Saturday, February 24, 2024

Kahit Hindi na Takipsilim Lyrics

Fr. Carlo Magno Marcelo

Minsan isang takipsilim

May nagdiwang at may naghalin

ng tinapay at alak

pagkaing nagmula sa langit


Minsan isang takipsilim

May lumuhang nananalangin

Ang tadhana'y huwag mangyari

Ngunit kung nais s'yang tutupdin


Kasama-sama natin Siya

Ang puso nati'y babaguhin

Ang hain niya ay tanggapin

Kahit hindi na takipsilim


Nawa'y maging isa lahat

Ito'y kanyang huling habilin

Sa pagmamahal ninyo

ang mundo'y magbabago


Siya ay nasa Salita

at lihim Siya sa Sakramento

Makikita sa ating kapwa

Ano pa't sa mukha ng mga dukha


Kasama-sama natin Siya

Ang puso nati'y babaguhin

Ang hain niya ay tanggapin

Kahit hindi na takipsilim


Minsan isang takipsilim

May nagdiwang at may naghalin

ng tinapay at alak

pagkaing nagmula sa langit


Minsan isang takipsilim

May lumuhang nananalangin

Ang tadhana'y huwag mangyari

Ngunit kung nais s'yang tutupdin


Kasama-sama natin Siya

Ang puso nati'y babaguhin

Ang hain niya ay tanggapin

Kahit hindi na takipsilim


Friday, February 23, 2024

Papuri sa Diyos (Misa Birhen ng Antipolo) Lyrics

 Misa Birhen ng Antipolo
Alejandro D. Consolacion


Gloria, Gloria, in excelsis Deo
Gloria, Gloria, in excelsis Deo

At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking Kapurihan

Panginoong Diyos, Hari ng Langit
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin, Maawa Ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka sa amin, Maawa Ka sa amin

Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang O Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
 ng Diyos Ama, Amen!

Amen, Amen, Amen
Amen, Amen, Amen
Amen, Amen, Amen, Amen, Amen!

Tuesday, February 13, 2024

Sa Dalisay na Pagmamahal Lyrics

Awit para sa Paghahanda ng Alay
o Awit sa Pakikinabang (Huwebes Santo)
Titik ni Dhong S. Zamora
Musika ni Alejandro D. Consolacion II

(from Ubi Caritas)

Sa dalisay na pagmamahal
naruon ang Diyos, nananahan
Sa pag-ibig at pagmamahal,
naruon ang Diyos, nananahan

Tinipon tayo ni Kristo
sa pagmamahal Niyang tapat
Magalak tayo't magdiwang
Bukal sa pusong tayo ay magmahalan

Magsilapit ng samasama
Magbuklod sa pag-ibig Niya
Tapusin natin ang hidwaan
Ang naisi'y pagsinta't kapayapaan

At sa piling ng mga pinagpala
Nawa'y makita Ka
At mamasdan ang banal Mong mukha
sa 'Yong kaluwalhatian