiyas
Awitan Siya't sambahing buong galak
At tanggapin Siya ng sansinukob
na Haring Mananakop

Siya'y salubungin at ipagdangal
At itaas natin ang lahat
ng palaspas at kamay
Iwagayway sa Panginoong mahal
Ang hari nating marangal!

Hosana Hosana 
Sa Panginoon ay magpuri!
Hosana Hosana
Sa Hari ng Israel