Sunday, February 15, 2026

Aleluya Offertory (Pag-aalay) Ferdz Bautista Lyrics

Alleluia 
(Para sa Prusisyon at Paghahanda ng mga Handog sa Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon)
 Ferdinand M. Bautista
 Hango mula sa Salmong Pang-Paskuwa

KORO:
Alleluia! Alleluia! Alleluia!
Alleluia! Alleluia!

BERSO 1: (Terra Tremuit) Salmo 75:9-10
Ang lupa'y nayanig
Ito din ay tumahimik
Nang ang Poon ay tumindig
Bilang hukom natin!

BERSO 2: (Haec Dies) Salmo 117:24
Ito nga ang araw
Na ginawa ng Panginoon!
Magalak tayo't magdiwang sa kanya,
Alleluia!

Friday, February 13, 2026

Sugat ni Kristo Lyrics

Hirap at pagdurusa ang kanyang nadarama
Ang sugat sa katawan pag-ibig ang dahilan
Dugo'y pumapatak tanda ng kaligtasan
Si Kristo anak ng Diyos nag-alay ng buhay

Bawat sugat ni Kristo ay may pahayag
Ang sugat sa ulo’y pang unawang taglay
Sa dibdib ay pag-ibig sa kamay 
pagdamay sa paa na laging nakasubaybay. 

Sunday, February 8, 2026

INA, NARITO ANG IYONG ANAK ANAK, NARITO ANG IYONG INA Lyrics

 INA, NARITO ANG IYONG ANAK
ANAK, NARITO ANG IYONG INA
(Ikatlong Salita)
Titik at Musika ni Lester Delgado (2025)

[Berso]
Gaano kahalaga ang isang ina?
Gaano ba kalalim ang pag-ibig n’ya?
Iingatan ka, sasamahan ka
Sa oras na ika’y nag-iisa.

[Koro]
Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Inihahabilin ko sa 'yong mga kamay,
Alagaan at ibigin s'ya.

Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Sa iyong gabay iaaalay,
Mahalin ninyo ang ating ina.

[Tulay]
Sa krus na ito ako’y sumasamo
Sa aking paglisan
Alalahanin n’yo na magtulungan,
Magdamayan at lagi nang magmahalan.

[Koro - Reprise]
Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Inihahabilin ko sa 'yong mga kamay,
Alagaan at ibigin s'ya.

Ina, narito ang iyong anak.
Anak, narito ang iyong ina,
Sa iyong gabay iaaalay,
Mahalin ninyo ang ating ina.

Mahalin ninyo si Maria.

Sunday, February 1, 2026

HANDOG NG TAGAPAGLIGTAS Lyrics

 AWIT: 

Handog na Tagapagligtas
Langit sa amin nagbukas
Pagkalooban ang iyong angkan
ng pananggol sa kasamaan

Ang isang Diyos ay purihin.
Tatlong Persona ay sambahin;
Ang buhay namin ay palawigin
hanggang sa buhay na darating.

Amen…